Chapter 36

888 16 1
                                    

Choose

Hindi ako makatulog. Sinusubukan kong ipikit ang mata ko pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Maraming gumugulo sa isip ko ngayun. Ang nangyari kanina. Ang pag iiba ni danvis samahan pa ng pagpunta ni cristan kanina at kung ano ano ang sinabi niya .

Inaamin ko kinabahan nga ako dun.

Hindi parin umuuwi si danvis kanina ko pa siya hinihintay . Gusto ko siyang tanungin kong ano ang problema niya pero pano ko siya makakausap kung ganun siya.

Sinubukan ko ulit ipikit ang mata ko pero kahit anong gawin ko talaga ay hindi ako makatulog. Niyakap ko yung unan at sinubsob ang mukha ko dito.

Mabigat yung dibdib ko . Sobrang bigat. Parang hindi ako makahinga.

Ilang sandali pa ng marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko.

Napapikit ako. Isa isang nagsilabasan ang mga luha sa mata ko. Nandito siya. Binalikan niya ako. Umuwi siya. Naramdaman ko nalang ang paglubog ng kama sa likod. Nakapikit parin ako at hindi parin gumalaw .

Tahimik lang akong umiiyak. Naramdaman kong basa na yung unan na hinihigaan ko.

Iiwan niya na ba ako ?

Mas lalong hindi ako nakagalaw ng naramdaman ko ang braso niya. Yumakap siya sakin mula sa likod. Sinubsob niya yung mukha niya sa leeg ko at mas hinigpitan yung paghawak sakin na para bang aalis ako sa tabi niya.

Hinintay kong may sasabihin siya pero walang lumabas na salita sa bibig niya.

Unti- unti akong humarap sa kanya at nagkasalubong ang aming mga mata. Namumula at namamaga ang ilalim ng kanyang mata na parang galing niya lang sa pag iyak. Naamoy ko rin yung alak sa hininga niya.

Hinaplos ko yung mukha niya. Ginamit ko yung daliri ko mula sa kanyang noo pababa ng kanyang ilong tumigil sa kanyang mapupulang labi. Bumalik ang tingin ko kanyang mata.

Hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko at tinitigan niya ako ng  hindi kumukurap na parang hinihintay niya lang kung ano ang susunod kong gagawin.

Ilang minuto kami nagkatitigan habang hawak ko parin ang kanyang mukha. Bumaba ulit ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi.

Unti unti kong nilapit yung mukha ko at inilapat yung labi ko sa labi niya. Naramdaman kong natigilan siya. Pinikit ko yung mata ko kasabay ng pagtulo ng butil ng luha galing dito.

Pinalibot ko ang braso ko sa leeg niya at tinagilid yung mukha ko.

Naramdaman ko nalang yung kamay niya sa likod ko at tinutulak ako palapit sa kanya. Mabagal na halik ang binigay ko sa kanya at ginaya niya rin ako.

Nalalasing ako. Nabibitin sa padampi- damping halik na pinagsasaluhan namin.

Tumigil ako at tinitigan siya sa mata. Binawi ko rin yung braso kong nakapalibot sa leeg niya. Namumungay ang kanyang mata habang nakatingin sa labi ko. Mag sasalita palang sana ako ng hinawakan niya ang batok ko at hinila papalapit sakanya.

Nilapat niya uli ang mga labi namin at mariin kong hinalikan. Inangkin niya ang bawat sulok ng labi ko na parang pagmamay ari niya to. Ginantihan ko yung halik niya at ngayun ay mapusok kaming naghahalikang dalawa. Napakapit ako sa magkabilang balikat niya ng maramdaman ng kinagat niya ang ibabang labi ko na parang nanggigil.

" My tamara ."

Habol hiningang sabi niya ng magkahiwalay kami. Nagsalubong ang mga mata namin. Malungkot siyang ngumiti at malalim ang kanyang iniisip.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon