Chapter 19

661 14 0
                                    

Cheat

Chapter 19


May isang high school student na nakakuha ng malinaw na kopya sa pagkanta ko sa resto . Maliwanag ang kuha sa pwesto niya at kitang kita ang mukha pero hindi yun ang kinakatakot ko . Natatakot akong makabasa ng masasakit na salita. Natatakot akong maraming maghuhusga sakin. Ayuko naman kasing maging sikat . Malinaw na pera ang dahilan kung bakit ako pumayag na kumanta sa resto .

Hindi ko naman inaakala na ganito ang kahahantungan nito. Hindi rin nawawala pagli- link sakin kay Drek ay may ilang kuha na nag uusap kami at nagtatawanan maraming nagsasabi na bagay raw kami. Ay yung nagpakaba sakin ay ang kuha namin ni Danvis na kumakain ng lunch last week . Nagtatawanan rin kami doon , ito yung time na tinutukso ko siya .

Pero bukod dun ay wala naman akong masasakit na salita na natanggap . Dahil wala namang pruweba na boyfriend ko ang isa sa kanila . Dahil nag uusap lang naman kami sa litrato.

Naging usap- usapan sa internet ang #Mysterygirl_facereveal . Naging usap- usapan ako sa social media ang iba naman ay nili- link ako sa iba't ibang artista .

Napabuntong hininga ako.

Ganito ang mundo ng social media . Magulo , maraming usap- usapan ganito , ganyan , ganun. Hindi ka magkakaroon ng privacy . Yung tanong ko nalang sa sarili ko ngayun. Kamusta naman ang private life mo tamara ?

Napabuntong hininga ako at nag ayos na . Ayukong maapektuhan ang pag aaral ko ng dahil lang diyan. Siguro lilipas rin yan pagdating ng panahon kapag may bago na naman silang pag uusapan. Pero ngayun hahayaan ko muna sila kung diyan sila masaya.

Nagsuot ako ng hoodie at ngayun ay kinulot ko ang buhok ko para hindi ako makilala. Hindi ko naman kailangan magtago e. Bakit kailangan kong magtago ? Tao rin lang naman ako kagaya nila. Parehas lang naman kaming kumakain .

Maaga akong umalis at sa jeep sumakay. Alam ko naman kasing kapag hihintayin ko pa si Danvis ay maraming nag aabang sa parking lot ng university. Sa panahon ngayun kailangan advance kang mag isip para hindi ka maunahan. Utak - utak lang , kapag hindi ka muna mag isip sa bawat kilos mo ay baka doon ka madisgrasya.

Pag pasok ko sa university ay sa maraming tao ako dumaan. Nakisali ako sa naghihintay hindi ako nagpahalata . Ilang sandali pa ay dumating na yung pulang sasakyan ni Danvis . Maraming nag abang pero nung makitang mag isa lang bumaba si Danvis ay maraming nadissapoint maraming nagsialisan pero marami ring naiwan.

Nakisali ako sa umalis para makapasok na sa unang subject ko.

" Ang hot ni Danvis nuh ? Boyfriend ba talaga siya ni tamara ?" narinig kong usap- usapan.

Napabuntong hininga nalang ako at mas binilisan pa ang lakad ko. Ayuko ko ng makarinig ng isa pang salita ng nanggaling sa kanila.

Pero papasok palang ako ng first subject ko at umatras nayung mga paa ko . Hindi lang mga estudyante ang naghihintay sa building na papasukan kundi may mga repoters na ring nakisama at mga kabilang universties. Mabilis akong nagtago sa likod ng puno. Nagkataon pa na wala akong kasabay maglakad dahil estudyanting naglalakad.

So , wala akong choice.

Sa many forest ako dumaan sa tabi ng Oval . Pasalamat akong walang naglalaro ngayun . Naglakad ako sa damuhan. Nasa gitna ako ng paglalakad ng may tumawag sakin.

" Tam !" Lumingon ako sa pamilyar na boses. Nakita ko sina sheila , mhel at alex na tumatakbo papalapit sakin. Napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kanila.

Hinihingal silang lumapit sakin.

" May dala kaming sasakyan tam ! Doon sa likod !"

" Ha ?"

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon