Chapter 9

805 37 2
                                    

Mystery Girl

" Oy tam ! Okay ka lang ?" tanong sakin ni alex . Tiningnan ko lang siya at napatulala tsaka napabuntong hininga . Hindi parin kasi ako kinakausap ni Danvis . Hindi ko rin siyang magawang kausapin kasi nahihiya nga ako . Sabay parin naman kaming kumakain ng lunch araw- araw pero hindi parin ako sanay sa kanyang katahimikan.

" LQ ?" nakataas na kilay na tanong ni mhel . Napakunot ako ng noo sa kanya tsaka napailing. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pag iisip kung pano susuyuin ang taong yelo nayun . Halos hindi ako makakatulog gabi- gabi sa pag iisip kung anong pwede kung gawin.

Kalahating oras na kaming naghihintay pero hindi parin dumarating ang prof namin sa huling subject namin sa hapon . Ang ibang kaklase namin ay nagsipag uwian na. Tiningnan ko ang relo at nagbilang ng hanggang sampo paghindi pa siya dadating ay aalis na ako . Wait lang ? Sino ba ang hinihintay ko ? Bakit parang may ibang tao pa sa isip ko ?

Napailing ako tsaka nagbilang sa daliri. Sa kalagitnaan ng pagbilang ng bigla akong tinawag ng kaklase ko kaya napaangat ako ng tingin.

" Tam ! May poging naghihintay sa'yo sa labas ." sabi niya habang may panunuksong mata . Pinaulanan naman ako ng tukso ng mga kaklase ko .

Hindi ko sila pinansin at agad na tumayo tsaka lumabas. Napatigil ako ng makita kung sino ang naghihintay saakin . Siya yung kahuli- hulihang tao sa isip ko na pupunta saakin ngayun . Seryuso lang yung mukha niya at nakapamulsang lumapit saakin. Kinuha niya yung bag ko tsaka libro at nauna ng maglakad . Sinundan ko naman siya. Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway.

" Sorry. " isang salita lang yun . Pero parang sinasaksak yung dibdib . Sorry for what hmm? Sorry dahil nakalimutan mo ako ? o Sorry kasi binaliwala mo na ako ? Mapait akong tumawa .

Nalingat lang ako sandali. Nawala na yung lalaking pinangarap ko ng maraming taon....

" Tam ? Are you mad ?" Bakit naman ako magagalit cristan ? Nagawa mo akong kalimutan . Kung saan mas kailangan kita doon ka nawala. So, bakit ako magagalit ?. Gusto kong sabihin yun sakanya pero hindi ko magawang ibuka ang labi ko .

Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako . Kami lang ang tao sa hallway dahil magdidilim narin. Sinalubong ko ang kanyang tingin .

" Galit ka ba ?" ulit niya pa . Mapait akong tumawa . Pero parang manhid siya at hindi niya nahalata yun dahil ngumiti pa siya . Gusto ko siyang suntukin upang magising siya at makita niya kung gaano ako nasasaktan . Someday...you will notice me but i already get over you . Mark my words cristan . Ikaw naman maghahabol sakin balang araw . Hihintayin ko 'yong araw na yun . Yung araw na hindi na sasakit yung dibdib ko pagtinitigan ang mga mata mo.

" Kamusta ka na ?" I asked him instead . Walang bahid ng lungkot pero kung pakikinggan mong mabuti may bahid ng pait . Pero sure akong hindi niya yun mararamdaman . Kasi nga manhid siya .

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko . Tiningnan ko ang kamay niya suot niya na ngayun ang relong bigay ko . Nasan na yung bigay ng babaeng hinila niya ? Tinago niya o sinuot niya lang relong binigay ko sa kanya dahil sa harap ko siya ? Ganun ba yun ?

" I miss you ..." nakangiting sabi niya. Bakit imbis na kiligin ako at mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya . Kung nami- miss niya talaga ako bakit hindo niya ako puntahan sa bahay . Kung gugustuhin niya lang ay alam niya kung saan niya ako matatagpuan.

" I miss you too..." I can say it 'cause i meant to pero balang araw mamalayan ko nalang na hindi ko na kailangan ng presensya mo . Darating ang araw mapapagod na akong mahalin ka .

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon