Fiance
" My tamara ."
Napalingon ako sa kanya. Napalunok ako atsaka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Sh*t
Kakalabas niya lang ng banyo at ang tanging puting tuwalya lang ang nakabalot sakanya sa baba. Basa pa ang kanyang buhok at tumutulo ito pababa. Sinundan ko ang tubig na nanggaling sa kanyang ulo pababa ng pisngi dumaan sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg papunta sa kanyang matitipunong dibdib pababa ng kanyang---.,
" You can touch it , my tamara." namula ako sa sinabi niya at nag iwas ng tingin.
" Che ! Magbihis ka nga !" Ngumisi siya at mas lalong lumapit sakin. Ako naman ay napaatras.
" Anong g- ginagawa mo ?"
" My body is yours , my tamara."
Napaawang labi ko at napatingin sa kanyang mukha. Namumungay ang kanyang mata at naamoy ko ang kanyang pabango na lalong nagpapaakit sakin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang pandesal. *gulp* Woahhh... Temptation please....
Tinulak ko siya. " Umatras ka nga !" Umiling siya at kinagat ang kanyang labi. Hinaplos niya ang aking braso na nagpatayo ng aking mga balahibo.
" D- Danvis ?" Nilapit niya ang mukha niya sakin kaya napapikit ako. Naamoy kona. Ito na ba ?
" Sh*ts !" napahawak ako sa aking noo siya naman ay tinawanan lang ako. " DANVIS !!!"
" I love you ..." he muttered tas pumasok na ulit sa banyo dala ang kanyang damit.
Woaaahhhh !!! Nakakahiya !!!!
Lumabas ako ng kwarto at nagtalon- talon at sinabunutan ko yung buhok ko. Ano ba yung iniisip ko ? Napahawak ako sa dibdib ko. Napailing ako at napagdesisyunang bumaba at magluto nalang kisa isipin yung pandesal --., este yung nangyari kanina.
Pumasok ako sa kusina at binuksan yung ref. Kumuha ako ng manok at isda at nagsimula ng maghiwa. Kumakanta pa ako habang naluluto pero nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng may brasong pumalibot sa aking baywang mula sa aking likod. Ngumuso ako at humarap sa kanya.
" Danvis nagluluto ako."
Bumaba ang tingin ko at napairap ng makitang wala parin siyang suot pang itaas. Naglalaro ang ngiti sa kanyang labi.
" Bakit wala ka paring damit ?" nakataas kilay kong tanong. Nagkibit balikat lang siya.
"Trip ko lang ." pinaningkitan ko siya ng mata.
Tumawa siya at hinawakan ang baba ko kaya napatingin ako sa kanyang mata.
" I just want to show you my body. I worked for it. It's only for you my tamara."
Napaawang ang labi ko at bumaba ang tingin doon. Totoo. Lumaki nga ang kanyang katawan. Sarap hawakan.
Tumingin ako sa kanya. " Pwedeng hawakan ?" tumango- tango siya at siya mismo ang kumuha ng kamay ko at iginiya papuntang dibdib niya. Pinisil ko yun naramdaman ko ang tigas nito. Napalunok ako. Sh*ts . Inaakit niya ba ako ?
Napatalon ako ng may nagdoorbell agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. Napakunot siya ng noo.
" Are you expecting someone ?" seryuso niyang tanong. Umiling ako at tumingin doon sa pinto. Binigay ko sa kanya ang sandok at hinubad ang apron ko.
" Ako na ang magbubukas. Ikaw na tumapos niyan ." tumango siya kaya tumalikod na ako at naglakad papuntang pinto.
Pagbukas ko isang bading pamilyar ang bumungad sakin. Napakunot ako ng noo. Sino nga ba 'to ? Nakita ko na siya kung saan eh.
BINABASA MO ANG
One-sided Love(Completed)
Romance" Nalingat lang ako sandali. Nawala na yung lalaking pinangarap ko ng maraming taon..." - Tamara ' tam' Wang Sypnosis... In my mind i already claiming him MINE. I already thinking and planning our FUTURE. I already...