Chapter 2

288 10 1
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞𝐬


𝘠𝘶𝘮𝘦𝘳𝘢

"So you're telling me that Percival is no longer in your team?"tanong sa akin ni Vanessa habang inaayos namin ang aming mga gamit para sa photoshoot mamaya sa beach.

Well, being a part time photographer is not that easy because of my hectic schedule. Bukod kase sa trabaho kong 'to ay nag ma-manage pa ako ng isang boutique kaya naman doble hirap at doble kayod.

"Hindi na, natanggap kase siya sa Paris kaya heto nag hahanap ako ng kapalit niya as my executive manager. Pwedeng ikaw na lang?"

"Sira ka talaga Mera! Kung pwede lang malamang tinaggap ko na, pero alam mo namang hindi ko kayang pagsabayin. My son is still a kid, he still need my full attention."sagot nito, napayapos na lamang ako at muling nag ayos sa aming mga gamit.

Ever since dad and mom gave my permission to do whatever I want as long as I manage one of our botique ay naging busy na 'ko sa lahat, Perci is one of my right hand at ngayong wala na siya ay mahihirapan talaga ako.

"Wala ka bang pwedeng i-recommend saken?"tanong ko kay Van ng matapos naming ilagay lahat sa aking suit case, she suddenly stop like she is thinking.

"Hmmm, meron, si Bonie 'yung pinsan kong isa ring fashion designer, 'yung nag tapos sa Ateneo last year!"my eyes suddenly lit up upon hearing the good news that came from Van.

"Oh gosh please tell her about my shop and the vacancy, I am willing to accept her basta ma-meet niya 'yung standards na nilagay ni Perci."saad ko.

"Sige tatawagan ko siya mamaya para bukas din sasamahan ko siya sa shop mo,"Van mumbled as we went outside para i-check kung natapos ng mag usap ang mga free lance models na nag pr-promote ng isang apparel brand.

Saktong nasa harapan na kami ng pinaka director slash manager nila ng biglang dumating si Athena ang aking secretary.

"Miss Mera, na-move po next week 'yung isang photoshoot niyo under Mr. Russo."sabi nito rason para mapatigil kami ni Van, sa pagkakaalam ko kase si Mr. Russo 'yung nag request sa amin ng special favor dahil 'yung photoshoot na gusto nilang gawin ay gagamitin sa kanilang banners at posters.

"Akala ko ba next month pa 'yun?"tanong ni Van pero ngumiwi itong si Athena.

"Nagkaroon daw po kase ng problema kaya kailangan nilang i-rush 'yung photoshoot, sa Amalfi daw po 'yung napili nilang location sa G.A.S bar malapit sa boutique niyo."sagot nito, napangiwi na lamang ako dahil 'don.

"Seryoso? Akala ko ba divine theme 'yung gusto nila? Bakit naging demonyo ata at sa bar pa talaga? Akala ko pa naman pupunta na tayo sa Venice."maktol ko.

"Yun nga po Miss Mera, sabi ni Mr. Russo kailangan niyo daw mag location visit para i-check kung maganda 'yung ambiance. He already wire some money for our expenses."halos mag 'o' shape 'yung bibig ni Van dahil 'dun. Grabe, location visit talaga?

"Damn Yumera big time talaga 'yang si Mr. Russo, mukhang big deal 'yung gagawin mong photoshoot dahil kailangan mo pang mag location visit."giit ni Van sa aking gilid.

"Sira, pano natin 'yun maasikaso 'eh may pending photoshoots tayo next week isama mo pa 'yung mga gowns na i-dedeliver ko sa mga nag renta."

"Na-deliver ko na po lahat ng gowns Miss Mera, tinawagan ko na rin po 'yung mga pending clients niyo for on-hold para ma-adjust 'yung schedule natin for Mr. Russo's request."singit ni Athena.

"Wow the best ka talaga Athena! Thank you!"saad ko sabay yakap sa aking secretary, alam mo 'yung papunta ka pa lang pabalik na siya?

Ganun mag isip si Athena kaya naman gustong gusto ko siya. Not to mention we've been together for almost seven years here in Italy silang dalawa ni Vanessa kaya naman napalapit na sila sa akin.

"Welcome po Miss Mera,"

"Huwag mo nga akong matawag tawag na 'Ma'am' diyan Athena, just call me 'Mera' okay? Best friends tayo remember?"sita ko rito, natawa naman si Van dahil kahit anong pilit ko kase dito kay Athena na tawagin na lamang ako sa aking pangalan ay heto parin siya't tinatawag parin akong 'ma'am'.

"Nakakailang kase, lalo na't nag t-trabaho din ako kina Mr. Lim."she mumbled.

"Hayaan mo na 'yun Athena, sure naman kaming hindi ka sisitahin si Mr. Lim dahil alam naman niyang kaibagan mo itong si Mera."dagdag ni Van, napakamot na lamang ng kanyang batok si Athena at tumango.

"Siya, sige, Mera."all of us giggled because for the first time Athena finally called me by my name.

"Miss Mera?"nabalik kami sa aming katinuan ng tawagin kami ng director, ready na daw ang kanilang mga models kaya naman mabilis kaming kumilos nina Van para matapos na ang photoshoot na 'to.

I guess being super busy is not a bad thing after all! Lalo na't kasama mo ang mga kaibigan mo.





𝘎𝘳𝘢𝘺𝘴𝘰𝘯 𝘊𝘭𝘪𝘯𝘵𝘰𝘯

"Welcome to Italy! Ayos ha ang bilis niyo atang lusutan si Leon at nakapunta agad kayo rito."masayang bungad ni Brandon sa amin ng makarating kami sa kanyang bagong biling apartment dito sa Italy.

Ni hindi nga kami makaimik dahil ibang iba 'yung aura niya kumpara 'noong huli namin itong nakita. Aside sa medyo humaba ang kanyang buhok which is bagay na bagay sa kanya ay ngumingiti na rin siya hindi gaya 'nong nag video call kami last week, para siyang takas sa mental 'non 'eh.

"Putangina ka Bran huwag mong sabihin na nag d-drugs ka at parang high na high ka."sita ni Caden rason para upakan siya ni Brandon.

"Putangina mo rin Caden, bakit anong akala mo saken addict?"

"Bakit ang saya mo naman ata? Hindi ba dapat ngumangawa ka? Ganun ang nag mo-move on 'di ba?"giit ko, this time it was Achilles who knock my head.

"Putangina mo rin ano? Anong akala mo kay Brandon cheap? Syempre hindi 'yan ngangawa, kunwari may skit 'yan with feelings pag umiiyak."Brandon literally put an end of our silly conversation by hitting our heads.

"Look, I am fine kaya nga sabi kong hindi niyo na kailangang mag punta rito. I've already made my decision and I realize that what I just need is change. Wala naman akong mapapala kung mag mamaktol ako o ikukulong ko ang sarili ko, what I need is self motivation and yes to loosen up for a good start."he declared before standing up from his chair.

"I need to face my fear and that is my feelings to Shamara that I need to get rid off, I've been doomed for almost nine fucking months and I have finally come into my senses. Tama na siguro 'yung siyam na buwan na pag i-isolate ko hindi ba? I am Brandon Januz after all."he confidently said, yes, this is the Brandon that we know. 'Yung matapang at walang sinasanto.

"Ayan Caden, sabi ko naman kase sa'yo yakang yaka 'to ni Brandon━ang OA mo kase may pa-'we will be there for a short period of time' ka pang nalalaman!"biglang sigaw ni Achilles.

"Sorry naman 'di ba? Nag aalala lang ako kay Brandon baka mamaya tumalon 'yan sa building!"balik naman ni Caden.

"Mga sira! Alam niyo matulog na lang kayo, pagkatapos niyong mag pahinga labas tayo mamaya. I know some place where we can hang out. Para naman hindi masayang 'yung plane tickets niyo!"Brandon snapped making all of us laugh in glee.

RebelliousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon