Chapter 12

121 7 0
                                    

𝐀𝐥𝐢𝐛𝐢'𝐬


𝘠𝘶𝘮𝘦𝘳𝘢

Today is our first month with this set-up, isang buwan na kaming magkasama ni Brandon at heto ako't pinipigilan ang lahat ng pwedeng pigilan na aking nararamdaman.

Inside those days I am having a hard time dealing with it as he also grows in my heart. Every time he claim me I always think that it wasn't sex anymore, it's making love and I am stupid enough to think of that way.

I am concealing my emotions so perfectly in order to make Brandon stay dahil alam ko ang patutunguhan nito pag nalaman niyang may nararamdaman ako.

"Okay ka lang ba Miss Mera? Nag away ba kayo ni pogi?"tanong ni Bonie habang inaayos ko ang mga gowns na aming i-dedeliver.

"Lately kase Miss Mera parang wala ka sa sarili mo, sabi nga ni Ate Van baka raw may LQ kayo ni pogi kaya ka ganyan."dagdag pa nito.

"It's not that Bonie, naguguluhan lang ako kaya ganto."sagot ko.

"Bakit Miss Mera anong gumugulo sa inyo?"

"Ahm━it's nothing, masyado lang akong preocupied."I lied trying to change the topic. To be honest Brandon asked me to be on his pad tonight but I declined his invitation because I cannot face him at this state.

Natatakot akong baka may masabi akong hindi kaaya-aya rason para gumawa ako ng mga alibi's para iwasan ito kahit ngayon lang. Mantakin mo, isang buwan pa lang kaming magkasama pero grabe na 'yung epekto niya sa akin. Ganto talaga ako pag may nararamdaman sa lalaki, mabilis ma-fall, mabilis mag mahal, na sa sobrang bilis lumalalim.

"Yumera?"

"Yumera? Hoi! Kanina ka pa tulala diyan 'yung phone ko kanina pa nag ri-ring!"nabalik ako sa aking katinuan ng biglang sumulpot si Van sa aking harapan sabay lapag sa aking nag ri-ring na telepono. Akmang i-dedecline ko na 'to dahil ang akala ko si Brandon ng makita ko kong iba ang number.

"Yes hello? Who's this?"bungad ko sa caller.

"Yumera? Ikaw ba 'yan?! Ako 'to si Marius, huy nandito ako ngayon sa Amalfi san ka?!"muntik na 'kong mabulunan ng mapasino ang tumawag sa akin.

"Marius?! Hoy kumusta?! San ka? Pupuntahan kita!"masayang bati ko rito, it was Marius! My childhood best friend slash crush noong nasa Pilipinas pa lamang ako. I mean he also come to Italy to visit his mother but it was seldom and I guess today is my lucky day dahil may pagkakaabalahan ako.

"Nandito ako malapit sa may G.A.S, bakit asan ka ba? Ako na mismo ang pupunta diyan."saad nito, napatingin naman ako kina Athena sabay thumb's up, kilala kase nila itong si Marius dahil tambay 'to sa apartment ko pag nandito siya sa Italy.

"Nandito ako sa aking apartment."

"Sige diyan ka lang pupuntahan kita."he said before he hang up our call, ilang minuto lang ay dumating narin ito dala ang kanyang pulang sasakyan saka pumasok sa aking building. Feel at home ba.

"Oy long time no see guys!"bati nito kina Vanessa.

"Uy kumusta Marius? Grabe parang walang pinagbago ha?"baling ni Athena rito, habang si Bonie ayon nasa basement kaya hindi namin siya mapakilala rito kay Marius.

"Syempre ako parin 'to, ito ngang si Yumera ang walang pinagbago pula parin ang buhok. Ano ka manok na pula?"pang aalaska nito kaya nabatukan ko siya.

"At least magandang manok!"I yelled making him chuckle.

"So ano? Tara? Kain tayo guys treat ko total mag s-stay ako rito for one week. Hindi ba Yumera?"sabi nito, ayan, ayan na naman siya tatambay na naman siya sa apartment ko makikisiksik na naman siya sa kama ko haist. Marius and I are super close kaya naman walang malisya sa amin ang mag tabi matulog at tumira sa iisang bahay, he even wash my bra's when he wants to. Ganun kami ka-close.

"Basta magbayad ka ng renta mo."sabi ko rito pero natawa lamang silang tatlo.

"Gusto sana naming sumama Marius pero may pupuntahan kami nina Bonie 'eh, si Athena naman uuwi na dahil may sakit 'yung mama niya. Kaya si Yumera na lang ang ayain mo, pero no worries sasama kami next time."sabi ni Vanessa.

"Oh siya sige, next day ko na lang kayo i-treat, isasama ko lang 'tong si Yumera para may kasama akong gumimik."sabi ni Marius, kaya ayon kami lang dalawa ang lumabas. As usual we hang out on different places hanggang sa mapagod kami, Marius and I even visited his mom para kunin ang kanyang mga bagahe para don siya sa akin mamalagi for the mean time.

"Bakit ba kase ayaw mong mag stay 'don sa mommy mo eh ang ganda ganda 'dun?"tanong ko ng makarating kami sa aking apartment.

"Alam mo namang 'di ko bet kase wala akong makausap, tsaka ayaw mo 'non may tiga luto ka habang nandito ako?"he said putting his clothes in my closet.

"Grabe  feel at home ka talaga ano?"

"Oo naman! Bahay mo, bahay ko!"I mentally face palmed because of his silliness. Haist, bahala siya sa buhay niya!

"Bukas nga nga pala samanahan mo 'ko sa Venice may bibilhin ako."biglang sabi nito kaya napalapit ako sa kanya.

"Venice?!"

"Oo, paulit ulit?"

"Ano namang bibilhin mo 'dun?"tanong ko.

"Yung pinapabili ni Paulo, fountain pen daw haist ewan!"sigaw niya bago siya humiga sa aking malaking kama kaya tumabi na rin ako rito.

"Alam mo miss ko na 'yung 'noong mga bata pa tayo? 'Yung naglalaro tayo sa may sapa tapos mag pi-picnic tayo."kwento ko, yas, nakakamiss din pala ang Pilipinas kapag naalala ko ang mga pinaggagawa namin nitong si Marius sa Masbate.

"Oo nga 'no? Bakit hindi ka pa uuwi sa Pilipinas?"

"Ewan, pero lately para gusto ko naring umuwi kase miss ko na si Papa."I said as I pull Marius into a tight hug.

"You can come home anytime Yumera, I am waiting for you. Just say it and I will be there."he mumbled as I doze off to sleep.

RebelliousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon