Chapter 25

110 5 0
                                    

𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐫



𝘠𝘶𝘮𝘦𝘳𝘢

"Grabe! Nakakapagod 'yung biyahe! Matanong ko nga Yumera, bakit wala bang time si Mr. Collins na pumunta na lang sa Italy para 'don na lang sila mag pasukat at mamili ng designs!"maktol ni Van ng makarating kami dito sa Switzerland.

"Kaya nga VIP treatment ang gusto nila dahil masyado silang busy, lalong lalo na't may ginagawa daw silang project rito sa Switzerland kaya hindi sila makaluwas 'don sa Italy."sagot ko sabay hatak sa aking trolley at hand carry mula sa x-ray machine.

"Kung sabagay sagot naman nila 'yung expenses,"sabi ni Van, saktong pag labas namin ng arrival ay bumungad sa amin ang anim na lalaking naka all black. Men in black suites ika nga.

"Miss Yumera? Miss Vanessa?"tanong ng nasa unahan kaya napatango na lamang ako.

"Ipinadala po kami ni Sir Hunter dito para sunduin kayo, please come with us."he said before they get our luggage. Mabilis naman kaming umusad at nag punta sa parking lot at linisan ang airport. Dahil pagod na pagod itong si Van ay umidlip na muna siya sa biyahe dahil malayo pa naman daw ang rest house nina Mr. Collins.

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang mag isip kung paano ko ba sasabihin kay Brandon ang aking nararamdaman kong ganito ang nangyayari sa akin. I mean I know he is still in love with Shamara but do I really need to suffer like this? Anong gagawin ko? Do I nee━

"Nandito na po tayo ma'am."nabalik ako sa wisyo ng mag salita ang aming driver kaya ginising ko na lang si Van.

Nang magising ito ay agad nila kaming pinagbuksan at lumabas ng sasakyan, ni hindi ako makapagsalita ng bumungad sa amin ni Van ang mala-palasyong REST-HOUSE kuno nina Mr. Collins dahil sa lawak nito.

"This way ma'am."magalang na paanyaya sa amin ng lalaki papasok ng rest house. We are busy admiring the whole place when Van held my elbow.

"Alam mo big time nga talaga sina Mr. Collins, tignan mo oh ang laki ng rest house nila."komento nito kaya napangiti ako.

"Panigurado 'yan,"yun na lamang ang nasabi ko bago kami tumigil sa pag lalakad at nakarating rito sa may living room.

"Antayin niyo na lang po sina Ma'am at Sir rito Miss Yumera and Miss Van,"

"Sige, thank you."Van and I both said in chorus as I put my hand carry on my trolley ganun din si Van. Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang main door at pumas━

Holy mother of

"Miss Yumera? Miss Van? Nandito na pala kayo!"ni hindi kami makapagsalita ni Van dahil sa biglaan nitong pag pasok, he is wearing a all black suit while his hair were combed backwards making him more intimidating. Holy crap, ang gwapo.

"O━Yes, sir, please to meet you finally Mr. Collins!"nauutal kong turan ng abutin niya ang aking kamay kaya naman mabilis ko itong tinaggap ganun din si Van.

"So how's you trip? I'm so sorry that I need to bother you for coming all the way here, madami kase kaming ginagawa this days. Oh, please have a seat."he said from his deep husky voice.

"It's fine Mr. Collins, it's our pleasure to work with you knowing that you helped my father from our company conflicts. Let's just say that it was my way of saying thank you for helping him,"I retorted, Mr. Collins chuckled as he clap his hands.

"Thank you Miss Yumera, I will trust you with this because I believe in your talent."he mumbled making me smile.

"Oh, I know you are tired I will just call my secretary to lead you in your chambers━"Vanessa and I exchange glances telling each other━gets ko na 'yun kaya naman pinabayaan ko siyang mag salita.

"Sir, we are fine. Hindi pa po kami pagod kaya if okay lang po sa inyo pwede na po kayong pumili ng design para bukas po ay body measurements na lang po ang poproblemahin natin."nakangiting turan ni Vanessa.

"Are you sure? You had a long flight?"

"Okay lang po talaga kami Mr. Collins, we are used to it and besides we all had some work to do and our time is very limited that is why we need to move."I retorted enthusiastically

"Hmm...I like that Miss Mera, alright then."

"Shall we start?"he said, Van and I nodded in response before we took out our magazines kung nasaan ang aming mga wedding gowns at ilang designs na pwede nilang pag piliian.

Mr. Collins took one of our magazine and started to scan it. Nasa kalagitnaan kami ng pag hahanap ng ilang design ng tuxedo's ng muling bumukas ang main door at━

Tell me if this is a dream and I will wake up immidiately....

"Am I late? I'm so sorry traffic kase sa City!"from her deep sophisticated voice it seems like I am sunken from my seat as I close my eyes trying to digest what I am seeing right now.

Para bang nanghina ako bigla kasabay ng pag hawak ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba at sobrang dami ng emosyon na aking nararamdaman.

"Guys, this is my fiance, meet Shamara Ezra Wu..."pag papakilala ni Mr. Collins, Vanessa is the first one who stood up and greeted her while here I am staring at Shamara like an aparition.

"Shamara, this is Miss Yumera Lim 'yung sinasabi kong may gawa ng mga design na ipinakita satin ni Mr. Lim."doon na ako nabalik sa aking katinuan, with my hands trembling in fear and pressure I tried my very best to greet her and plastered a bitter smile on lips.

"N━Nice to meet you Miss Shamara,"nauutal kong turan bago ko tinanggap ang kanyang kamay.

"Please to meet you finally, Yumera Lim."

Oh gosh, ano 'tong pinasok ko!

RebelliousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon