Chapter 7

149 10 0
                                    

𝐘𝐮𝐦𝐞𝐫𝐚'𝐬 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐨𝐫𝐜𝐞


𝘠𝘶𝘮𝘦𝘳𝘢 


"Babaita ka! Saan ka galing at bigla bigla ka na lang nawala kagabi ha?! Grabe halos atakihin ako sa aking core mamang!"sermon sa akin ni Perci ng makarating ako sa aking studio. Vanessa, Athena, and even Bonie is here listening to Perci habang ako heto parang nasa hot seat dahil sa kanilang mga katanungan. Haist, good thing hindi ko sinama si Brandon rito dahil alam kong ito ang mangyayari.

"Pasensiya na, nawala sa isipan kong mag paalam sa inyo dahil nahihilo na talaga ako kagabi. I'm so sorry."I created a white lie in order to cover up my private matter with Brandon and even to myself. Of course even if they are my friends I still need to create a line when it comes to my life.

"Pero teka, matanong lang, may nakilala ka ba kagabi? Miss Mera?"biglang tanong ni Bonie rason para mamula ako ng husto.

"Ayun! Namula, so ano, kaya ka ba hindi nakapagpaalam samen kase inuwi mo 'yun?"dagdag ni Perci kaya binatukan ko siya.

You mean AKO ang inuwi?

"Sira! Hindi! I've meet someone yes, we dance together and he even told me his name."another lie.

"Oh, so ano pwede pasok sa banga? Pwedeng jowain?"I know they want me to get some boyfriend pero minamalas ka nga naman, the one that I have met and have sex with, seems not interested into commitment. He even said it himself, it's just a one night stand. Tsaka alam ko naman na 'yun, panong ma-iinlove sakin 'yun 'eh kakakilala lang namin.

Haist Yumera anong pinagsasabi mo?

"Hindi 'eh,"

"Ay, ano ba 'yan akala ko magkakajowabels ka na sis! Alam mo kaya ka lang naman namin pinupush kase gusto naming may mag alaga sa'yo lalo na't mag-isa ka rito sa studio."giit ni Perci.

"Hindi niyo naman kailangang mag alala, kaya ko sarili ko."

"Pero Mera, alam mo naman iba na ang panahon ngayon. Lalo na't aalis na si Perci wala ka ng makakasama rito."giit naman ni Athena kaya't napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay lang talaga guys, yakang yaka ko ang sarili ko. Huwag na kayong mag-alala sakin."

"Sigurado ka Mera?"muling hirit ni Van kaya't napatango na lamang ako sabay thumbs up. All of them started to nod in response bago ako paika-ikang nag tungo sa aking swivel chair para mag edit ng pictures. Hutcha ang sakit parin grabe.

"Napano ka?"baling sakin ni Athena kaya mabilis akong nagpalusot.

"Nadulas ako sa banyo matapos kong maligo, 'eh namaga ata 'yung paa ko kaya 'yan masakit pag aapak ako."damn Yumera, pag siguro may ranko ang mga sinungaling heneral ka na.

"Lagyan mo ng ice pack. Ah teka ikukuha kita sa loob."giit nito bago siya nag tungo sa aking silid.

Naka-connect kase ang apartment ko dito sa boutique at studio ko which I personally requested to dad when he designed the building's blue print. Mas convenient kase pag nasa isang lugar na ang lahat para hindi ako mahirapan pag sa malayo pa ang apartment ko.

"Mera, tumawag nga pala si Mr. Russo kanina ang sabi niya mag email ka na lang daw pag natapos ka na sa pictures."sabi ni Van kaya tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.




𝘉𝘳𝘢𝘯𝘥𝘰𝘯 𝘑𝘢𝘯𝘶𝘻

RebelliousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon