Chapter 28

107 6 1
                                    

𝐒𝐜𝐚𝐫𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐛𝐞 𝐋𝐨𝐧𝐞𝐥𝐲?



𝘠𝘶𝘮𝘦𝘳𝘢

"Akala ko ba magiging busy tayo ngayon? Bakit nag aya kayong mag bar ha?"tanong ni Perci ng tuluyan na kaming makaupo rito sa bar counter. Pagkatapos kase naming makabili ng mga tela ni Vanessa, Athena, at Bonie kanina ay mabilis kaming nag tungo rito.

'Eh wala talaga sa usapan 'to pero dahil narin sa mapang enganyong paanyaya nitong si Van na kailangan ko daw mag unwind ay wala na akong nagawa kundi ang sumangayon rito.

"Stress kase itong si Mera lalo na't hindi pa dumarating 'yung swarovski crystals na i-aatach natin sa gown ni Miss Shamara."palusot ni Vanessa sabay lagok ng tequila na nasa kanyang gilid.

"Vongga naman itech, swarovski talaga ang gusto!"giit ni Perci.

"Syempre ikakasal 'yun, she needs to exert a little effort to be beautiful in her big day."I said.

"Oo nga, pero totoo ba 'yung sinabi ni Ate Van Miss Mera? Na maganda si Miss Shamara?"tanong ni Bonie kaya tumango ako sabay kuha ng aking cellphone at ipinakita ang selfie naming tatlo nina Van na kuha namin sa airport.

"Ayan siya oh,"

"Wow! Totoo nga, pero ano Miss Mera━pansin ko lang ha━"bago pa matapos ni Bonie ang kanyang sasabihin ay inagaw na ni Perci ang aking phone rito at pinagmasdan ang picture.

"OMG babaita! Medyo hawig kayo Yumera,"napakunot ang aking noo dahil 'don.

"Oo nga 'no? Ngayon ko lang rin na-notice."komento naman ni Athena, nagkatinginan tuloy kami ni Vanessa, akmang sasagot na 'ko ng biglang tumigil ang music sa bar at tumungtung sa stage ang vocalist ng bandang palaging kumakanta rito sa G.A.S.

"Good evening everyone, tonight G.A.S will be having a special treat to our customers in as a celebration for our light festival. That is why we will be offering those singers here to come here at stage and sing your piece!"sigaw ng vocalist rason para pumalakpak kaming lahat.

"So, who will be the first one to perform? Anyone?!"we are waiting for someone to raise his or her hand when suddenly━

"HERE SIR!"napatingin kaming lahat kay Perci dahil sa pagsigaw nito, 'yung akala ko siya ang mag vovolunteer na kumanta pero━

"She will sing sir!"sigaw nito sabay turo sa akin, halos mahulog ang aking panga dahil sa kanyang isiniwalat, lahat ng tao ngayon dito sa loob ng bar ay nakatingin na sa akin habang 'yung vocalist ay bumaba na sa stage para lapitan ako.

"PERCIVAL! Anong ginagawa mo?!"sita ko sa kanya.

"Go Mera, hindi ba stress ka? We all know that you are good at singing too kaya go! Sing for us and let that negativity strip out from your body!"he exclaimed as he drag me towards the vocalist and gave me the microphone. Wala naman akong nagawa kundi ang tumuntong na lang sa stage at medyo nahihiya pa akong humarap sa lahat ng tao.

"Go━Good evening, I am Yumera, I hope you will like my piece."I almost whispered, halos mag titili naman sina Vanessa sa may gilid habang ako heto namumula sa sobrang hiya.

"Hello Miss Mera, it was nice to meet you━can I ask what will be your piece and to whom to you dedicate it?"tanong ng vocalist.

"Well I guess this song is based on what I am feeling right now, I wanted to dedicate this to someone that I love but sadly I can't make him mine━so I guess I need to let him go."I answered, napa 'aww' naman lahat ng mga taong nanonood sa akin kasabay ng pag ngiti ng vocalist.

"That's sad, but anyway, let us hear your lullaby━a round of applause for Miss Yumera!"he introduced me as I told him my piece para mabigyan niya ng go signal ang kanyang banda. As the piano started to play I also took a deep breath and held my microphone tightly....


Scared To Be Lonely (Acoustic Version)

It was great at the very start
Hands on each other
Couldn't stand to be far apart
Closer the better
Now we're picking fights and slamming doors
Magnifying all our flaws
And I wonder why, wonder what for
Why we keep coming back for more


I closed my eyes tightly as sang my piece with all my heart. Pain started to swirl inside uttering those words, relating my feelings towards Brandon. Yes we are doing fine from the start but now, I don't know...Hindi ko na alam kung makakaya ko pang harapin siya habang palalim ng palalim ang aking nararamdaman.


Is it just our bodies? Are we both losing our minds?
Is the only reason you're holding me tonight
'Cause we're scared to be lonely?
Do we need somebody just to feel like we're alright?
Is the only reason you're holding me tonight
'Cause we're scared to be lonely?


Marahas akong napahawak sa aking dibdib dahil naninikip na naman ito kasabay ng pag bigkas ko sa mga katagang nilalaman ng kanta. Mamahalin kita Brandon na para bang mawawala ka sa akin dahil alam kong sa huli, pag nalaman mo ang tunay kong nararamdaman━panigurado━iiwan mo na rin ako.


Too much time, losing track of us
Where was the real?
Undefined, spiraling out of touch
Forgot how it feels


Siguro kaya niya ako inayang pumasok sa ganitong relasyon upang maibsan ang kanyang nararamdaman. We are both lost souls that seeks for comfort and shelter making us blinded by lust.

Brandon might be scared to be lonely just like the song said, maybe the reason why he is still holding on is that he don't want to be alone. Siguro nga ginamit niya lamang ako para kalimutan si Shamara, I am just a tool for him to finally move on.

I know it's wrong to fall in love with you Brandon but how can I prevent myself from loving you?

It was all my fault why I am feeling this right now, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako at ako lang ang dapat ang sisihin dahil naging marupok ako at nahulog ako ng tuluyan kahit na alam kong hindi pwede. Kahit na alam kong hindi maari at kahit na alam kong wala akong pag-asa para mahalin ka Brandon.


All the messed up fights and slamming doors
Magnifying all our flaws
And I wonder why, wonder what for
It's like we keep coming back for moreIs it just our bodies?...





Nang matapos ang aking kanta ay pumalakpak lahat ng tao sa bar, dahil sa bigat ng aking nararamdaman ay mabilis akong bumaba ng stage at nag paalam kina Perci na lalabas lang ako dahil sa sobrang kaba━pero ang totoo ay gusto kong mapag-isa.

RebelliousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon