𝐋𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐫𝐫𝐚𝐧𝐝𝐬
𝘎𝘳𝘢𝘺𝘴𝘰𝘯 𝘊𝘭𝘪𝘯𝘵𝘰𝘯
"So mag s-stay kayo dito hanggang next week? Hindi ba kayo hahanapin ni Shamara?"tanong ni Brandon habang nag iihaw ito ng barbeque, we are now here in Amalfi coast malapit lang sa apartment ni Brandon kung saan tanaw na tanaw nito ang buong dagat na nakapalibot sa Amalfi city.
Actually pupunta sana kaming lahat sa bar pero itong si Brandon may pagkaKJ kaya wala na kaming nagawa 'nong sabihin niyang dito na lang daw kami magpalipas ng oras.
"Oo, pero uuwi din kami sa Martes."sagot ni Caden.
"Nga pala wala ba kayong balak na mag hotel? Naririndi ako diyan kina Achilles at Grayson ang ingay ingay pag tulog!"napatingin ako ng marahas kay Brandon dahil sa kanyang sinabi.
"Papayag kami but in one condition!"giit ko bago ko siya tinabihan.
"Ano 'yun aber?"
"Mag bar hopping tayo tapos pag pumayag ka sa ipapagawa namin mag ho-hotel kami, lalayasan ka namin sa apartment mo."sagot ko rason para mapakunot ang kanyang noo.
"Ano deal?"
"Ano ba kase 'yung ipapagawa niyo ha?"giit ni Brandon.
"May dare kaming ipapagawa sa'yo Bran at malalaman mo lang 'yun pag nag bar hopping na tayo!"masayang sagot ni Achilles habang si Caden nakangisi lamang.
"You know what screw you! I won't do anything! Basta ang sinabi ko mag hotel kayo kase naiingayan ako sa inyo."giit nito.
"Ang KJ mo naman Brandon! Come on dude add some spice in your boring life! Tsaka ayaw mo 'non may thrill! Once in a lifetime lang 'to kaya sumangayon ka na okie?!"Achilles declared while tugging Brandon's shirt like a kid who wants candy.
"Sige na Bran, pag bigyan mo na 'yang mga 'yan hindi naman ganun kahirap 'yung ipapagawa namin 'eh."Caden finally spoke.
"Alright fine! Basta pag natapos ko 'yang dare niyo aalis na kayo sa apartment ko ha? You will just visit me if you need anything."pagsasangayon nito kaya nag apir kami ni Achilles.
Shit! This is going to be fun!
𝘠𝘶𝘮𝘦𝘳𝘢
"Ayos na ba 'yung request letter na ini-email satin ni Mr. Russo? Baka kase hanapin mamaya 'nong manager 'eh."tanong ni Van kay Athena habang ako heto busy sa pag-aayos ng ilang gamit para sa location visit namin sa bar na napiling site ni Mr. Russo.
Although hindi naman talaga literal na bar 'yun dahil may view deck ito at hotel, ay mas mabuti ng mas maaga kaming mag punta don kesa sa gabi dahil madami pa kaming gagawin.
"Oo, na-print na kanina ni Mera."sagot naman ni Athena.
"Alam niyo tayo na baka ma-late tayo, may appointment pa ako sa pinsan mo hindi ba Van?"giit ko rason para mapasulyap sa akin si Vanessa habang inaayos nito ang kanyang mga gamit.
"Oo nga pala, oh siya sige tayo na!"Vanessa said before we went out of my studio, pag labas namin ay agad kaming pumasok sa aking kotse habang si Van ang nag drive para sa amin.
Hindi naman ganun kalayo 'yung bar mula sa aking boutique at studio kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami rito. Mabilis kaming pumasok sa loob at hinanap ang manager ng bar na siyang kakausapin namin para sa photoshoot.
"Buon giorno! Hello sir, I am Vanessa and this is my friends Yumera and Athena. Sir, we are here to request if we can use your bar area next week for our photoshoot? We got our request letter and some documents for you to check and also our payment if you will allow us."magalang na turan ni Van sa manager habang kami ni Athena heto nakaupo sa kanyang tabi.
"Photoshoot? Alright, please just give me a second I'll just review your request."sagot naman ng manager saka niya kinuha ang mga papeles na ibinigay ni Van rito, he carefully went through our request letters before he nodded and smiled.
"Well, I will allow you to have your photoshoot here. Besides it was Mr. Russo who requested after all."he mumbled.
"You know Mr. Russo sir?"this time ako na ang nag tanong rito.
"Yes, he's a good friend of mine so no worries. Please just notify us what time and what date you will use our bar for the photoshoot."diretsong sagot nito, after we drop some of their policies and our rules Van and I decided to close the deal right away saka namin tinawagan si Mr. Russo na agad din naming napapayag.
"Alauna na pala, mauna na ako guys susunduin ko pa kase 'yung pinsan ko para sa interview niya sa'yo Mera."sabi ni Van ng makarating kami sa aking studio slash boutique.
"Sige antayin na lang namin kayo rito ni Athena."simpleng sagot ko rito.
Hapon na ng matapos ang interview namin nina Athena at Perci sa pinsan ni Van, luckily na-meet naman nito ang standards ni Perci kaya natanggap din siya kaagad kaya naman bukas na bukas rin ay mag sisimula na siya as my executive manager.
Hindi naman mahirap kausapin si Bonie dahil gets na gets nito ang kanyang gagawin, Perci also gave her some tips about my daily schedule at sa aking sitwasyon as two time owner ng boutique at isang photographer.
"So I guess, we should have some welcome party sa bagong bago nating executive manager! Tsaka pa-despedida na rin kay Perci for his success!"masayang turan ni Van habang kumakain kami ng linuto nitong kare-kare.
"Ay vongga! Oo nga good idea 'yan Vanessa! Bar hopping tayo after ng photoshoot niyo mga bruha!"giit ni Perci.
"Game ako diyan Ate Van, I heard maganda daw ang view sa G.A.S bar pag gabi tamang tama ngayong mag sisimula na ang festival of lights!"singit ni Bonie.
"Pero ano━"bago pa ako maka-angal at tinakpan na ni Perci ang aking bibig at ngumiwi ito.
"Shut up ka na diyan Yumera, alam naming KJ ka kaya hindi namin papabayaang hindi ka sumama sa amin. We will drag you with us dahil ako na ang may sagot sa lahat keri?!"
"Yun oh!"they all said in glee while here I am don't have a choice but to surrender, I guess sasama talaga ako sa kanilang bar hopping after my shoot. Haist.
BINABASA MO ANG
Rebellious
Romance𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐁𝐨𝐬𝐬' 𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐒𝐩𝐢𝐧 𝐎𝐟𝐟): 𝐏𝐚𝐫𝐭 𝟑 Brandon put himself in exile after his great despair from Shamara, for him dealing with his broken heart is not that easy as killing someone as he also needs to forget his feelin...
