Nakatitig si Liam sa isang particular na babaeng nasa bar na iyon. Panay ang indayog ng katawan sa saliw ng maharot na tugtugin. Naka black jeans ito na hapit na hapit sa binti. Ang tank top naman nito'y maiksi at kita ang maliit nitong bewang na halos kaya niyang dangkalin. He was curious. Ngayon lang niya ito nakita sa isang bar sa San Nicholas. Ang kulay ng buhok nito ay tila tanso kapag tinatamaan ng ilaw. Curly and stylish too. Hindi tipikal na isang probinsyana. Pero kung taga-Maynila ito ay dapat sa Puerto Galera ito nagpunta hindi sa sulok pa ng Mindoro.
She must be in her early 20's. Neneng tignan kung hindi lang sa makapal na makeup nito. Ang labi nito'y pulang-pula na sa tingin niya'y napakasarap hagkan. Liam dismissed his thoughts right away. Hindi naman sa lahat ng oras na may makita siyang babae ay gumagana ang imahinasyong sekswal sa kanya. Pero ang pag-indayog ng balakang ng babae ay tila pumupukaw sa kanyang pagkalalaki.
Inubos niya ang laman ng kopita sa kanyang harapan. Naalala ang usapan nilang mag-ama kanina kung bakit siya napunta sa lugar na ito.
"You are not young anymore Liam! Kailangan mo nang mag-asawa para maging responsable ka na!" galit na wika ng Daddy niya.
He is thirty years old. Walang trabaho at puro kasiyahan lang ang alam sa buhay. He dated number of women since he was in college. Why not? Girls swoon over him na tila siya regalo ng Diyos sa mga ito. He never had a long-term relationship in his whole life. Girls come and go. At wala siyang balak magpatali kaninuman.
But now, his father threatened him to cut-off his allowance and privileges kapag hindi siya sumunod sa kondisyon nito. One, he will have to work in Delgado Group of Companies as one of the owners. Two, that he will get married in six months time.
Delgado Group of Companies is the owner of top hotels and resorts in Mindoro including Puerto Galera. Pero ngayon ay nagkakaroon ito ng financial crisis. His uncle and cousin were handling the operation, but as a stockholder, he needs to be in any position in the company. His father, on the other hand, is a lawyer. May sarili itong Law Firm na kilala din sa Mindoro.
Okay na sa kanya ang magtrabaho sa DGC. Sa katunayan, isang linggo na siyang nasa Marketing Department kahit wala siyang ideya kung ano ang dapat niyang gawin doon. Pero ang pangalawang kundisyon ng ama niya ang nakakapagpabagabag sa kanya. Saan siya kukuha ng asawa? Ni wala siyang naging matagal na relasyon. Ni ngayon ay wala siyang girlfriend. At kahit balik-balikan niya ang mga pangalang nagkaroon siya ng ugnayan, wala siyang mapili sa mga ito!
Magaganda naman ang mga naging girlfriends niya. Pero kung hindi nagsipag-asawa na ang iba, ang iba naman ay wala siyang balak seryosohin. At isa pa hindi siya naniniwala sa commitment. He can live his whole life all by himself.
Pero kung hindi siya magkakaroon ng girlfriend sa lalong madaling panahon, ipagkakasundo siya ng ama sa anak ng business partner nito na si Laura.
"Oh, I hate Dad!" himutok niya sa kapatid na si Sarah.
"Bakit naman kasi sa dinami-dami ng naging girlfriend mo wala ka man lang napiling seryosohin? Yun lang naman ang gusto ni Dad, yung magkaroon ka ng sense of responsibility," pagbibigay naman ng katwiran nito sa desisyon ng Daddy nila.
"Okay, sige andun na ko. Pero bakit niya ako kailangang bigyan ng timeline? I'm only thirty for Pete's sake!"
"Kilalanin mo na lang muna si Laura, malay mo naman magustuhan mo."
"I don't feel anything for her, not even physical attraction."
"O, e di maghanap ka ulit ng iba. Siguraduhin mo lang na hindi pinulot lang kung saan-saan."
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...