Chapter 14

769 35 0
                                    

Wala pang alas sais ay nasa condo na ulit si Liam kinabukasan.  Tulog pa si Ysabel at naka-lock pa ang kwarto nito.  Kinapa nyang muli ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto ng kwarto.  Ysabel was lying in bed, still sleeping, with her eyes swelling from crying overnight.  He cursed himself. 

Paano ba niya nakalimutang sabihin na kasama niya si Laura noong isang araw?  At bakit nito sinasabing wala itong karapatan na magtanong at mag-demand sa kanya?  She has all the right for pete's sake! 

Tinanggal niya ang sapatos at humiga sa tabi ni Ysabel.  Kung sana'y hindi na lang siya umalis sa condo kagabi,  hindi sana mamumugto ang mata ng dalaga sa kaiiyak.  Naayos sana agad ang problema nila. Niyakap niya ito at hinagkan sa ulo saka sinikap na umidlip habang tulog pa ang dalaga.  Ang totoo'y gusto niya itong gisingin; halikan at pagsawain ang sarili sa pakikipagtalik dito.  Hindi na yata mawawala sa sistema niya ang ganoong pakiramdam.  He will never get tired of making love to her.  Not in a million years.

Pero gusto rin niyang iparamdam kay Ysabel na hindi lang pisikal na pangangailangan ang dulot nito sa kanya.  Higit pa roon na ngayon ay hindi niya muna gustong tukuyin.

Ysabel felt someone just held her tight, pero hinila pa siya ng antok.  Akala niya'y nananaginip lang siya na may nakadagang braso sa tyan niya paggising.  Anong oras ba siya nakatulog?  Hindi niya na maalala.  Dahan dahan niyang tinanggal ang braso ni Liam at nagtungo sa banyo.  Pagtingin sa salamin ay mugto ang mga mata niya.

Pagkatapos maghilamos ay bumalik siya sa kama at tinitigan ang lalaking mahimbing na natutulog.  Paano bang sa isang bwan mahigit na nakilala niya ito'y ganito na lang ang epekto sa pagkatao niya? 

Lumabas siya ng kwarto at naghanda ng almusal.  Mahigit kalahating oras ay nagising na rin si Liam at lumabas ng kwarto.

"Kumain ka muna bago ka pumasok."   Nagtimpla siya ng kape para sa kanilang dalawa na iniiwas ang namumugtong mga mata.

Lumapit si Liam at iniharap siya nito sa kanya.  Iniyakap ang braso niya sa bewang ng binata at itinaas ang baba niya. 

"Bakit namumugto ang mga mata mo?  I'm sorry, sweetheart, hindi ko talaga sinasadya, hindi na mauulit."  Iniwas niya ang mukha ngunit maagap ang kamay ni Liam.  "I will never want anyone the way I want you.  Please, wag ka na magalit." Masuyo pa siya nitong hinagkan sa noo.

"Hindi ako nagagalit."  Malapit na namang tumulo ang luha niya.  Bakit ba siya sobrang sensitive ngayon gayung tinuruan siya ng Mommy niya na kontrolin lagi ang emosyon?

Hinalikan siya nang masidhi ni Liam, hindi ito tumigil hangga't hindi siya tumutugon - na nauwi na naman sa pagtatalik.  Hindi niya alam kung paano humindi kay Liam gayung palagi lang siyang ipinagkakanulo ng katawan niya.

"Isasama kita sa office para hindi ka naiinip dito sa bahay," aya sa kanya ni Liam habang kumakain sila. 

"Sa ibang araw na lang, may mga aasikasuhin pa ako mamaya," pagdadahilan niya.  Paano siya haharap sa mga tao nang mugto ang mata niya?  Mag-aaral na lang muna siya ng ibang putaheng lulutuin.  Sa ibang araw ay sosorpresahin niya na lang itong puntahan sa opisina.

Nang makaalis ang binata ay nagligpit siya sa kusina.  So, this is how it feels to be a housewife, she thought.  Nakaramdam siya ng kasiyahan sa ginagawa.  Para siyang nakalaya sa kulungan na ngayon ay nagbabagong buhay.  At ganitong buhay ang gusto niya ngayon - ang maging isang simpleng maybahay.  Pagkatapos maglinis ay tumuloy siya sa kwarto at humiga.  Naalala niyang damputin ang telepono at binuksan.  Hindi niya naalalang buksan iyon sa mga nagdaang araw.

She got a hundred messages on skype, mostly from Candida telling her to go back.  Fabiano had missed calls too and another calls from her agency.  Ibinagsak niya ang telepono sa kama.  If she had to choose between her career and Liam, she would surely choose Liam.  Ni hindi niya maisip ngayon na iiwan pa ang binata.

The Playboy and the SuperstarWhere stories live. Discover now