Isang Dolce&Gabbana sunday dress ang isinuot niya, pairing it with just flat shoes. Hindi niya gustong makalikha ng atensyon sa karamihan. Ipinusod niya ang buhok na may ilang hiblang nakawala. Kanina pa siya paikot-ikot sa salamin. Athindi pa rin siya makapaniwalang tila sunod sunuran siya kay Liam.
Alas sais nang sinundo siya ni binata sa condo.
"You look beautiful," puno ng paghanga sa mga mata ni Liam.
"Thank you."
"But your hands are cold," sita nito sa kanya bago nito paandarin ang sasakyan.
"It's my first time to be introduced to people I haven't met before. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko." Tinanaw niya ang tanawin sa labas ng bintana. Muling hinawakan ni Liam ang kamay niya.
"They will like you," pagbibigay nito ng kasiguraduhan. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya.
"Pwede bang hindi muna natin sabihin kung ano ang trabaho ko at bakit ako nandito sa San Nicholas?"
"If you're not comfortable to talk about it it's fine with me. Pero sooner or later malalaman din naman nila."
"Ayokong magkaroon ng lead si Mommy kung nasaan ako. The less people know where I am, the better." Tumango naman ang binata bilang pagsang-ayon.
Wala pang kalahating oras ay nasa gate na sila ng mansion ng mga Delgado. Ipinasok ni Liam ang kotse sa garahe at dumeretso sila sa living room kung saan naroon ang ina nitong si Elena. Ang ama niyang si Alex ay nasa study room kausap ang business partner nito.
"Saan ba kayo nagkakilala nitong anak ko iha," tanong ni Elena habang kumakain. Mainit ang pagtanggap nito kay Ysabel, pero si Alex ay pormal lang at madalas na may kausap sa telepono na iba't ibang padrino sa negosyo.
"S-sa bar ho sa may bayan." Halos hindi lumabas sa bibig niya ang sagot. Nakita niya ang pag-ismid ng ama ni Liam.
"Kayong mga kabataan ngayon kung saan-saan na lang nagtatagpo," wika nito. Yinuko ni Ysabel ang pagkain at hiniling na sana'y matapos na ang gabing ito. Tiyak niyang hindi siya gusto ng ama ni Liam na hindi niya alam kung bakit. Isa sa iniiwasan niya ay ang mahusgahan ng mga taong hindi naman siya lubos na kilala. Maraming na ang katulad ni Alex sa mundong ginagalawan niya.
"Iba na kasi ang panahon ngayon, Alex. Hayaan mo na ang mga bata. Saan ka ba nakatira, Ysabel?" magiliw naman na tanong ng ina nito.
"Kila Nana Ising ho ako nakikituloy pansamantala."
"Bakit, saan ba ang pamilya mo?"
"Hindi ko na ho nakilala ang father ko. Ang mother ko naman ho ay nasa ibang bansa."
"Hmm.. mag-isa ka lang pala dito. May trabaho ka ba ngayon?"
"N-naghahanap pa ho."
She was thankful na madalas may tawag sa telepono ang ama ni Liam. Pagkatapos ng dinner ay nagyaya pa si Elena na magkape sa may living room na hindi niya natanggihan.
"Hindi na ako magtataka kung bakit nabighani ang anak ko sayo, Ysabel. Napakaganda mong bata. Lamang ay parang pamilyar ang mukha mo kanina ko pa tinititigan."
Pilit tinatago ni Ysabel ang kabang nararamdaman. Sana'y wag nang mag-usisa pang lalo ang ina ni Liam. Sa dami ng fashion magazines na nasa lamesita doon ay malamang na naroon ang pagmumukha niya.
"Ihahatid ko na Ysabel 'Ma," sa wakas ay sabi ni Liam an ikinaluwag ng dibdib niya.
"Sige anak at gabi na. Mag-iingat kayo."
Magalang siyang nagpaalam sa ina nito. Ang kapatid nitong si Sarah ay hindi pa rin nakakauwi ng bahay hanggang sa makaalis sila.
"Your father doesn't like me," wika niya nang ihahatid na siya ni Liam
"Ganun lang talaga si Dad. Don't worry about it."
Tumuwid siya ng upo at isinandal ang likod, pumikit at nag-iisip.
"Sa condo ka na muna tumira, what do you think?"
Nagulat siya sa sinabing iyon ni Liam. Hindi umabot sa ganoon ang plano niya.
"No. Hindi ako makikipag-live in Liam. Kahit pa.." hindi niya masabi ang kasunod. Parang lumiit bigla ang tingin niya sa sarili.
"I know. At hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang maging komportable ka. For sure you don't have your own bed now. Maliit lang ang bahay ni Nana Ising."
"No."
"Be reasonable, Ysabel. Don't worry sa bahay ako uuwi pansamantala kung hindi ka komportable. Anyway, Mom always freaks out kapag hindi ako doon umuuwi sa bahay namin."
"You know that I can afford to rent a condo Liam."
"Kung ganun bakit kila Nana Ising ka tumuloy."
"I don't know. Siguro dahil noong bata pa ako siya lang pinupuntahan ko kapag may problema ako sa school o kay Mommy."
"Andyan lang naman ang bahay nila. You can go to her anytime. Maghapon ako sa opisina, sa gabi sa bahay ako umuuwi. Bago kita nakilala, ilang bwan na din akong hindi nakakauwi doon. At least doon ay may privacy ka, may sarili kang kwarto, at hindi mainit."
Sa kapipilit ni Liam ay lumipat din siya sa condo makalipas ng ilang araw. Malungkot si Nana Ising nang magpaalam siya.
"Hindi sa nanghihimasok ako sa buhay mo, Ysabel. Pero sana pinag-isipan mo itong mabuti."
"In-offer lang naman po Liam, Nana, wala naman daw hong gumagamit nun. Para hindi na rin ako nakikisiksik sa kwarto ni Ana. Nahihiya na rin ho ako."
"Alam mong bukas lagi ang bahay na ito para sayo, anak. Kung may kailangan ka andito lang kami."
"Salamat ho, Nana. Ayaw ko rin hong madamay kayo sa galit ni Mommy pag nalaman niyang sa inyo ako tumutuloy."
Nagpasalamat siya at tuluyan ng umalis. Pagkatapos dalhin sa condo ni Liam ang mga gamit niya ay dumaan siya sa grocery para mamili ng pagkain.
Alas sais ng hapon ay naroon na ang binata. Kasalukuyan pa lang siyang naghahanda ng pagkain.
"Kumusta ang bagong may-ari ng condo," biro nito sa kanya.
"Having a hard time cooking."
Iyon ang hindi niya masyadong natutunan sa buhay. All her life she was pampered with a maid.
"Ano bang hapunan mo?"
"French toast and salad."
"Typical for a New Yorker. Wala ka bang kanin? I'm starving."
"Wala eh. Magsasaing muna ako. Bumili naman ako.. " bago pa niya matapos ay nasa tabi niya na ang binata at masuyo siyang hinagkan.
"Okay na sa akin yang french toast at kape. Sa bahay na lang ako kakain ng kanin." Isang mapang-akit na ngiti ang ibinigay nito. "Mapapagod ka pang magluto."
Nang matapos silang kumain ay nagyaya pa ang binata na manood ng pelikula. Halos alas nueve na ng gabi nang umalis ito sa condo.
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...