Binuksan ni Ysabel ang cellphone para makibalita kay Gracia tungkol sa paghahanap sa kanya. Sunod sunod ang pasok ng messages na galing kay Candida - threatening her to proceed with media in finding her. Apat na buwan na lang at ikakasal na sila ni Fabiano pero wala pa siya sa New York. Kaya natitiyak niyang gagawin na ng Mommy niya ang lahat para mahanap siya. Tinawagan niyang muli si Gracia para makakuha ng balita.
"They are searching for you everywhere. Some says you're a missing person already because you're phone is unreachable, they can't give answers to where you are right now."
Matapos makibalita kay Gracia ay nag desisyon siyang kausapin na ang ina. Tinawagan niya ito sa telepono.
"Uuwi ka bukas na bukas din o ipapa-media talaga namin ang pagkawala mo, Ysabel. Huwag mo akong ikompromiso kay Fabiano. Alam mong makapangyarihan ang pera nila. Kapag hindi natuloy ang kasal ay hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin."
"Hindi ko ginusto ito, Ma, ikaw ang nag desisyon para sa sarili ko. I'm sorry but I will not marry Fabiano and allow myself to be miserable for the rest of my life."
Hindi makatulog si Ysabel sa magdamag. Bukas ay magbabakasakali siyang makausap agad si Liam. Hindi na yata siya makakapaghintay pag-uwi pa nito sa gabi para isangguni ang problema niya. Siguro ay pwede niyang makausap ito kahit sandali during lunch break. Si Liam na lang talaga ang pag-asa niya na huwag makasal kay Fabiano. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang mangyayari sa karera niya.
---
Maaga ang mga Delgado sa opisina ng DGC. Alas otso ang meeting ng board at ni Louise. Nathan was nervous as a first grader. Kitang kita ni Liam kung paano itong hindi mapakali sa opisina nito. Nang makaharap nila sa conference room ang dalaga ay nagulat ang lahat sa katatagan at tapang na ipinakita ni Louise. At naroon pa rin ang galit kay Nathan. Makalipas ang halos tatlong oras ng meeting ay naiwan na lang si Nathan at Louise sa conference room.
Pagbalik ni Liam sa opisina niya ay nagulat nang madatnan roon si Laura. Impatient as he was , he asked her what she needs. He was planning to buy the ring for Ysabel and finally propose. Maaantala ng babaeng ito ang plano niya ngayong araw.
"Galing ako sa office ng Dad mo. I heard magpapakasal ka na sa girlfriend mong modelo?"
"Yes. What's the problem?
"The problem is me, Liam. Umasa na akong tayo ang magkakatuluyan."
"I'm sorry, Laura, pero hindi ako nagsabi sayo na gusto kitang pakasalan. I wasn't even there nung nag-usap-usap kayo nila Dad "
"Kahit ano pang sabihin mo, Liam, nakataya ang pangalan ko at ng pamilya ko. Naipamalita na namin sa mga kamag-anak at kakilala ang pagpapakasal natin."
Napasapo si Liam sa ulo. Ba't ba ang tigas ng ulo ng babaeng ito?
"Laura, I'm about to leave. Wala ka na bang sasabihin?"
Naglakad-lakad ang babae sa palibot ng table niya saka ito umupo sa armrest ng swivel chair kung saan siya nakaupo. Inakbayan siya saka hinagod ang dibdib niya. Iwinaksi niya ang kamay nito. Pero anumang sasabihin niya dito ay naputol ng biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at naroon ang babaeng balak niyang pakasalan.
Ysabel was shocked. And upset. Mabilis itong tumakbo palayo sa opisina at palabas ng building. Liam ran faster as he could. Sa labas na ng building niya naabutan si Ysabel. Tears were all over her face.
"Listen to me, Ysabel." Pilit nitong hinahawakan ang dalaga pero nagpupumiglas ito. He hugged her, and begging her to stop. Pero hindi ito nakikinig. Sumakay ito ng jeep at wala siyang nagawa.
Dagli siyang bumalik sa opisina para kunin ang kotse. Sa daan ay pilit hinahanap ang sinakyan nitong jeep. Naghintay siya sa condo pero alas sais na'y wala pa din ang dalaga. Ni hindi na siya nakabili ng singsing sa Calapan dahil gusto niyang maayos na kaagad sila ni Ysabel.
Alas dies na nang makauwi ito.
"Ysabel, listen to me, walang kahulugan yung nakita mo. Nagulat din ako sa inasal niya at kung bakit siya naroon sa opisina ko. Please believe me, babe." Mahigpit niya itong niyakap at sinubukang halikan pero walang tugon si Ysabel.
"Please talk to me..." halos nagsusumamo pa siya dito.
"Wala kang alam? Katulad din ba ng pagsama mo sa Calapan sa kanya? Or you are seeing each other behind my back?"
"No! Walang ibig sabihin yun, Ysabel. At yung kanina, I wasn't expecting it. Nasa meeting kami nila Dad at pagdating ko ay nandoon na siya. She invited herself!'
"Laura is a fine woman, Liam. Samantalang ako nakuha mo sa isang gabi lang. I understand. Clearly understand. You will marry her because you can take me to bed anyway."
"I told you, I'm not marrying her! And I respected you so much regardless of how we met! I love you, Ysabel!"
"Wow, love?! Now you tell me you love me? That's bullshit, Liam."
"Bullshit kung bullshit pero 'yan ang totoo."
Marahang umiling si Ysabel dahil ayaw niya munang makipag-usap sa binata. Gusto niyang makapag-isip nang maayos.
"Get out, Liam. Alam kong condo mo 'to, pero kung hindi ka aalis ay ako ang aalis." Pumasok siya ng kwarto at ni-lock iyon. Pabagsak siyang humiga sa kama at umiyak nang umiyak.
Ala una na ng madaling araw ay hindi pa rin siya makatulog. Kinuha niya ang maleta sa itaas ng cabinet at nagsimulang mag-empake. Binuksan niya ang telepono at kinontak ang kaibigan sa Singapore. She can't afford to go back to New York yet. Hindi pa siya handang harapin ang ina at si Flaviano.
Pagkatapos mag-empake ay lumabas siya ng kwarto. Nagulat siya nang makitang naroon pa si Liam, at tulad niya'y namumugto din ang mata. She dismissed her emotion right away. She doesn't have to be weak right now.
Dagling tumayo si Liam nang makita siyang lumabas ng kwarto. Sumilay lalo ang lungkot sa mata nito nang makita ang maleta niya. Yumakap ito nang mahigpit.
"I love you, Ysabel, and that's true. Believe me, babe, please..." nagsusumamong wika nito. Kumawala siya sa yakap nito at hinarap ang bintana.
"Hindi ba ako nagpakita ng kabutihan sayo para hindi ka maniwala? Binuksan ko ang pagkatao ko sa 'yo. Pati pamilya ko. Don't be unfair. Kahit iharap ko sa 'yo ulit ang pamilya ko ngayon, Ysabel, sila ang magpapatunay na totoong mahal kita."
"I don't know, Liam. I need to think. Aalis ako bukas pabalik ng Singapore. Maganda din yun para mailigaw ko ang mga naghahanap sa kin."
"No!"
"Please, Liam."
"We're getting married the day after tomorrow. Nakausap ko na si Dad at kinausap niya na ang judge kahapon pa ng umaga. Don't be unfair, Ysabel. I told you I love you already."
"Kailangan ko lang munang mag-isip, Liam, please..."
"Para saan? Sige. How many days do you need? Two days? Three days? Pero hindi ka aalis ng San Nicholas, Ysabel. I will never gonna let you go."
"I'm leaving, Liam. I'm sorry."
Nanlumo si Liam sa mga nangyayari. Hindi niya makumbinsi si Ysabel na manatili sa piling niya. Parang gustong mapiga ng puso niya sa kaisipang bukas ay hindi niya na makikita ang babaeng gusto niyang alayan ng pag-ibig. Paanong ang masayang araw kahapon napalitan agad ng ganitong sakit?
Damn love!
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...