Chapter 16

765 35 0
                                    

Alas nueve ng gabi na umuwi si Liam sa bahay ng mga magulang.  Paakyat na ang Daddy at Mommy niya sa kwarto nang makapasok siya sa bahay.

"Dad, can I talk to you?  Mom also."  Nabitin naman ang pag-akyat ng mga magulang sa hagdan.  Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita ang Daddy niya.

"Sumunod ka na lang sa silid," utos ng ama.  Umakyat sa spiral staircase para sumunod sa kwarto ng mga magulang.

Nakatayo siya sa pinto habang ang mga magulang ay naghihintay sa sasabihin niya.  Lumunok muna siya para bumwelo bago nagsalita.

"I want to marry Ysabel.  And I need your help."  Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ng ama.

"Ano ng mabigat mong rason para pakasalan siya?"  tanong ni Alex.  

"Her mother wants her to marry that bastard ex-boyfriend of hers.  At nasa Pilipinas na ang mga taong naghahanap sa kanya para ibalik siya sa New York."

"Then let her go and let her marry that bastard who wants her."

"No!"  Sinapo niya ang noo at umupo sa couch na naroon.  Isipin pa lang na hindi niya makikita ang dalaga ay bumibigat na ang dibdib niya.  Mas lalong hindi niya kaya na magpakasal ito sa iba.

Matagal na walang gustong magsalita dahil naghihintay pa ang mga magulang sa sasabihin niya.  Pero walang salitang namutawi sa bibig niya matapos ang pagtutol.

"Iyan lang ba ang dahilan kaya gusto mong pakasalan si Ysabel?"  mahinahong tanong ni Elena.  Hindi pa rin siya sumagot.

"Kung 'yan lang ang dahilan mo, si Laura na lang ang pakasalan mo, Liam.  Makakaiwas ka pa sa gulong dulot ng babaeng 'yun," dagdag ng Daddy niya.  Hindi siya nagsasalita.  Hindi rin niya gustong kumilos palabas ng silid.  

"Mahal mo ba siya?"  Ang Mommy niya ang nagtanong.  Napatitig siya sa ina bagama't hindi sinagot ang tanong nito.

"If you don't love her, then marry Laura, Liam," tila naiinip na suhestyon ng ama nang wala pa rin siyang balak magsalita.  "Walang ipagkakaiba kung si Ysabel man o si Laura ang pakakasalan mo.  Mas pabor pa sa atin kapag si Laura dahil makakatulong iyon sa kumpanya."

"I loved her," sa huli ay pag-amin niya.  He said it in almost a whisper.  At walang gustong magsalita pagkatapos, na para bang walang narinig ang mga ito.   

"I loved her."  Inulit niya nang mas malakas nang kaunti.  Hindi pa rin kumbinsido ang mga magulang.

"Kung sinasabi mo lang 'yan para makumbinsi mo kami ng Mommy mo, nagkakamali ka, Liam," tila pagalit na sabi ng Daddy niya na sumandal na sa headboard ng kama para itaboy siya.  Pero hindi siya lalabas ng silid hangga't hindi pumapayag ang mga ito.

"I want to protect her, I want to be with her, I want her to stay. I'm not letting her go.  I always want to be beside her.  Is that love?  Then yes, I love her...." 

Mahabang patlang ang namayani sa silid.  Hinayaan yata ng mga magulang na maka-recover siya.  Alam kaya nila kung gaano kahirap sa kanya ang inamin ngayon lang?  He is  Liam Delgado;  a certified playboy who finally confessed he is in love.

"When do you need to schedule the wedding?"  Napatingin siya sa ama nang nakakunot noo.  Pumapayag ba ito nang ganoon lang?

"As soon as possible Dad.  Two or three months?"  Wala siyang ideya kung gaano katagal ang preparasyon ng isang kasal. 

"Nakalimutan mo na bang isa akong abogado, Liam?  Isang tawag ko lang kay Judge Cruz, kahit bukas ay ikakasal kayo nun."

He was almost into tears when he got the approval from his father that he could marry Ysabel.  Hindi naman nakaligtas ang pangingislap ng mata sa mga magulang niya.

The Playboy and the SuperstarWhere stories live. Discover now