Chapter 11

742 35 0
                                    

Nagpilit si Sarah na maligo sila sa pool at pinahiraman siya nito ng swimsuit para hindi na siya makatanggi. 

"Whew... you're so sexy!" Puno ng paghanga ang mga mata nito pagkatapos nilang magbihis.  "But you're shy as a kindergarten!"

"This is not my territory, Sarah.  Kung nasa New York ako ay normal lang ang ganitong suot sa runway o sa mga beaches roon.  But this is San Nicholas."

"Ano ang pinagkaiba?  Mas pribado ang mga tao rito at walang mga mata na manghuhusga sa 'yo.  Wag ka nang mahiya tara na."  Hinila na nito ang kamay niya palabas.

Nasa gilid na ng pool si Liam na nakasayad ang paa at nilalaro ang tubig.  He saw admiration in his eyes as he looked at her.  

"Gorgeous!"

"Thank you, kuya, you always compliment my looks!" 

He chuckled.  Alam ng kapatid na hindi para sa kanya ang papuring iyon.

Bumaba si Sarah sa pool at sumunod siya.  Tumalon naman si Liam at hinila siyang bigla.

"You're so sexy I want to make love to you right here," bulong nito sa kanya na gusto niyang pamulahan ng mukha.  Hindi pa rin siya sanay hanggang ngayon na makita siya ni Liam na halos hubad na.

"Hey hey hey!"  Tawag ni Sarah na halos nasa gitna na ng pool.  "You heartbreakers,  I am single. Be considerate naman!" biro nito na tinawanan nilang lahat.

"Mind your own business, sister."  

"Well... Ako ang nagyaya sa kanya na mag-swimming noh!"

Naningkit ang mata ni Liam nang kumawala siya at nagtungo sa gawi ni Sarah.  Tama naman ang dalaga, hindi sila dapat sa swimming pool naglalandian ng kapatid nito.

"Bakit nga ba single ka pa?  Alam mo bang pagkakaguluhan ka rin sa runway kung naging modelo ka?  Your cheekbones are prominent and you have skintone that Americans would die for."

"Really?  I think I should try, what do you think?"

"Ikaw...  If you really want to, I can help you.  Basta handa ka lang mabuklat ang buhay mo ng mga paparazzi."

"Oh no.  'Di ako kasing bait mo, I'm sorry, baka puro bad publicity lang lumabas sa kin," nakatawa nitong wika.

Nang lumabas ang katulong ay may dala itong clubhouse sandwich at orange juice.  Umahon si Liam sa pool at umupo sa metal chair.  She can't help but admire his body in broad daylight with his lean muscles and broad shoulders.  May mumunting balahibo pa sa dibdib nito na nakadagdag sa malakas nitong sex appeal.  He's like a Greek god with water dripping off his body.

"I can see how Liam looks at you.  I had never seen him looked and cared for anyone the way he did to you," putol ni Sarah sa pag-iisip niya. 

"You're brother is very generous, that's why."

"Maybe.  Pero alam mo bang sa dinami-dami ng babaeng naugnay diyan ni minsan hindi siya nag-uwi kahit isa dito?  Ayaw niya ng commitment; lagi niyang sinasabi yun.  Kahit kapag may mga events sa DGC hindi siya nagdadala ng date."

"Is Laura pretty?" tanong niya kay Sarah dala ng kuryusidad.

"Yes.  But more on morena type of beauty.  Hindi ko lang alam kung bakit ayaw ni Kuya dun dati pa.  Maybe she wasn't his type.  But now, of course alam ko na kung bakit talagang hindi siya magpapakasal dun.  Dumating ka na sa buhay niya eh."

"H-hindi pa naman kami sigurado.  It's like testing the waters first."

"Oh no.  Kuya is sure he's marrying you.  Hinihintay ko lang ang pag-amin niya.  I think he's in love with you."

The Playboy and the SuperstarWhere stories live. Discover now