Makalipas ng isang linggong paglabas-labas nila ni Liam ay nawala ang bagot niya sa probinsya. Nilibot na halos nila ang buong Mindoro. Pero wala pa ding ideya ang binata sa tunay niyang pagkatao.
Tumunog ang telepono niya. Her mommy is calling her on skype. In-off niya ang telepono at nagpatuloy sa pagkain. They were in one resort in Puerto Galera. She must admit, masarap itong kasama at kakwentuhan. At madalas sa hindi nauuwi sila sa pagtatalik, minsan sa kotse nito, sa condo. At totoo ang sinabi ni Liam - they compliment each other in bed.
Dinala na siya minsan sa opisina nito sa DGC. Nakilala nito ang kapatid na si Sarah at pinsan nitong si Nathan, who like Liam, is also as dashingly handsome. Sa magkaibang paraan nga lang. Nathan is more serious type and more responsible, while Liam is free-spirited and happy-go-lucky. Kahit sa pisikal ay magkaiba ang dalawa. Nathan is more tan while Liam has fair skin. But they treat each other like brothers.
Pagkahatid sa kanya ni Liam ay agad niyang binuksan ang skype. Somehow she doesn't want her mother to worry whererever on earth she is right now. Halos dalawang bwan na mula nang umalis siya ng New York. As expected, nanggagalaiti ito sa galit nang malamang wala na siya sa Singapore at wala pa siyang balak bumalik ng New York.
Would she be able to run her own life? Somehow there's this fear. All her life her mother was telling her what she should do. Nakatapos siya ng kolehiyo, pero hindi nya naranasan ang magtrabaho sa isang kumpanya. She could allow her mother run her life, that's fine with her. Pero hindi kasama ang makasal sa lalaking manloloko at oportunista.
*****
"My timeline is running out babe. I need your answer right now." Nasa condo sila ng binata at nag-aalmusal. Hindi siya sumagot.
"Ano ba ang pumipigil sayo? Technically we are lovers, Ysabel. Isang halik lang nag-iignite na tayong dalawa tulad ng apoy. Kaya hindi ko maintindihan ang kinakatakot mo."
Which is true dahil dalawang gabi na siyang natutulog sa condo nito.
"It's a lifetime commitment Liam."
"There's annulment kung hindi maging matagumpay ang pagsasama natin," suhestyon nito na tila isang simpleng usapin lang ang pag aasawa.
She gave him a deep sigh. Hindi niya masabing wala naman siyang balak na magtagal sa San Nicholas. At kapag humaba pa ang pagbabakasyon niya'y tiyak na ipapahanap siya ng ina sa mga imbestigador.
Kung makakasal sila ni Liam ay wala ng magagawa ang ina niya. Even Fabiano. At mawawalan ng saysay ang engagement nila ng ex-boyfriend na inannounce ng dalawa.
Pero pag nakasal siya kay Liam, malamang na malamang hindi na siya papipirmahin pa ng kontrata ng Supreme at ng iba pang modeling agencies. Kaya ba niyang mamuhay na lng basta dito kasama si Liam? Paano si Candida?
"We will get married, Ysabel. Come with me tonight, we'll have dinner with my parents," tila pinal nitong sabi.
So, she decided to tell him the truth.
"I'm not as simple as you thought I am Liam,"
"What do you mean?"
Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin kaya ipinasya niyang ipakita na lang ang mga larawan sa internet na kuha ng paparazzi sa kanya. Ilang sandali muna ang lumipas bago ito nagsalita.
"So, you are a fashion model. And a popular in runway world, huh! That explains the way you move! At kahit anong siksik sa utak ko na isa ka lang anak ng isang ofw, the way you talk, the perfume you wear, you look expensive." Nakatitig ito sa kanya na hindi niya malaman kung nagagalit ba ito sa rebelasyon niya.
"As you can see Liam, wala akong balak magtagal dito. Kailangan ko lang mag-isip at lumayo sa mata ng paparazzi pansamantala."
"Wow.. I can't believe this." Hindi naman alam ni Liam kung bakit may kumirot sa puso niya sa pagtatapat ni Ysabel sa tunay nitong pagkatao. He can't imagine her leaving San Nicholas. Not now.
"I'm sorry Liam..." she said in almost whisper. Hindi niya alam kung para saan iyon.
Inihilamos niya ang kamay sa mukha, in frustration. Tumayo siya at tumanaw sa bintana.
"This ex-boyfriend of yours, do you love him?"
"Don't talk about love Liam. I don't think I am capable of that emotion. Buong childhood ko'y si Nana Ising lang lagi ang kasama ko. Ni hindi ko naranasan yakapin at hagkan ni Mommy. All she had taught me was to be strong and independent. And not to feel any emotion towards anyone."
Liam symphatized with Ysabel. Gusto niyang yakapin ito at aluhin dahil sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito.
"I saw you at the bar almost crying."
"They just announced our engagement. Mas naniniwala si Mommy kay Fabiano."
Hinarap siya nito at tinitigan. Gusto niyang malaman kung ano ang damdamin ni Ysabel sa lalaking 'yun. Hindi niya alam kung bakit mahalaga 'yun ngayon para sa kanya.
"Do you wanna marry that bastard?"
"Never!"
"Then marry me..." mariin niya itong tinitigan. Tila lalo naman itong nalito sa tanong sa alok niya.
****
Sinapo ni Ysabel ang mukha at pumikit. Kailangan nya na nga bang magdesisyon? Umaandar na rin ang araw ng engagement nila ni Fabiano.
"And then what? Buong buhay ko si Mommy ang kasama ko. She ran my life. At wala akong alam gawin kundi ang sundin ang gusto niya. Kapag nagpakasal ako sa 'yo paano si Mommy?"
"We'll talk about that soon, sweetheart. One day at a time. For now prepare yourself. Dadalhin kita sa bahay para ipakilala bilang girlfriend ko."
"Ano ang isusuot ko? Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Bigla siyang nakaramdam ng insekyuridad.
"I can't believe that fear in your eyes, sweetheart. You are a superstar. Asan ang tapang mo?" He said with a grin. "You are beautiful kahit ano pa ang isuot mo."
Hindi siya sumagot. Pinisil ni Liam ang kamay niya para bigyan naman siya ng kapanatagan.
"It will be alright." He planted her a soft kiss that went deeper. Nagpaalam ito na aalis na pero babalikan siya para sa dinner kasama ng pamilya ng binata.
Maghapong hindi mapakali si Ysabel. Hindi niya alam kung tama ang desisyon niya. Nagpapatianod siya sa gusto ni Liam. Tumakas siya sa manipulasyon ng ina pero ngayon ay nagpapanipula siya kay Liam. What difference does it make?
Ginugol naman ni Liam ang maghapon sa opisina. Tinawagan niya ang Mama niya na may ipapakilala siyang girlfriend. And his mother was excited about it. He thought of Ysabel and the revelation she made this morning. That young and innocent witch, isa palang sikat na supermodel. At masaya siyang pumapayag na itong pakasal sa kanya hindi man lantaran ang pagsagot nito. Mula nang makilala niya ito at makasama araw araw ay hindi niya na ma-imagine ang buhay kapag wala ang dalaga. Kaninang binanggit ni Ysabel na hindi siya magtatagal ng San Nicholas ay parang may dumagan sa dibdib niya. Bago sa kanya ang ganitong damdamin.
"Be still my heart," bulong naman niya sa sarili. Hindi pa siya handang aminin na natututo na siyang umibig sa babaeng kakikilala pa lang niya.
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...