Nagtaas ng ulo si Ysabel at nagulat nang makitang ang nagmamay-ari ng magandang boses na iyon ay ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Sabagay, hindi naman nakapagtataka iyon dahil kanina pa ito tila sinusuri siya. Sanay na siya sa ganoon. Lalo dito sa San Nicholas na kahit may asawa na ay lantaran pa ang papuri at pagpapakita ng pagkagusto sa kanya.
Which she hated so much. Why can't men be faithful with their partners? Ke asawa o karelasyon man ito. Wala na ba talagang matinong lalaki sa ngayon?
At may asawa na rin kaya ang lalaking ito?
Napadako ang tingin niya sa kamay nito at wala naman siyang nakitang singsing. Pero hindi pa rin siya makasisiguro. Maraming lalaki na iniiwan ang wedding ring sa bahay para magpanggap na binata kapag lumalabas ng bahay.
"Well?" tila naiinip na sabi ng lalaki. Ysabel smiled hesitantly.
"Yes, I am okay..."
"I'm Liam, by the way." Inilahad nito ang kamay. At nang tinanggap ni Ysabel ang kamay nito'y dinampian nito ng halik ang likod ng palad niya sa halip na pakikipagkamay.
Tila napaso si Ysabel sa ginawa ng lalaki. Nakapagtataka gayung sanay na sanay siyang makihalubilo sa mga lalaki sa Amerika. They can even touch each other's body during photoshoot.
"Ysabel," she replied. Sa malapitan ay mas lalong malakas ang atraksyong dulot nito. The way he stares melts her senses. Na para bang hinuhubaran ang kaluluwa niya para mabasa kung ano ang laman ng damdamin niya. She was expert in hiding her feelings. Pero duda siya kung hindi nababasa ng lalaking kaharap ang binabadya ng mga mata niya.
"Are you alone?" he asked. She nodded.
"Can I keep you company?"
"Are you married?" mabilis niyang tanong. Hindi niya gustong makipag-ugnayan sa lalaking may commitment na gaano man ito kagandang lalaki.
"I'm one hundred one percent single." He grinned.
Oh, God... How can this man be sexier when he smiles?
"Can we dance?" he whispered in her ear which brings shiver down her spine. This man is obviously flirting with her. She had to think twice if she's on for the fun or remain alone for the rest of the night.
But, why not? Mukhang masaya naman itong kasama. At kahit sandali ay gusto niyang makalimutan ang problema.
Hinawakan ni Liam ang kamay niya at inalalayan hanggang sa dancefloor hindi pa man siya sumasagot. Na tila nabasa na nito ang sagot sa mga mata niya. Hindi na siya tumanggi. Pagdating sa gitna ng dancefloor ay pumaikot sa baywang niya ang kamay nito dahil lovesong ang nakasalang na tugtugin. Itinaas niya ang kamay sa balikat nito. Sa taas niyang 5'5" ay umabot lang sa siya halos sa balikat ng binata. At ang hininga nito'y kumikiliti sa tainga niya.
-----
Inilapit ni Liam ang katawan kay Ysabel at isinandal ang ulo ng dalaga sa dibdib niya. Ang pabango nito'y tila mamahalin. He was intrigued. Tila hindi ito pangkaraniwang babae lang. She looked expensive. And classy.
"Where do you live?" pabulong niyang tanong dito. Gusto niyang ilapit lagi ang katawan at mga labi sa pisngi nito.
"Kila Nana Ising."
Napakunot noo ang binata. Kilala niya ang binanggit nitong pangalan pero bakit ngayon lang niya nakita ang dalaga? At bakit pangalan ng matandang tinutuluyan nito ang binanggit at hindi ang lugar mismo?
"Malayo ko siyang kamag-anak. Naghahanap lang kasi ako ng trabaho," wika ni Ysabel na nahulaan ang pagkunot niya ng noo.
"May boyfriend ka na?" tanong niya. Umiling lang ito. Marami pa siyang gustong itanong pero baka matakot ito sa kanya. Base sa mga ikinikilos nito'y nag-iingat itong magbigay ng impormasyon na may kinalaman sa personal nitong buhay. Hindi niya gustong itigil nito ang pagsasayaw kapag nakulitan sa kanya.
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...