Chapter 8

843 35 1
                                    

Isang marahang halik ang naramdaman ni Ysabel.  Halik na lumalim hanggang tuluyan siyang magising.  It's Liam.  Anong ginagawa nito sa condo nang ganito kaaga?  May sarili itong susi pero ngayon lang ito nagpunta sa condo ng ganitong oras. Humiwalay siya sa pagkakayakap ng binata dahil ni hindi pa siya nakapaghilamos.

"Bakit sa sofa ka natulog?"  Tumayo ito at nagtuloy sa kusina.  Nakita niyang may dala na itong pagkain.

"You're early."  Tumayo siya para maghilamos at mag-toothbrush.  Ipinagpasalamat niya na lang na peppermint ang tsaang ininom niya kanina.  Hindi niya namalayang sa sofa na siya inabot ng antok.

"Dumaan lang ako para dito mag-almusal.  Alam kong wala ka nanamang kakainin kung hindi 'yang french toast na di ko alam kung paano ka nabubusog." 

"Sanay akong hindi nag-aalmusal."

"Which is ironic.  Dahil kahit slim ka, you are filled at the right places, sweetheart."  Pinaraan nito ang mata sa kabuuan niya.  Dagli niyang hinablot ang twalyang ginamit nang maghilamos.  Nakalimutan niyang manipis na nighties ang suot niya.

"Ano ba'ng binili mong pagkain?"  Umiwas siya ng tingin at binuklat ang   dala nitong paperbag ng pinamiling pagkain.  Sa sulok ng mata niya'y nakita niyang ngumisi si Liam at lumapit.  Hinapit siya sa bewang mula sa likod.  Ang hininga nito'y nasa batok niya na nagdudulot ng mumunting paro-paro sa sikmura niya.  He started to kiss her from her nape then to her earlobe.  Ang twalyang itinapis ay inalaglag ni Liam sa sahig at ang kamay nito'y nakapasok kaagad sa manipis niyang suot.

"L-liam.. I'm hungry..."

"Later, sweetheart, sa ngayon ay ibang pagkain ang nasa isip ko," paanas nitong sabi.  Iniharap siya nito sa kanya at hinalikan nang mapusok na dagli niya rin namang tinugon.  Itinaas niya ang kamay sa dibdib ng binata at dinama ang mainit nitong balat.  Sa pagitan ng paghalik ay binuhat siya ni Liam papunta sa kama.  At tulad ng paro paro sa apoy, nagpadarang siyang muli at nagpatianod sa bawat halik at haplos ni Liam.

"Bakit ka sa sofa natulog?" Muli nitong tanong habang kumakain na sila ng almusal.  Sinangag at longganisa ang dala nito na may sawsawang maanghang na suka. 

"Tumawag si Mommy kagabi."

"And?"

"Pinapabalik na ako sa New York.  My contract is ready from my agency and my wedding gown is also waiting."

"Hindi mo sinabing magpapakasal ka sa akin?" 

"Not in details.  Pero sinabi kong magpapakasal ako sa iba kapag hindi nila binawi ang engagement namin ni Fabiano.  Believe me, Liam, they will move mountains to bring me back to New York."

"Then I will move heaven and earth so they won't find you," mabilis din nitong sagot.  Hindi niya alam kung dapat na siyang mapanatag sa sagot nito.

Tinitigan niya si Liam.  His dark eyes speak something else.  Like possessiveness?  Protectiveness?  Hindi niya tiyak.  

But she wants to hold on to that.  For now.

Pagkatapos kumain ay umalis na rin si Liam para pumasok sa DGC.  Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa maghapon kaya naisipan niyang mag-aral ng ilang lutuing bahay.  She can't always buy cooked food.  Paano nga ba siya lumaking independent ni ang mag-saing hindi pa ata niya nasubukan.  Ngayon niya lang napagtanto na tinuruan lang pala siya ni Candida na mamuhay nang malayo ang loob nila sa isa't isa.

She remembered her mother saying she only wants her to be strong and live her life on her own.  Kapag binu-bully siya dati sa school ay ayaw nitong uuwi siyang umiiyak.  Pero anong nangyari?  She can't even be strong enough to face Fabiano and the paparazzi.  At ngayong malaya siya bakit parang hindi niya alam kung saan papunta ang buhay niya?

                           *****

Pagkatapos ng meeting nila ni Nathan ay sa opisina ng kapatid siya nagtungo.  He needs Sarah's help right now.  Ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Ysabel at kung ano ang tinatakasan nitong problema.

"I knew it!  Sayang at hindi ako nakaabot sa dinner.  Babawi ako some other time.  Kaya pala iba siyang kumilos.  Hindi pangkaraniwan.  She has class and poise everyway she moves!"

"Yeah.  And I need your help here my dear sister."

"Sure.  What is it."

"We're planning to get married."

Napanganga si Sarah sa narinig.

"Alam na ba ito nila Dad?" Napatitig ito sa kanya; inaarok kung totoo ang sinabi niya. 

"Yes.  And they want me to marry Laura instead.  Ang hinahabol ni Dad ay ang ipapasok na pera ni Fred sa kumpanya.  Na mangyayari lang kapag naging isang Delgado si Laura."

"Bakit sa akin ka humihingi ng tulong?  What about Mommy?"

"She was also against Ysabel.  Nababahala siya sa mga eskandalong nababasa niya sa mga magazines about her and her ex-boyfriend.  Naniniwala siyang si Ysabel ang nanloko sa Fabiano na 'yun dahil 'yun ang kumalat sa mga pahayagan.  But I know the truth."

"Then you're in big trouble, brother."

"Please Sarah,  I really need your help." 

"Are you in love with her?"

Isang tamad na ngiti ang sumilay sa labi niya.  

"Who's talking about love here?"

"Then why not marry Laura instead?  Para wala ka ng problema.  Then let Ysabel go back to her own world.  Hindi dito ang mundo niya, kuya. She was only here to run away from her problems.  Kapag naayos na lahat 'yun, babalik at babalik din siya sa mundo niya."

Hindi siya nakasagot.  Sa katunayan ay hindi nila napag-usapan ni Ysabel iyon.  They were both running away from the situation their parents had made for them.  Tama si Sarah; matakasan man nila iyon, paano pagkatapos?  Would he be able to make her stay?  At kaya nga bang talikuran ni Ysabel ang limelight habangbuhay para makasama siya?

"I will help you, kuya, no question about it.  But you have to be honest with me.  Naniniwala naman akong ayaw mo talaga kay Laura.  Pero ibang usapan na ang tungkol kay Ysabel.  Your eyes speak something else.  Hindi ito para lang takasan ang pagpapakasal mo kay Laura."

"And what do you think this is?

"Nararamdaman kong gusto mong protektahan si Ysabel."

"Because we need each other, Sarah, from the manipulation of Dad and her mother.  Hindi mo kailangang bigyan ng kahulugan."

"So, what do you want me to do?"

"Tulungan mo lang siyang maging malapit kay Mommy at malinis ang pangalan niya.  Sa susunod na linggo ay sa bahay magdi-dinner ang pamilya nila Laura.  Gusto kong naroon din si Ysabel para kusang umatras sila Fred na ipakasal si Laura sa kin."

"Pagsasamahin mo sa isang dinner si Laura at Ysabel?!  Dad will be furious about this."

"I know.  Pero dumating man sa buhay ko si Ysabel o hindi, I will never marry Laura."

"Saan ba nakatira si Ysabel?  Dadaanan ko mamaya para makakwentuhan.  I want to get to know her."

"Sa condo ko siya nakatira."

Sarah rolled her eyes in disbelief.  Napailing na lang itong nakangiti sa kanya.

"You're fast!  At hindi ka pa in love ng lagay na yan?!"

"Don't overreact Sarah, gusto ko lang siyang maging kumportable.  Ni wala siyang sariling silid sa bahay nila Nana Ising."

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng kapatid na gusto niyang mainis.  

"I want to shake Ysabel's hand for the change I see in you, kuya.  I kinda like her already."  Kumindat pa ito sa kanya na inirapan niya kasabay nang pagtalikod.  Tiyak niyang hindi siya titigilan ng panunukso kapag hindi pa niya tinapos ang pakikipag-usap dito.

The Playboy and the SuperstarWhere stories live. Discover now