Chapter 12

751 40 0
                                    

Papasok na sa opisina si Liam nang tawagan siya ng ama.

"Nagpapasama si Laura sa Calapan iho.  May negosyo kaming inaayos ni Fred.  Naipagpaalam na kita kay Nathan."  He cursed silently.  Hindi talaga gustong tumigil ng Daddy niya sa karereto sa kanilang dalawa ni Laura gayung ipinakilala niya na si Ysabel sa buong pamilya.

"What is this, Dad?  Ilang beses ko bang sasabihin hindi ako magpapakasal kay Laura?"  Pigil ang inis na wika niya sa ama.

"Sasamahan mo lang siya sa Calapan, Liam, hindi mo pa siya pakakasalan," katwiran naman ng ama na hindi niya kayang salungatin.  Bagama't hindi niya alam kung bakit kailangang siya pa ang sumama.

"Bakit ako?  Hindi ba't may driver sila?"

"Nasa casa ang sasakyan niya, Liam.  Ano ang problema kung ipag-drive mo siya?  Minsan lang humingi ng pabor si Laura napakahirap bang gawin ang ipinapagawa ko?"

Walang nagawa si Liam kundi ang sundin ang ama.  Kalahating oras lang ang lumipas ay nasa gate na siya nila Laura.  Naghihintay na ang dalaga na may mga dalang papeles.  Naka mini-skirt itong maong at pang-itaas na hapit na hapit sa katawan.  She maybe sexy but not attractive enough.  Kung noon ay pinapansin niya kahit sinong babaeng dumaan na maganda ang hubog ng katawan, ngayon ay ni halos hindi niya na magawang tapunan ng tingin si Laura.

"Hi!" nakangiting wika nito sa kanya.  "Pasensya ka na ikaw ang naistorbo ko.  Nag-insist kasi si Uncle Alex." 

"Okay lang."  Inalalayan niya ang babae para sumakay dahil sa bitbit nitong mga folders.  Pagkatapos ay pinaandar niya ang sasakyan at tahimik na nagmaneho.

"Kumusta?"  tanong ni Laura

"Okay lang,"  nababagot niyang sagot bagama't pilit namang ngumiti.

"Ang sabi pala ni Dad ipinagkakasundo tayo?" 

"Hmmm... Yes.  Pero hindi ko naman siniseryoso dahil wala akong balak magpakasal."  Hindi niya na binanggit pa ang tungkol kay Ysabel.  Ikaw, wala ka bang boyfriend?" 

"Sa ngayon wala.  At hindi na siguro nararapat."

"Why?  So, pumapayag kang pakasal sa akin kahit hindi tayo nagkaroon man lang ng anumang pinagsamahan?" He smiled lazily, trying to be friendly to her.

"Bakit naman hindi?  Maganda ang maidudulot nun sa pamilya natin.  Maisasalba namin ang DGC kapag nag-invest si Dad."

Gusto niyang magmura sa sinabi nito dahil pakiramdam niya ay nagyabang itong ang pamilya nito ang sagot sa krisis nila sa kumpanya.  Mayaman man ang pamilya nito ay hindi nararapat na sabihin iyon, sa tingin niya.

"Nathan was a farmer before he became the new CEO, Laura.  Nakayanan niyang pamahalaan ang kompanya sa kabila ng wala siyang karanasan noon.  We trust him.  Darating din ang araw na makakaisip siya kung paano maiaahon ang kompanya sa pinagdadaanan nito ngayon.  We're just giving him some time."

"Matagal na ang financial crisis ng DGC, Liam, nakita ko na ang financial reports nito.  Kailangan nang magawan ng solusyon kundi lalo lang mababaon ang kompanya."

"Who gave you the financial report?!"  Napakunot ang noo niya at hindi naiwasang maglabas ng inis.  Hindi ito dapat lumalabas sa kamay ng ibang tao at nalalaman ng mga ang totoong kalagayan ng kompanya.

Dalawang bwan na siyang pumapasok sa DGC pero hindi siya naging interesado dito.  Maybe, now is the time to focus on it and help his cousin rebuilding it.  Hindi nila kailangan ng ibang tao.  Pagbalik niya mamaya ay kakausapin niya si Nathan.

"Ni-request ko sa Daddymo noong magsimula sila ni Dad na ma-usap about selling stocks.  Hindi mo kailangang magalit."  

"I'm sorry, Laura, pero hindi ako sang-ayon na nakikita nyo ang anumang papeles na may kinalaman sa kompanya gayong wala pa kayong share doon.  It's nothing personal.  We just want to keep confidentialities."

The Playboy and the SuperstarWhere stories live. Discover now