Gabi na nang makarating si Ysabel sa New York. As expected, pinagkaguluhan siya ng paparazzi; kaliwa't kanan ang camerang kinukuhanan siya. She smiled on every flash but refuse to give an interview.
"I'm sorry, Mommy. But I will never marry Flaviano. I will call--"
Galit ang sinalubong ng ina sa kanya. She slapped her on her face. Pero taas noo pa rin niyang hinarap si Candida.
"You ungrateful bitch!" sigaw nito sa kanya.
Tinanggal niya ang shades na suot at tinitigan ang ina. Ni hindi pa siya nakakaupo ay sinalubong na siya nito ng sampal. She wondered if she was even her mother.
"I am here to defend my name and withdraw whatever agreement you had with Flaviano, Mommy. I will never marry her even if you all kill me."
"Matapang ka na dahil may pera ka na? Sino ba ang naghirap para marating mo ang kinalalagyan mo ngayon?"
"With all due respect, Mommy, pinaghirapan ko kung anuman ang narating ko. Nagpuyat, nagtiis at nagtrabaho ako. Hindi ba't mas nakinabang kayo kaysa sa akin?"
"Natural lang, Ysabel! Kabayaran sa lahat ng paghihirap ko sa 'yo sa pagpapalaki kahit hindi kita anak!"
Tila kulog iyon sa pandinig ni Ysabel. Sandaling tumitig sa ina habang inaanalisa ang sinabi nito. Nang mapagtanto na hindi ito nagbibiro ay umupo siya sa sofa na tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya.
"That explains it. That was the reason I never felt any affection from you. You never hugged me, never kissed me. You didn't teach me how to love... "
"Yes, Ysabel. Hindi kita tunay na anak pero pinalaki kita at pinag-aral. Kaya utang mo ang buhay mo sa akin."
"W-where are my parents?" Hindi rin siya nagpakita ng anumang emosyon maliban sa pagkabigla kanina. Wala rin namang halaga kay Candida anumang sakit ang ipakita niya.
"Anak ka ng ama mo sa ibang babae. Nang magsama kami, akala ko hindi niya ako hihiwalayan kaya't kinupkop kita. Pero nakahanap siya ulit ng iba. Ang masakit iniwan ka niya sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang buhayin ka."
Kahit paano'y naawa siya kay Candida. Sinaktan ito ng tunay niyang ama. Maswerte pa nga siya dahil hindi naman siya pinagmalupitan. Maayos naman ang relasyon nila bilang manager-talent. Kung hindi lang ito nanghimasok sa buhay pag-ibig niya ay baka pumirma na siya ulit ng kontrata at hindi umuwi sa Pilipinas.
"Ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako sa pagkakataon na binigay niyo para mabuhay ako. Alam kong hindi naging madali ang buhayin ang isang batang magpapaalala ng isang bigong pag-ibig. At dahil wala namang pag-ibig na namamagitan sa ating dalawa, kakausapin ko ang abogado para mailipat ang ibang pag-aari ko sa pangalan niyo. Sapat naman iyon para mabuhay ka pa rin ng mariwasa kahit hindi na ako magtrabaho."
"Hindi mo magagawa yan, Ysabel. Nakahanda na ang mga kontrata mo na naghihintay na lang mapirmahan. At si Flaviano--"
"Enough, Candida. Ngayong hindi mo ako tunay na anak, lalo ka lang walang karapatang manduhan ang buhay ko. I will run my life the way I want it. Goodbye, Candida. My lawyer will call you soon."
Dala ulit ng maleta ay lumabas siya ng bahay. May mga paparazzi pa ring naghihintay pero hindi niya iyon ininda. Sooner or later ay hindi na iyon mahalaga. At hindi na rin siya mahalaga sa mga ito kapag wala na siya sa limelight. She will leave this place happily.
Nagpasalamat na rin siya kay Candida dahil kung hindi sa ina-inahan ay hindi siya uuwi sa Pilipinas at hindi magku-krus ang landas nila ni Liam. Napangiti siya nang maalala ang binata.
*****
Katatapos lang ng meeting nila Nathan, Liam, Sarah at Louise. Unti-unti ay gumaganda na ang tinatakbo ng kalagayan mg DGC. Nagkaayos at nagkabalikan nang muli si Nathan at Louise. He is happy for his cousin that he finally found his love again after six years of patiently and desperately waiting.
"How are you, bro?" Nathan asked.
"I don't know. I'm alive but not living, Nathan. Hanggang ngayon iniisip ko kung saan ako nagkamali."
Tinapik nito ang pinsan sa balikat.
"I hope you'll find her again. Suyurin mo ang buong New York."
"Nasasaktan lang ako kakaasa."
"Liam, I've waited six years. Can you imagine that? Pero walang kapantay ang saya na nararanasan ko ngayon. Ikaw, three months ka pa lang naghihintay nawawalan ka na nag pag-asa."
"I'm not lucky as you are, Nathan. I'll go ahead," pag-iwas niya sa usapan. Lumabas na siya sa opisina ng pinsan bago pa nito makita ang pagkislap ng luha sa gilid ng mata.
Umupo siya sa swivel chair at tinignan ang larawang nasa frame. Ginupit niya iyon mula sa isang magazine kung saan nag-endorso si Ysabel ng isang pabango. Parang pinipiga ang puso niya tuwing aalalahanin ang pinagsamahan nila. It's been three months since he saw her in Singapore. Nangako itong babalik ng San Nicholas pero ni isang tawag man lang ay hindi nito nagawa.
Days after he left Singapore, bumalik si Ysabel sa New York. Inabangan nya bawat press release nito. Halos lahat ng balita ay naroon si Ysabel, pinagkaguluhan ito ng media. Nabawi nito ang engagement na naunang in-announce ni Flaviano. Nabasa din niya ang mga bagong endorsements nito. And that was more than two months ago. Matapos niyon ay wala nang balita sa dalaga. Kahit isang article ay wala na.
Naghihintay pa rin siya. Umaasa pa rin siyang totoo ang ipinangako ni Ysabel na babalik ito sa kanya. Kahit walang kasiguraduhan ay naghahanda pa rin siya sa planong kasal nilang dalawa. Hindi siya susuko katulad nang hindi pagsuko ni Nathan noon sa pagbabalik ni Louise.
Pero ganoon pala 'yun kahirap. Bawat araw na lumilipas ay para siyang nauubusan ng pag-asa. Kung puwede lang na lumipad na siya sa New York at bitbitin ito pauwi sa Pilipinas. Pero kinakain siya ng insekyuridad na baka sabihin ni Ysabel na nagbago na ang isip nito at mas piniling mamalagi sa New York.
Hanggang kailan ako maghihintay, Ysabel? Para siyang luko-luko na kinakausap ang larawan nito. Minsan lang siya nakaranas umibig sa buong buhay niya pero ganito pa ang kinahinatnan.
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...