Maaga pa lang ay naroon na si Sarah sa condo niya kinabukasan. Umalis sandali si Liam para makasusap siya ni Sarah.
"Ano bang nangyari? Nakatakda na ang kasal niyo kaya nagulat na lang kaming lahat na hindi na pala matutuloy."
"I don't know Sarah. I was so hurt."
"Liam really loves you, maniwala ka, Ysabel. Sabado pa ng gabi nagsabi na siya kila Dad kaya naka schedule na ang kasal nyo ng martes sa isang Judge na kaibigan ni Dad. Yesterday, we went to shop because Liam wants to know your ring size."
Lalo siyang umiyak nang umiyak sa harap ni Sarah. Siguro nga ay totoong mahal siya ni Liam. Pero wala pa ring kasiguraduhan ang kinabukasan nilang dalawa dahil may problema pa siyang kakarahapin. Kailangan niyang ayusin ang problema niya kay Flaviano at sa Mama niya kung gusto niyang maiayos ang pagsasama nila ni Liam.
O siguro ay kailangan niyang lumayo sandali para malaman kung hanggang saan ang pag-ibig na sinasabi ni Liam. At kung gaano kalalim ang pag-ibig niya sa binata. Ngayon niya naintindihan ang gustong sabihin ni Nana Ising - hindi ganoon kadali ang pagpapakasal.
Nang makaalis si Sarah ay nilabas niya na ang maleta.
"You're unforgiving creature. You don't love me, do you? Ginawa mo lang akong dahilan para makatakas ka sa sitwasyon mo ngayon. But you never loved me," tila panunumbat ni Liam na hindi niya kayang harapin. Nang dumating ang tinawag niyang maghahatid sa kanya sa airport ay tuluyan na siyang nagpaalam kay Liam.
"I'm sorry, Liam. I really am."
Pumikit naman si Liam para itago ang sakit. Walang makakapigil kay Ysabel na umalis. Hindi siya sapat para manatili ito sa San Nicholas. Sadya ngang ginawa lang nitong pampalipas ng oras ang lugar nila para makahinga nang kaunti. But she didn't intend to stay.
There goes your love Liam... he said to himself.
-----
Nasa eroplano na si Ysabel ay ayaw pa din siyang lubayan ng sakit. Laging pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Liam. He loves her! Pero imbes na matuwa ay natakot siya. Natakot na hindi niya kayang tapatan ang pag-ibig ng binata. She doesn't know how to love. Candida taught her to control her emotions.
Babalik siya ng Singapore para makapag-isip. Kung mayroon mang naituro sa kanya ang San Nicholas ay ang pagiging matapang. Haharapin niya ang ina pagkatapos nito. At hindi rin siya papadala sa takot kay Flaviano. She has her own life, and she will run her life the way she wanted it. Tapos na ang pagmamanipula ng Mama niya sa kanya.
-----
Mabigat ang dibdib na bumalik si Liam sa bahay ng mga magulang. Wala ni isa man ang gustong magtanong. Alam nilang hindi niya naayos ang problema nila ni Ysabel. Nagkulong lang siya sa kwarto hanggang kinabukasan. Hindi na rin siya pumasok ng opisina.
Gabi na ay hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. Kinatok ng Daddy niya ang pinto ng silid, makalipas pa ang ilang minuto bago niya binuksan iyon.
"Anak, hindi kami natutuwa na nakikita kang ganyan. Though it's natural na kapag mahal mo ang isang tao labis kang masasaktan sa paghihiwalay niyo. Pero ayaw naming malugmok ka sa lungkot."
"She left already, Dad. At walang nagawa ang pag-ibig ko kahit isigaw ko man." Nakatanaw siya sa kadiliman ng gabi habang nasa balkonahe sila.
"Gusto kong magsisi na pinagkasundo ko kayo ni Laura para ipakasal. Pero naisip ko, kung hindi ka naman naglasing dahil dun ay hindi kayo magkikita sa bar, hindi ba? In one way or another it was destiny na magkita kayo."
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...