Nang makaalis siya kila Nana Ising ay naglakad-lakad muna siya sa dalampasigan. Mahigit nang dalawang buwan nang magpasya siyang mamalagi dito sa San Nicholas pero ngayon pa lang niya nalilibot ang ganda ng lugar. Napapalibutan ito ng dagat at sa bandang Puerto Galera ay ang white sand beach. Mas maganda ang buhangin doon pero mas tahimik ang parteng ito ng Mindoro. Mas pipiliin pa rin niya ang San Nicholas.
Alas tres na ng hapon at ang sikat ng araw ay hindi na masakit sa balat. Malamig na ang simoy ng hangin at marami na ulit bumabalik sa dagat para maligo na karamihan ay mga taga rito din.
Dumaan siya sa grocery bago umuwi. At dahil sa malapit na lang iyon sa condo ay nilakad na lang niya. Papasok na siya sa gate nang may makasabay siyang lalaki na halos kasing edad din niya. Naka headset at jogging pants na tila galing sa pagtakbo. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang paningin nila.
"Hi! Do you need help?" Napansin nito ang dalawang bag ng mga pinamili niya. Dahil may kabigatan dahil sa mga delata ay nabutas na ang isang recyclable bag. Inabot ng lalaki ang isa at binitbit.
"Thank you."
"No problem, anytime. Bago lang yata kita nakita dito,"
"Nagbakasyon lang ako. B-boyfriend ko actually ang may-ari ng condo."
"Oh I see..."
Inihatid siya nito hanggang sa pinto ng condo ni Liam. Nagulat siya nang pagbukas niya'y nakaupo sa sofa ang binata. Naningkit ang mga mata nito nang makitang inihatid siya ng isang lalaki.
"L-liam!" Napalingon siya sa kasamang lalaki na nagbitbit ng isang bag. Kinuha niya ito at nagpasalamat.
Si Liam ay lumabas at kinamayan ang lalaki bagamat salubong pa rin ang mga kilay. Nagpakilala naman ito bilang Matt na nakatira sa 8th floor ng building.
Pagpasok sa condo ay inilapag niya ang mga pinamili sa mesa at isa isang inilagay sa ibabaw ng kitchen cabinet. Si Liam ay nakapamaywang at nakatingin nang seryoso sa kanya.
"Who was that?" Nahimigan niya ang inis sa tinig nito.
"Nagpakilala sa 'yo hindi ba?" Tuloy tuloy pa din siya sa ginagawa at hindi pinapansin ang inis nito.
"Bakit mo siya kasama? Lagi ba kayong nagkikita?" Matiim ang tingin nito sa kanya nang lumingon siya.
"Nakasabay ko lang pagpasok ng gate kanina, nakita sigurong butas na ung bag kaya nagmagandang loob. I didn't even ask his name."
Hindi sumagot si Liam. Nang matapos siya'y ganun pa din ang itsura ng mukha nito.
"It's not as if we were together the whole day, Liam, don't make an issue out of it. I have my decency, I will never do that. At least not while I am living in your place." Nilagpasan niya ito at umupo siya sa sofa. Lumapit naman sa kanya si Liam at niyakap siya na parang isang bata.
"Nagseselos ako..." he admitted. He started kissing and biting her on her shoulder. Heat flowed over her body. Pero may mahalaga siyang dapat sabihin kay Liam.
"Galing ako kila Nana Ising..."
"And?"
"Flaviano is tracking me down. Nasa Pilipinas na ang mga naghahanap sa akin. Kinausap ko sila na baka umabot doon ang paghahanap, kailangan nilang paghandaan ng mga imbestigador o sinumang utusan ni Flaviano. Ayokong madamay sila sa galit ni Mommy."
"Then, we need to get married, Ysabel. As soon as possible."
"Madaming pagsubok na pinagdadaanan ang mag-asawa. Mabubuway kayong madali kung wala ang pagmamahal. Ano ang panghahawakan niyo sa isa't isa?"
YOU ARE READING
The Playboy and the Superstar
RomanceLiam Delgado. The playboy hunk who doesn't believe in commitment. Wala siyang babaeng sineryoso at ayaw niyang patali kahit kaninuman sa mga ito Ysabel Montes. The supermodel who doesn't believe in love. Para sa kanya ang pag-ibig ay para laman...