ALatA5A #27

119 11 0
                                    

Cleo's POV

Napakislot ako sa sakit nang maramdaman ko ang sakit sa kamay ko na nakatali sa may likuran ko. Sa sobrang iyak kasi na nagawa ko, nakatulog ako. Which is good dahil gusto kong magising kung paniginip lang ang lahat ng nangyayareng ito. Pero muli akong naiyak nang nandoon parin ako. Shit!

" You're awake " napalingon ako sa nagsalita at ganon nalang nag pagkakagulat ko nang makilala ko kung sino ito.

" Denver? " Gukat na ika ko nang tanggalin nito ang pagkakatakip ng mga mata ko. Kaya pala pamilyar saken ang boses niy bago ako nakatulog at nung makausap ko si Jake.

" Yes, My Darling "

" Ikaw ang kumidnap saken? Bakit? Sa anong dahilan? " Tumayo ito sa kinauupuan nito saka ako nito nilapitan. Hinawakan nito ang baba ko saka ako nito pinakatitigan ng matagal bago nagsalita.

" You changed. Dahil ba sa kanya? " Sabi nito na hindi man lang sinagot ni isa sa mga tanong ko.

" Sagutin mo ko, Denver! Ano ba! " Imbis na sumagot, bumalik ito sa kanyang kinauupuan saka nito muling nilaro ang kutsilyong hawak nito mula pa kanina.

" Bakit nung naging tayo never pumasok sa isip mo na baguhin ang sarili mo? " Nabigla naman ako sa kanyang sinabi " Bakit? Dahil mas gwapo saken ngayon ang bago mo? " Kinunutan ko siya ng noo

" Anong sinasabi mo? "

" Akala mo ba hindi ko alam. Umalis man ako sa university pero hindi ako nawalan ng balita sayo, Cleo " ano bang sinasabi niya?

" Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Denver "

" Hindi mo maintindihan o ayaw mo lang siyang mapahamak dahil alam mo kung anong kaya kong gawin sa kanya! " Bigla nitong inihagis sa may tapat ko ang hawak nitong kutsilyo kaya napasigaw ako sa sobrang takot na naramdaman ko. Mabilis na nagmalibis ang luha sa pisngi ko ng dahil don.

" D-denver... "

" Ano bang meron siya na wala ako, Cleo? " Sino ba kasi tinutukoy niya? Atsaka... Kelan naging kami? Sa pagkakaalala ko magkaibigan lang kaming dalawa non bago ito umalis ng university na wala man lang paalam.

" H-hindi k-o.... Ahh! " Napahiyaw ako sa gulat at sakit nang bigla nalang niya akong pangahan.

" Ano bang mali saken non bakit hindi moko makuhang magustuhan! Ginawa ko naman lahat para sayo noon. Pero bakit siya parin ang pinili mo imbis na ako. Ako na tanggap ka kahit hindi ka maganda! Tanggap ka kahit mahirap ka! Tanggap ka kahit hindi ka kagusto-gusto! Kaya sabihin mo! Sabihin mo kung anong wala ako na meron ang putang*nang Jake na yon! " Si Jake ang tinutukoy niya? Paano naman napasok si... Bigla ko naman naalala yung panahon na nag confess siya saken ng nararamdaman niya at si Jake ang idinahilan ko para tigilan niya na ako. Hindi naman sa ayoko siya noon, hindi ko lang talaga feel na aabot kami sa ganon. Oo mahal ko siya pero hanggang kaibigan lang. Ayoko masira friendship naming dalawa kaya hindi ko tinanggap ang gusto niya kahit sinabi niyang i try ko. Saka, mas priority ko talaga ang pag-aaral ko noon hanggang ngayon naman.

" Nagsinungaling ako non, Denver. Hindi ko siya gusto "

" Sinong niloko mo?! "

" Aahhh " hiyaw ko nang bigla niya akong sampalin. Sa sobrang lakas nito ay napabaling ang mukha ko sa gilid.

" Nakita kita! Nakita ko kayo! Naghahalikan kayong dalawa! Tapos sasabihin mo saking hindi mo siya gusto? Hindi ako tanga! " Muli naman niya akong sinampal. Wala naman akong nagawa kundi umiyak nalang " Magagago mo ang iba pero hindi ako, Cleo "

" B-bakit mo ba talaga ginagawa ito? ". Naiiyak kong tanong habang tinitiis ang hapdi sa magkabilang pisngi ko.

" Bakit nga ba? Ahh " muli itong bumalik sa kanyang kinauupuan " Nung una gusto ko lang gumanti sa pakikialam ng putang*nang yon sa ginagawa ko. Gusto ko lang siyang bigyan ng leksiyon. Pero ngayon, hindi ko lang siya basta-basta lulumpuhin. Papatayin ko narin siya dahil inagaw ka niya saken! "

ABatA5G#3 : Ang Lovely at Ang 5 Astig ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon