Mika's POV
Tumatakbo ako ngayon patungong clinic, nalaman ko kasi na nagka dismenoria si Aberry. Pupunta ako doon dahil kailangan niya ng tulong. Hindi naman sa ibig sabihin kasi na umalis na ako sa puder nila ay wala na akong pakialam sa kanila. Nakasama ko rin naman sila ng matagal, kaya kahit paano importante na sila saken.
" Mika, sandali! " napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang boses ni Xavier. Nilingon ko ito ng hingal na hingal.
" Bakit ka pa sumunod, Xavier? " pagtatanong ko sa kanya ng makarating na ito sa tapat ko.
" Hindi ba pwede? "
" Pwede naman, pero kasi baka kapag na laman ni Aberry na nakakasama na kita, baka maghinala iyon at magsabi kay Pussia " paalala ko sa kanya which is true, updated pa naman si Pusia kay Aberry, kaya mahirap na! Na baka nasa unang plano palang kami, bistado na. Atsaka---
" Ano naman ngayon? Bawal na ba magsama ang magkaaway noon? " napanguso akon sa sinabi niya, dahil halata namang hindi nito nakuha ang sinabi ko.
" Hayy! Lika na nga! " pagsasawalang bahala ko nalang, dahil baka kung mapaano na si Aberry kung makikipag-usap pa ako sa kanya.
" Ang bagal mo tumakbo! " napasinghap ako ng bigla niya akong higitin sa kamay at hawakan iyon. Habang tumatakbo ay sa mga kagkasalikop lang namin na kamay ako nakatingin.
Bakit ganito? Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nahahawakan ko ang kamay niya? Dala ba ito ng pagkagusto ko sa kanya o mahal ko na siya?. Ughh! Pero imposible naman na mahalin niya ako, dahil umpisa palang... Ayaw niya na sa mga katulad kong bully.
Nagbago man kasi ako, pero nagsimula parin ako sa pagiging bully, kaya kahit anong gawin kong pagbabago ay hindi na maiaalis sa paningin ng ibang tao na , naging bully ako .
" Aberry! " rinig kong tawag niya na ikinabalik ng huwisyo ko at pansin ko sa paligid. Nasa loob na pala kami ng clinic?.
" P-prince Xavier, " nauutal na sabi ni Aberry ng makita si Xavier sa harapan niya habang nanlalaki ang mga mata nito. Napalunok naman ako ng laway ko ng mailipat nito saken ang kanyang pansin pababa sa mga kamay namin ni Xavier na magkahawak kaya Mabilis kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Xavier sabay yuko " A-anong ginagawa niyo dito? At bakit magkahawak kayo ng kamay ? Princess! "
" Call her Mika, dahil ang Princess na kilala ninyo noon, ay wala na! " namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ginagawa niya? Hindi ba niya alam na makakasira sa Plano namin ang ginagawa niya?
" Anong wala na? Anong gusto mong iparating Prince Xavier? At bakit ba kayo magkasama? Princess sagutin mo nga ako! " pagalit nitong sabi na ikinakagat ko sa ibabang labi ko. Ganiyan inaakto niya kasi...
She like Xavier, at kaming dalawa lang ni Pusia ang nakakaalam. Pero hindi niya ipinapakita iyon at ang ipinapakita niya na gustong gusto niya ay si Vince, kahit hindi naman.
" Don't shout at her! Hindi siya bingi, kaya makakapagsalita ka ng hindi ka sumisigaw! At ano naman ngayon kung magkasama kami? Bawal ba? May batas ba? May mali ba? " hinigit ko sa laylayan na damit si Xavier para pahintuin ito, dahil baka masaktan niya si Aberry sa pananalita niya at baka kung mapaano pa siya. Nakakatakot kasi si Aberry kapag nasasaktan e, may ginagawa kasi siyang hindi maganda sa sarili niya.
Natatandaan ko pa nung una kaming magkakakilalang tatlo, Aberry commited suicide dahil hiniwalayan siya ng boyfriend niya, at buti nalang pumunta agad kami sa bahay nila kaya agad namin siyang naitakbo sa hospital ng makita na lamang namin siya ni Pusia na nakahiga sa sahig at may hiwa ito sa pulsuhan at duguan.
BINABASA MO ANG
ABatA5G#3 : Ang Lovely at Ang 5 Astig ( COMPLETED )
Fiksi Remaja[S][E][A][S][O][N][ 3 ] --> of AngBoyishatAng5Gwapo at LoveMeHoldMe Join our facebook Group :D Thankiee ~ https://www.facebook.com/groups/480016408816583/?ref=bookmarks