ALatA5A# 21

382 21 2
                                    

Averry's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko simula nang iwanan ako ni Vince at hinayaan ako kung anong gusto kong gawin sa sarili ko. Bakit parang... mas masakit ang naging pag-iwan niya saken kesa sa pagtalikod saken ng mga kaibigan ko na tinuring ko ng parang mga kapatid ko na?. Bakit ganon?

Kaya simula nang araw na iyon , ay hindi na ako nagbalak pa ng kahit na ano sa sarili ko at hindi narin ako nangbully ng mga ka schoolmates ko. Naisip ko kasi ang sinabi niyang iyon, tama siya, hindi lang ako ang nag-iisang tao sa mundo nang nakaranas ng pinagdadaanan kosa buhay ko ngayon. Hindi man sa magkakaparehong dahilan, pero pareho lang rin na napag-iiwanan.

Pero ang sinabi ni Vince ang nakakuha ng atensiyon ko sa lahat ng sinabi niya nung araw na iyon.

Iniwanan siya... Nino naman? ang isang tulad niyang gwapo na at mayaman pa ay iiwanan ng kung sino lang? aba! Ang kapal naman ng mukha ng babae na yun kung sino man iyon. Kung ako sa kanya, kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko na papakawalan ang isang tulad niya. Mukha man siyang mayabang at masungit sa kanyang panlabas na anyo, may kabaitan parin siyang taglay kahit paano.

Nakayuko ako ngayon na naglalakad sa may corridor patungo sa classroom na pinapasukan ko. Mukhang ang lahat ay naninibago na talaga sa mga ikinikilos ko. Sino ba'ng hindi? kung noon siguro ay kanina ko pa sila pinagbabato ng nanguyang bubblegum ko na habang naglalakad patungong calssroom, yeah that's me in the past pero hindi na ngayon. Nagbago na ako, at dahil sa kanya iyon. Wala sa sariling napangiti ako.

Isang lingo na siguro akong ganito. Dadaan lang ng tahimik sa harapan nila habang nakayuko.

" Anong nangyare sa kanya? hindi na yata siya nambubully ngayon? "

" Huli ka na ba sa balita gurl? "

" Balita na ano? "

" She's alone now. Wala na siyang mga kaibigan, kaya paano pa siya mangbubully kung siya nalang ang mag-isa ngayon? Hindi ba nga, malakas lang mangbully ang isang tao kung may mga kaibigan ito? "

" Kawawa naman pala siya "

" Don't pitty her, she deserves it after all. Karma na siguro niya iyan sa lahat nga mga ginawa niya sa atin noon "

" May dahilan kung bakit siya nagkaganiyan, dapat alam niyo iyan. May mas mga utak tayo pagdating diyan, kaya hayaan nalang naten siya "

Mas lalo akong napayuko sa mga naririnig ko sa kanila. Impit rin akong napahikbi. Ayokong makita nila akong umiiyak dahil lang sa mga sinasabi nila. I used to be strong infront of them. Ayokong maging mahina at maging kaawa-awa ngayon sa harapan nilang lahat. Ayoko, hindi ko kaya. Lalo na ngayon na wala sila.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mapahagulgol ng iyak. Napaupo pa ako sa sahig.

" Kawawang nilalang... "

" Tumahimik na nga kayo! Kita niyo nang nakakawa na yung tao eh "

" Nakakaawa? after all what she've done? oh, come on! "

" Hayaan niyo siyang maranasan lahat ng mga paghihirap na naranmasan natin mula sa kanya "

" Kumbaga sa nasusunog na kwarto, naiwan na siya doon sa loob at walang gustong sumagip sa kanya dahil sa sama ng pag-uugali niya "

" Tama na... Tama na! "

" Tama na? bakit? nung nagmamakaawa kami sa'yo at sinasabi sa'yong tama na, tumigil ka ba? naawa ka ba? hindi ba hindi! "

" Pasalamat ka, bunganga lang namin ang dumadapo sa'yo. Paano pa kaya kung ibinabalik namin sa'yo ang mga pinanggagagawa mo sa amin noon? ha? "

" Tama na... Ayoko na... "

" AVERRY! "

" HOY! MGA PUTA KAYO, ANONG GINAWA NIYO SA KANYA?! " nabuhay ang dugo ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Vince, nandito siya, nandito siya. Lumingon ako kung saan ko narinig ang tinig niya. Mabilis na tumayo ako at patakbong tinungo siya at niyakap ng mahigpit.

" Ayoko na dito, Vince, ayoko na " hagulgol ko sa kanya, ramdam ko naman na niyakap niya ako pabalik.

" Ave... " nabigla pa ako nang marinig ko ang boses ni Princess sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. She's looking at me... worriedly. Tumalikod ito saken " Ano? masaya na ba kayo? may sasabihin pa ba kayo? sabihin niyo na! Ngayon na! Ano! Mga putangina ninyo! " sigaw niya sa lahat na ikinaluha ko na naman.

" Princess... "

" I told you, she's Mika now, not Princess " napaangat ako ng tingin sa nagsalita, si Xavier iyon na wala naman saken ang tingin kundi na kay Pri-Mika na ngayon habang nakangiti.

" Ikaw na ang bahala rito, Xavier " rinig kong ika ni Vince na siyang ikinaangat ko ng tingin sa kanya, nakayakap parin siya saken. Ba't... galit yata siya? kasalanan ko na naman ba?

" I'm sorry " usal ko bigla na ikinababa ng tingin niya saken " I'm sorry for everything, Vince " marahan ko siyang itinulak kaya kusa niyang inialis ang mga kamay na nakayakap saken " Sorry kung nagulo na naman kita, huwag kang mag-alala, hindi na muling mangyayare ito, hindi na ako muling manggugulo pa "

" Anong sinasabi mo diyan? wala kang kasalanan rito "

" Pero nagulo na naman kita, " kinunutan niya ako lalo nang noo " Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo, lalo na ang pagpipigil saken na pagtangkaan ang sarili kong buhay. Hindi kita makakalimutan. Balang araw... makakabawi rin ako sa lahat ng maganda at mabuting nagawa mo para sa akin "

" Are you, leaving? Ave? " pinunasan ko muna ang luha ko bago ko nilingon si Mika.

" Kailangan... "

" Pero hindi mo kailangan gawin yan! Are you stilll mad at us? Ave, makakapagppaliwanag pa kaming dalawa sayo ni Pussia, hindi mo na kailangan gawin ang binabalak mong iyan "

" Kailangan eh... Pasensya na kayo "

" Ave.. "

" Pinapatawad ko narin naman kayo, huwag kayong mag-alala "

" Pero bakit? bakit kailangan mo pang umalis? hindi mo na kailangan gawin iyon! "

" I need to... I'm sorry "

" Pero, bakit? " humagulgol na siya ng iyak habang hindi inaalis saken ang kanyang mga mata. Mula naman sa likuran ay niyakap siya ni Xavier. Napangiti ako, ngumiti nalang rin ako sa tanong niyang iyon.

I need to find myself, my real me.

" Siguradpo ka na ba sa desisyon mo? " nilingon ko si Vince nang nakangiti, kahit bigat na bigat ang kalooban ko ngayon dahil sa nakikita kong reaksiyon niya sa mukha niya. Tumango ako.

" Oo naman "

" Saan ka naman pupunta? "

" Sa states, my Auntie wants me to go there to study "

" Are you fine with it? "

" Of course! Sila nalang ang meron ako, so I'm fine with it. Atleast hindi ko nararamdamang mag-isa ako "

" You are not alone " niyakap naman ako bigla ni Mika na ikinabigla ko pa " Nandito ako, nandiyan rin si Pussia para sa'yo, hindi ka namin iiwan "

" I'm here too.. " napangiti ako sa sinabing iyon ni Vince, nakangiti rin siya.

" Oy, huwag kalimutan ang gwapong ako, nandito rin ako " ika ni Xavier na inakbayan pa si Vince

" Don't go, please, Averry "

" I'm sorry, Mika. Babalik naman ako, pangako, babalikan ko kayo "

" Aasahan ko yan ah? " atsaka ako nito iniangatan ng tingin. Tawa-tawa ko namang pinunasan ang mukha niya na basa atsaka tumango.

" Pangako " muli naman siyang yumakap saken.

" Panghahawakan ko rin iyang sinabi mo... Maghihintay rin ako sa pagbabalik mo " wala sa oras na napalingon ako kay Vince nang sabihin niya iyon.

" Bah! May inlababo? "

***********

Pahabol ko lang. Salamaaaaaat...

ABatA5G#3 : Ang Lovely at Ang 5 Astig ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon