Violet's POV
Nagngingit at nanginginig ako nang dahil sa galit.
" AAAAAAHHHH!!! " Malakas na sigaw ang pinakawalan ko dahil sa bigat na ng nararamdaman ko.
Hindi ko lubos akalain na pati mga bata na siyang pinagkakatiwalaan ko ay lokokohin rin ako!
Ano bang ginawa kong masama sakanila at nagawa nila akong lokohin?
Natawa ako bigla nang pagak ng maalala ko kung gaano kadumi ang mga suot nila nung una ko silang makita at makilala.
Yung sigla sa mga mukha nila nang una ko silang pinasyal sa mall. Yung tuwang nakita ko nung pakainin ko sila sa isang fast food chain na gustong-gustong kainan ni Alexandra.
Lahat lang pala ng mga yon...
Palabas lang pala ang lahat.
Bwisit!
" Ate! " Nilingon ko ang 5 Astig na kadarating lang. Nakatingin ang mga ito saken nang may pag-aalala.
Si Vince agad lumapit saken saka ako nito niyakap.
" Nandito ako, Ate. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan, Ate " sabi nito habang hinahagod ang likod ko gamit ang kanyang palad.
Doon lang bumuhos ang luha ko nang sabay-sabay akong yakapin ng 5 Astig. Sakit man talaga sila sa ulo. Pero sila yung taong ayaw na ayaw kong mawala sa buhay ko.
Kasi sila lang yung taong alam kong makakaintindi saken. Yung taong alam kong hindi ako iiwan kahit anong mangyare. Mga taong alam kong hindi ako papabayaan lalo na sa ganitong sitwasiyon.
" Ate... Sinong dahilan nito? Sabihin mo samen at kami ang gugulpi! " Ika ni Jake na kahit may nakasubong lollipop sa kanyang bibig. Kitang kita parin dito sa nagngingitngit ito sa galit.
" Si Alejar ba? " Seryosong ika ni Kennedie pero hindi parin ako nagsalita. Tahimik na umalis ako sa harapan nila at nagtungo sa may beranda upang magpahangin.
" Tell us, Ate. Si Alejar ba?! " May diing tanong ni Vince. Hindi parin ko umimik " Sinasabi ko na nga ba! Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang taong yon. Humanda siya saken! " Akmang aalis na ito upang siguro puntahan si Alejar pero pinigilan siya ni Kennedie.
" Wag ka masiyadong magpadalos dalos ng kilos, Vince. Hindi naten alam ang buong pangyayare " Kennedie
" Kenn naririnig mo ba yang sinasabi mo? Si Ate Vio ang pinaguusapan dito! " Vince
" Pero--- "
" Ms Lovely! " Nagpantig ang tenga ko. Nabuhay muli ang galit na nararamdaman ko kanina.
At may mukha pa talaga siyang ihaharap saken ngayon?
" At ang lakas ng loob mong magpunta pa dito after what you've done to my Ate! " At sa bilis ng pangyayare. Nakita ko na lamang si hinayupak na nakatumba sa sahig. Sinuntok ito ni Vince na ngayon ay hawak na ni Jake at Xavier para hindi nito masugod si hinayupak " Bitawan niyoko! Ano ba! Papatayin ko ang lalaking iyan kaya pakawalan niyo ko! " Sigaw ni Vince habang nagpipilit kumawala dun sa dalawa.
Masamang-masam naman nag tingin ang ipinukaw ko kay Hinayupak. I clench my fist sign that I'm stoping my anger to burst out.
" What do you want? Hindi pa ba sapat ang ginawa niyong magkakapatid na panloloko saken kaya nandito ka na naman ha?! "
" Violet. Let me explain "
" Explain what? Another lies? Another act? " Hindi ito nakasagot. Tumalikod ako sa kanya saka ako tumanaw sa malayo " Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ko ng galit sa'yo " pinikit ko ang mga mata ko upang pakalmahin lalo ang pakiramdam ko nang may sumagi na naman sa isip ko. Diyahe. Sa dinami rami ng araw na pwede ko siyang makita ulit bakit ngayong may nalaman akong kasinungalingan ng ibang tao. Malas talaga siya sa buhay ko. Wala nang magandang nangyare sa buhay ko pag andiyan talaga siya sa paligid ko.
BINABASA MO ANG
ABatA5G#3 : Ang Lovely at Ang 5 Astig ( COMPLETED )
Fiksi Remaja[S][E][A][S][O][N][ 3 ] --> of AngBoyishatAng5Gwapo at LoveMeHoldMe Join our facebook Group :D Thankiee ~ https://www.facebook.com/groups/480016408816583/?ref=bookmarks