The Rules

152 19 2
                                    

The Classical Mythology Class

Hello! Welcome sa klase na tumatalakay sa mitolohiya ng sinaunang Griyego at Romano. Dito ay matututunan ninyo ang mga pangyayari sa likod ng sikat na mga karakter sa mundo ng mitolohiya. Asahan din na may makikilala kayong mga panibagong diyos, diyosa, demigods, mga "monsters" and of course, mga mortal.

Bago ang lahat, may mga rules na dapat alalahanin kapag nagbabasa ng mga lessons sa ating klase.

1. Bawal maingay. Nakaka-distract.

2. Mahalagang paalala: Since ang mythology ay nagpasalin-salin na kwento, asahan na may pagkakaiba sa alam mo at ang kinukwento ko.

Pwedeng iba ang sinasabi ni mareng Google sa mababasa mo dito, pero that doesn't mean na mali ka na o mali na ako. Again, may variations sa ibang pangyayari.

Halimbawa:
a. Sa ibang libro, ang spelling ng Uranus (lolo ni Zeus) ay Ouranus.
b. Sa ibang kwento, anak ni Zeus si Aphrodite. Pero sa iba, nabuo si Aphrodite nang itinapon ni Cronus ang genitals ni Uranus sa dagat.
See?

3. Just enjoy the lessons. Maganda ang laging may bagong natututunan.

Ready ka na ba sa unang lesson natin?

Ang aking reference sa mga lesson natin:

Classical Mythology na inimprenta ng Global Book Publishing

Mythology ni Edith Hamilton

Dictionary of Mythology ni Bergen Evans

*Lahat ng pictures ay galing kay mareng Google.

The 'Classical' Mythology Class (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon