Lesson 26

41 3 0
                                    

The Calydonian Boar Hunt

Naniniwala ang mga Greeks na present ang Fates everytime na may pinapanganak na sanggol. Noong pinanganak si Meleager, ang anak ni Ares kay Reyna Althaia ng Calydon, lumitaw ang tatlong Fates.

Si Clotho, ang pinakabata sa tatlo at ang gumagawa ng sinulid ng buhay ay nagsabi na magiging matapang at maraming magagawang kabutihan sa kapwa ang sanggol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Clotho, ang pinakabata sa tatlo at ang gumagawa ng sinulid ng buhay ay nagsabi na magiging matapang at maraming magagawang kabutihan sa kapwa ang sanggol. Ang dalagang si Lachesis, na humahabi ng tela ng buhay ay nakita na magiging sikat siyang hero. Habang ang pinakamatanda, si Atropos na pumuputol sa sinulid ng buhay ay tumingin sa piraso ng kahoy na nasusunog.

“Mabubuhay lamang ang bata kung maaabo ang kahoy na ‘yan,” sabi niya. Agad namang kinuha ni Althaia ang kahoy at tinago. Umaasa siyang walang sinuman ang makakakita ulit dito.

Lumaki si Meleager na hobby ang pangangaso. Isang araw, nagpadala si Artemis ng malaking baboy ramo sa Calydon kasi nakalimutan ni Haring Oineus na mag-alay sa kanya.

Walang sinuman ang naglakas loob na hulihin o patayin ang hayop. Kaya naisipan ni Meleager na tipunin lahat ng mangangaso sa Greece. Sumama rito sina Jason, Theseus (makikilala niyo siya sa susunod na kwento) at iba pang mga Argonauts. Gusto ring sumama ni Atalanta, isang babaeng mangangaso, pero ayaw ng karamihan sa kanila. Nagpumilit si Meleager na isali si Atalanta dahil na-love at first sight siya dito. Yiiee!

Mapunta naman tayo kay Atalanta. Noong pinanganak siya, nadismaya ang tatay niya dahil hindi siya lalaki. Pinag-utos nito na iwan siya sa pinakamalapit na bundok. Isang babaeng oso ang nag-alaga sa kanya hanggang sa kinupkop siya ng mga mangangaso. Lumaki siya na may talent sa pagtakbo at pinangako niya na pakakasal lang siya sa lalaking tatalo sa kanya. Kung hindi man sila magtagumpay, kamatayan ang magiging kapalit.

Walang time si Meleager na i-challenge si Atalanta sa takbuhan pero nag-ala breezy boi muna siya dito. Sinigurado niyang magkasama silang dalawa sa loob ng anim na araw ng pangha-hunting sa baboy ramo. Hanggang sa matiyempuhan nila ito. Pinana ito ni Atalanta habang ginilitan naman ito ni Meleager.

Masaya silang lahat na napatay nila ang hayop kaya nagkaroon ng malaking party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masaya silang lahat na napatay nila ang hayop kaya nagkaroon ng malaking party. Ibinigay ang ulo at balat kay Meleager kasi siya naman ang nakapatay pero binigay niya ito sa kras niyang si Atalanta. Maraming umalma sa ginawa niya hanggang sa nag-away-away na sila.

Sa sobrang init ng mga pagtatalo nila, napatay ni Meleager ang mga tiyuhin niya na kapatid ng nanay niyang si Althaia. Sa kasagsagan ng gulo, lumuhod siya at nagdasal kay Hades at Persephone na kailangan na nitong pumunta sa underworld. Pumunta siya sa kwarto niya at nilabas ang sunog na kahoy. Nilagay niya ito sa apoy. Unti-unting naramdaman ni Meleager ang init hanggang sa makarating ito sa puso niya. In an instant, nategi na siya.

----*
Pagkatapos ng masalimuot na pagtatapos ng Calydonian boar hunt, mas marami pang manliligaw ang nag-challenge kay Atalanta sa takbuhan pero lahat sila ay namamatay. Walang sinuman ang makatalo sa kanya.

Nagkagusto ang pinsan niyang si Melanion kay Atalanta at alam niyang hindi siya mananalo kung gagamitin niya lang ang skills. Kailangan niyang manalo sa pamamagitan ng utakan kaya nagdasal siya kay Aphrodite.
Imbyerna na rin si Aphrodite sa ginagawa ni Atalanta sa mga manliligaw niya. Kaya bumaba siya mismo galing sa Olympus at binigyan niya si Melanion ng tatlong gintong mansanas na hiningi niya pa kay Dionysus.

“Gamitin mo ng mabuti ang mga mansanas na ‘to,” sabi niya “at mapapasa’yo si Atalanta.”

Dumating ang araw ng contest nila at dala nga ni Melanion ang mga golden apples. Aasarin sana siya ni Atalanta pero nakita nito kung gaano kaganda ang mga dala nito. Naisip niya kung matatalo niya si Melanion, mapapasakanya rin ang mga ‘yon. Kaya naging pursigido siya na tumakbo ng mas mabilis.

Nagsimula na ang takbuhan at nauuna na si Atalanta. Tinapon ni Melanion ang mansanas palayo sa race track kaya hinabol ito ni Atalanta. N’ong nahahabol na ulit siya nito, tinapon ulit ni Melanion ang mansanas at hindi maiwasan ni Atalanta na sundan ito. Malapit nang matapos ang karera at nauuna na naman si Atalanta kaya tinapon ulit ni Melanion ang pangatlo at huling mansanas.

Hinabol at kinuha ulit ito ni Atalanta at nang makabalik siya sa race track, nasa finish line na si Melanion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinabol at kinuha ulit ito ni Atalanta at nang makabalik siya sa race track, nasa finish line na si Melanion. Kanyang-kanya na si Atalanta.
Hindi pa diyan nagtatapos ang kwento. Sa sobrang saya ni Melanion, nakalimutan niyang magpasalamat kay Aphrodite. Noong gabi ng honeymoon nila, ginawa silang leon ng diyosa. Ayon pa sa myth, hindi ito nagmi-mate sa isa’t-isa kung hindi sa mga leopards.


Moral of the story: Kung hindi madaan sa santong dasalan si kras, daanin sa santong utakan…katulad ng ginawa ni Melanion. ;)          

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 'Classical' Mythology Class (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon