Lesson 14

27 4 2
                                    

Here Comes Trouble: The House of Cadmus

Ngayong tapos na tayong alamin ang chika sa mga buhay ng gods at goddesses, mag-focus naman tayo sa mga mortal at kung paano naimpluwensiyahan ang buhay nila kapag sumisingit sa eksena ang mga diyos ng Olympus.

Sa bawat siyudad sa Greece, may mga founding leaders at ang mga angkan nila ang bumubuo sa mga royal houses. Akala niyo ba gano’n gan’on na lang ‘yon? Hindi! Usually, puno ng kamalasan at sobrang dark ng mga kwento dahil sa agawan nila sa kapangyarihan o dahil may mga na-offend silang mga gods.

Nababanggit ko na si Cadmus sa mga past lessons natin (hanapin niyo, ang makahanap may kiss sa’kin, char). Ngayon, sisimulan natin ang kwento sa mga ninuno niya.

Oh, review muna tayo. Naalala niyo pa ang pangalan ng priestess ni Hera na ginawang bebegirl ni Zeus? Hindi na? Pambihira naman oh! Ayan, kaka-Wattpad niyo ‘yan! Hahahaha.

Si Io! ‘Di ba nagkaroon sila ng anak ni Zeus, na ang pangalan ay Epaphos. Tapos itong si Epaphos, nag-asawa ang pangalan Memphis. Nagkaroon naman sila ng anak, ang pangalan Libya. ‘Etong si Libya, naging jowa si Poseidon. So nagkaroon sila ng kambal na anak, si Belus at si Agenor. Tapos ‘etong si Belus nagkaroon ng kambal na anak na lalaki, si Aegyptus at Danaus. Gets niyo ba?

Ngayon, si Belus merong dalawang kaharian ang Egypt at Libya. No’ng una ang plano niya, magpapalit-palitan sila ng pamumuno. Kunwari sa first year si Danaus tapos sunod si Aegyptus. Pero ayaw ng kambal ng ideya na ‘to. Malay ba nila kung may mandaya sa kanila?

No choice si Belus kung hindi ibigay ang Egypt kay Aegyptus at ang Libya kay Danaus. Nagkaroon sila ng kanya-kanyang pamilya. Si Aegyptus nagkaroon ng 50 na anak na lalaki samantalang si Danaus naman nagkaroon ng 50 na anak na babae. Panes, tibay!

Para matigil na ang away nila ni Danaus, naisip ni Aegyptus na ipakasal ang mga anak niyang lalaki sa mga anak na babae ni Danaus. Siyempre hindi pumayag ang mga anak ni Danaus. Ano sila, hilo? Kapag naging asawa nila ang mga anak ni Aegyptus, malilipat ang karapatan nila sa Libya sa mga anak nito. So, no way.

Nagkaro’n din ng suspetsa si Danaus na baka patayin ng mga anak ni Aegyptus ang mga anak niya. So nagtanong siya sa orakulo kung tama nga ang kutob niya. And it’s correct (insert Kris Aquino’s voice)!

Nagdasal si Danaus kay Athena kung anong dapat na gawin. Ano ba kasing laban nila sa 50 warriors? Sinabi sa kanila ni Athena na tumakas ng Libya at pumunta ng Argos.

Doon, nagmakaawa sila kay Haring Pelasgus na kung pwede iligtas sila sa mga anak ni Aegyptus. Ayaw sana silang tulungan ng hari pero nagbanta ang 50 daughters ni Danaus na magpapakamatay sila sa templo ng Argos.

Walang magawa si Haring Pelasgus kung hindi pumayag. Ayaw niyang magalit ang mga diyos sa kanya.

‘Eto na nga, dumating na ang 50 na anak ni Aegyptus. Ginulo nila ang siyudad ng Argos hanggang sa mawalan ito ng tubig. Mamamatay ang mga tao ng Argos kung hindi matutuloy ang kasal.

 Mamamatay ang mga tao ng Argos kung hindi matutuloy ang kasal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The 'Classical' Mythology Class (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon