The Beginning of the Mighty and His Labors
Kung ang Norse mythology ay may Thor at ang Phillipine mythology ay may Bernardo Carpio, hindi naman magpapahuli ang Greek myth. Alamin natin ang simula ng kwento Heracles at ang mga oh my golly gosh niyang mga labors.
Note: Since we’re talking about Greek myth, gamitin natin ang Greek name ni Hercules na Heracles.
----*
Namuno ang mga naging anak ni Perseus at Andromeda sa Mycenae, Tiryns at Midea sa Argos. Isa sa mga anak nila si Electryon na hari ng Mycenae. Nagkar’on ng threat sa pamumuno niya nang lumusob ang mga Taphian na nagnakaw sa mga alaga niyang baka at pumatay sa pito niyang anak.Enter the nephew of Electryon na si Amphitryon. Nakita niyang sound and safe ang mga alaga ng tiyuhin niya sa kapatagan ng Elis kaya binalik niya ito. Nang mag-demand siya ng reward sa ginawa niya, nagalit si Electryon.
Sa inis ni Amphitryon, binato niya ng stick ang isa sa mga baka pero tumama ito sa tiyuhin niya na agad naman nitong kinamatay. Pinalayas siya sa Argos at pinagbawalan na magkaroon ng sexy time sa kanyang asawa na si Alcmene na anak ni Electryon hanggat hindi niya naihihiganti ang mga pinsan niyang pinatay ng mga Taphian.
Naglakbay si Alcmene at Amphitryon sa Thebes kung saan hari si Creon. Doon, sumali siya sa warla against Taphians. Natalo niya ang mga ito kaya exempted na siya sa blood-guilt ng pagpatay sa uncle niya.
Naiwan sa Thebes ang asawa niyang si Alcmene na nag-aalala sa kanya. Natuwa siya nang makitang umuwi na ang asawa na ang daming kwento tungkol sa naganap na warla. The truth is, si Zeus talaga ang kasama niya na nag-anyong Amphitryon.
#WeFindWays That night, alam niyo na…and then nagkar’on sia ng anak.
The next night, umuwi na ang original na Amphitryon. And for the first time in forever, nag-loving loving sila at nagkaron si Alcmene ng isa pang anak. After nine months, nanganak siya ng kambal. Si Heracles na anak ni Zeus at si Iphicles na anak ni Amphitryon.Isang araw bago ipanganak si Heracles, pinagyayabang ni Zeus na isa sa mga apo ni Perseus ang mamumuno sa lahat ng magiging descendants niya (tinutukoy niya dito si Heracles). Imbyerna to the thousand power si Hera sa pambabae na naman ni Zeus at sa pagyayabang nito.
Kaya pumunta siya ng Argos kung saan nandoon si Haring Sthenelus na isa rin sa mga anak ni Perseus at ang buntis nitong asawa. Minadali niya ang panganganak nito kahit hindi pa nito due date at pinatagal ang labor ni Alcmene. In that way, ang prediction ni Zeus ay mapupunta kay little Eurytheus imbes na kay little Heracles.
----*
Baby pa lang si Heracles, bibo kid na talaga siya. One time, saglit na iniwan ni Alcmene ang kambal at noong bumalik siya nakita niyang may dalawang ahas na ready nang tumuklaw sa dalawa. Mabilis siyang tumakbo para protektahan ang dalawa pero nagulat siya nang kunin ni Hercules ang dalawang ahas at patayin. Ito ang unang beses na pinagtangkaang patayin ni Hera si Heracles.No’ng bata naman siya, nakita ng lahat na mainitin ang ulo niya. Nage-enjoy siyang matutunan ang pakikipaglaban pero nabubwisit siya kapag tinuturuan siyang magbasa at magsulat. ‘Yong teacher niyang si Linus? Ayun, hinampas niya ng upuan niya. Gan’on siya kalala.
Naisip ni Amphitryon na mas mabuti pa siguro kung magiging pastol na lang si Heracles ng mga tupa. Narinig niya sa umpukan ng mga pastol na may leon na umaatake sa mga tupa sa Mt. Cithaeron at Helicon. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang ating bida, kumuha siya ng sibat at puno ng olive na binunot niya sa lupa. And with no sweat, napatay niya ang leon. Ginamit niya ang balat at ulo nito bilang hoodie. Panes!
Nang magbinata naman siya, tinulungan niya si Haring Creon ng Thebes. That time, nasakop ng hari ng Orchomenus ang Thebes at nagbibigay sila ng buwis dito.
Nakasalubong ni Heracles ang mga nangongolekta ng buwis at nakipag-away sa mga ito. Nang matalo niya, tinapyas niya ang ilong at mga tenga nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/221562843-288-k356204.jpg)
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
De TodoThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.