The Aftermath of House of Oedipus
*insert Mel Tiangco’s soothing voice*
Noong nakaraan ay itinampok ng ating programa ang buhay ng isa sa mga hari ng Thebes na si Oedipus. Aminin natin, naging biktima lamang siya ng pagkakataon at hindi niya ginusto ang mga pangyayari sa buhay niya.
(harap sa Camera 2)
Ngayon naman ay aalamin natin ang mga pangyayari pagkatapos niyang bulagin ang sarili. Ano na kayang mangyayari sa mga anak niya at sa siyudad ng Thebes?
Hindi kaagad namatay si Haring Oedipus pagkatapos niyang umalis. Nabuhay siya ng napakaraming taon, pagala-gala sa iba’t-ibang siyudad.
Iba-iba rin ang trato sa kanya ng mga hari sa mga napupuntahan niya. May ibang pinagtatabuyan siya at may ibang naaawa sa kanya. Walang may gustong suwayin ang mga diyos sa pagkupkop sa makasalanang tulad niya.
Nang malapit na siyang mamatay, ipinatawag siya ni Apollo sa Athens na pinamumunuan noon ni Haring Theseus (take note of this name). Napunta siya sa Colonus, ang lugar na kinatatakutan ng mga tao dahil sanctuary ito ng mga Erinyes. Sa wakas, doon niya natagpuan ang kapayapaan ng kanyang puso.
Walang nakakaalam kung saan siya nakalibing. Pero ang sabi, naging protektado ang siyudad ng Athens dahil dito nakahimlay ang mga labi ni Oedipus.
----*
Muli, naging matahimik ang buhay sa Thebes under the rule of King Creon, ang kapatid ni Jocasta. Nang lumaki na sina Polyneice at Eteocles, pumayag silang magsalit-salitan ng pamumuno. Nauna muna si Polyneice tsaka niya binigay ang pamumuno kay Eteocles.Pero ‘etong damuhong si Eteocles nang malapit nang matapos ang pamumuno niya, pinalayas niya sa kaharian ang kapatid niya.
Nakahanap naman ng kakampi si Polyneice sa katauhan nina Tydeus ng Calydon at Haring Adrastus ng Argos.
Bumuo sila ng army na nagngangalang Argives na mayroong pitong commander para atakihin ang seven gates of Thebes.Pinayuhan ni Creon ang damuhong si Eteocles na imbes na magpadala ng army, pumili siya ng pitong pinakamagagaling na mandirigma para labanan ang bawat army na sumugod sa pitong gate.
Sa kasamaang palad, natalo ang anim sa pitong army na sumugod sa Thebes. Ginawa itong pagkakataon ni Eteocles para hamunin ang kapatid.
“Mga taga-Argos! ‘Wag na kayong makipagdigma sa labanang wala naman kayong mapapala. Hayaan niyong kaming dalawa ni Polyneice ang maglaban!”
At ayun nga, naglaban ang dalawang bebe boi. Tunog lang ng mga espada nila ang maririnig, *shing* *shing* *tsuk* *tsuk* *washing* *washing*
Nasaksak ni Eteocles si Polyneice sa tiyan at nasugatan naman siya nito. Sa huli, na-tegibumbumbels din silang dalawa.
----*
Dahil patay na ang dalawang tagapagmana ng trono, si Creon ulit ang naging hari. Ang una niyang utos bilang hari ay magkaroon ng marangal na libing ang damuhong si Eteocles habang hahayaan na maiwan sa labas ang katawan ni Polyneice para kainin ng mga mababangis na hayop.Ang pangalawa niyang utos ay papatayin ang sinumang magtatangka na ilibing si Polyneice.
With that, magsisimula na naman po mga kaibigan ang another round ng kaguluhan sa angkan ni Oedipus. Parang boxing match lang po, ano po, may round 1 at 2.
Magsisimula ang boxing match, este, ang kaguluhan sa dalawang anak na babae ni Oedipus. Si Ismene ay handang sumunod sa utos ng bagong hari sa kagustuhan niyang mamuhay ng tahimik. Samantala, si Antigone ay hindi gano’n kaya tumakas siya isang gabi para kahit symbolically, mailibing niya ang kapatid sa pamamagitan ng paglalagay ng lupa sa ibabaw ng bangkay nito.
Nagalit si Creon nang malaman niya na may nagtangka na ilibing si Polyneice. Pinaalis niya ang lupa sa katawan nito. Nagbanta siya na hindi magiging maganda ang kamatayan ng kung sino mang gumagawa nito.
Hindi pa rin natakot ang ating bida. Nang gabing ‘yon, tumakas ulit siya para lagyan ng lupa ang ibabw ng katawan ng kapatid. This time, nahuli na siya.
Dito na nawindang ng bongga si Creon. Bakit?
1. Hindi niya masisisi si Antigone kung gusto niyang ilibing ang kapatid para mapunta na ito sa underworld at hindi lalaboy-laboy ang kaluluwa nito;
2. Bilang hari, kailangan niyang tuparin ang sinabi niyang paparusahan ang sinumang sumaway sa kanya; at
3. Malapit nang ikasal si Antigone sa anak niyang si Haemon.
Hindi naman gano’n kalupit si Creon basta ba ready si Antigone na humingi ng tawad at mangakong hindi na uulitin ang ginawa niya. Pero wa epek ito sa kanya. Nagmatigas si Antigone.Napagod na si Haring Creon sa katigasan ng ulo ni Antigone kaya ipinautos niyang ilibing ng buhay si Antigone. Nagmakaawa si Haemon na baguhin ni Antigone ang isip niya pero mas matigas pa sa bato ang desisyon nito. Ang hindi alam ni Haring Creon, sumama si Haemon sa kulungan ni Antigone.
IMPORTANT NOTE: Sa Greek mythology, iniiwasan nilang makapatay tao sa takot na maparusahan ng mga diyos. Kung hindi man sila maparusahan, nandiyan ang mga Erinyes o Furies para bumulong sa kanila maghapon at magdamag ng ginawa nilang krimen.
Lumapit ang bulag na propetang si Tiresias kay Creon nang papunta na si Antigone sa burial ground nito. Binalaan siya nito na ang ginagawa niya ang magiging mitsa ng katapusan ng angkan niya.
Hindi naniwala si Creon no’ng una pero na-realize niya na baka totoo ang sinasabi ni Tiresias. Nagpadala siya ng utos na ‘wag nang ituloy ang parusa ni Antigone pero huli na ang lahat.
Nagbigti ito sa kulungan at kitang-kita ni Creon ang wala nang buhay na katawan ng anak niyang si Haemon. Nagpakamatay rin ang asawa niya nang malamang namatay ang anak nila.
At diyan nagtatapos ang bloodline ni Cadmus. Walang nakakaalam sa nangyari kay Ismene pero isa lang ang sigurado, kapag itinakda ano mang takas ang gawin mo mangyayari at mangyayari pa rin ito.
Ano-anong natutunan mo sa lesson na ito? I-sheyr mo naman!
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
RandomThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.