Lesson 24

28 4 0
                                    

The Start of Adventure

Hindi naging madali ang paglalakabay nila Jason. Nag-stop over muna sila sa isla ng Lemnos dahil may bagyo. Ang hindi nila alam, may secret ang island na ito.

Ang mga babae rito ay mga man-haters

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga babae rito ay mga man-haters. Long ago, ang mga lalaki sa Lemnos ay nangidnap ng mga babae na galing sa kabilang isla para magkaroon sila ng panibagong henerasyon. Na-badtrip ang mga Lemnian women kaya pinatay nila lahat ng mga lalaki sa isla kasama na ang mga kinidnap nila at ang mga anak nito.

Ang ultimate survivor lang ng madugong pangyayaring ito ay ang hari nilang si Thoas. Tinago siya ng anak niyang si Hypsipyle sa isang baul at pinaanod sa dagat. Matic na naging reyna siya ng Lemnos pagkatapos n’on.

Ayaw ng mga kababaihan na mag-stay doon ang mga Argonauts pero na-charm na ni Jason ang reyna nila. ‘Yong plano nilang mag-stay lang ng ilang araw ay naging taon. Kaya nagkaro’n ng kambal na anak si Jason kay Hysipyle na pinangalanan nilang Thoas at Euneus. Sinamantala na rin ng ibang mga babae ang pagkakataon na magparami.

Magsi-stay na sana ang mga Argonauts buong buhay nila sa Lemnos kung hindi lang sumugod si Heracles sa sa palasyo isang araw. Nainip na siya kababantay sa Argo kaya nag-demand na siyang ipagpatuloy na nila ang paglalakbay. Panes kayo sa duration ng patience ni Heracles, isang buong taon! Hahahaha.

Simula nga noon, hindi na pinaninirahan pa ng mga man-hating women ang isla ng Lemnos.

----*

Bago sila makapunta sa Mediterranean at Black Sea, binisita muna nila ang Arcton Peninsula. King Cyzicus warmly welcomed them pero may warning siyang binigay na ‘wag aakyat sa Mt. Dindymon.

Sabi nga nila, masarap ang bawal kaya umakyat pa rin sila ng bundok. Inatake sila ng mga higante na may anim na braso, mga anak ng diyosang si Gaia. Wala namang kahirap-hirap na napatay ito nila Heracles.

Pagkatapos no’n, bumalik na sila sa Argo para maglayag pero masama ang panahon kaya bumalik din sila sa pinanggalingan nila. Akala naman ni Cyzicus na inaatake sila ng mga kalaban kaya pinadala niya ang hukbo niya sa tabing-dagat.

N’ong dumating ang umaga, napatay nila ang hari kasama ang lahat ng sundalo nito. Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin sila makaalis. Nalaman nila na nagalit pala ang ancient mother na si Rhea kasi pinatay ni Haring Cyzicus ang leon na sagrado sa kanya at galit din siya sa mga Argonauts dahil pinatay naman nila ang mga higante sa bundok.

Ayon kay Mopsus, ang soothsayer ng mga Argonauts, need nilang mapahupa ang galit ng diyosa. Nag-carve si Argus, ang gumawa ng Argo, ng istatwa ni Rhea. Doon lang naging maayos ang panahon kaya nagpatuloy sila sa kanilang adventure.

----*

Sa next stop ng mga Argonauts, nawala ang ka-friends with benefits ni Heracles na si Hylas. Pumunta siya sa isang pond para kumuha ng tubig. Nakita ng mga naiads na nakatira doon na napakagwapo nito kaya lahat sila gusto siyang mahawakan at mahalikan. Hinila nila si Hylas hanggang sa malunod ito.

Nagtaka na si Heracles kung bakit napakatagal kumuha ni Hylas ng tubig. Hinanap siya ng mga Argonauts pero tanging nakita lang nila ay ang jug na dapat sana paglalagyan ng tubig ni Hylas.

Matindi ang ginawang paghahanap sa kanya ni Heracles pero ‘di niya pa rin ito makita. Hanggang sa iniwan na lang siya ng mga Argonauts para magpatuloy sa kanilang journey. Bumalik naman ng Thebes si Heracles para ipagpatuloy ang kanyang labors.

----*

Pagkatapos ng mahaba nilang paglalakbay, nagpahinga muna sila sa isla ng Bebrycus kung saan pinamumunuan ito ni Haring Amycus the feeling boxer. Lahat ng mga dayo na napupunta sa isla niya ay hinahamon niya ng boxing match. Halos lahat naman ay natatalo niya dahil siya ay may secret – may steel spikes na nakatago sa boxing gloves niya.

Pinadala naman ng mga Argonauts si Polydeuces dahil siya ang isa sa pinakamalakas. Alam niya ang sikreto ng hari pero hindi siya nagpaawat. Alam niyang mas mabilis siya kaysa sa matipunong hari.

At ayun nga mga kaibigan, wala pang isang minuto natapos na ang labanan. Ni hindi man lang nakasuntok si Haring Amycus kay Polydeuces. Sinuntok siya agad nito kaya nagkaro’n ng fracture ang bungo niya which lead to his death.
Sadlayp.

----*

Naglakbay ulit sila and this time they landed sa Thrace. Nakilala nila ang bulag na manghuhulang si Phineus. Napakahusay niyang soothsayer kaya pinarusahan siya ni Zeus na maging bulag at nagpadala pa ng mga Harpies para nakawin, kainin at babuyin ang kahit anong pagkain na meron si Phineus. Itong mga harpies na ‘to ay may ulo at katawan ng mga babae pero may pakpak at paa ng mga ibon.

Gutom na gutom na si Phineus kaya humingi siya ng tulong sa mga Argonauts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gutom na gutom na si Phineus kaya humingi siya ng tulong sa mga Argonauts. Si Calas at Zetes, anak ni Boreas, ang nag-offer na tulungan siya. Bilang anak ng diyos ng North wind, kaya nilang lumipad. After making sure na walang mao-offend na mga diyos, pinatay nila ang karamihan sa mga Harpies habang ang iba ay lumipad palayo and never to return.

Sobrang laki ng pasasalamat ni Phineus sa mga Argonauts kaya sinabi niya sa mga ito ang sikreto ng Symplegades na susunod nilang daraanan.

SYMPLEGADES
- ito ay mga dalawang malaking clashing rocks na matatagpuan bago mapunta ng Hellespont. Lagi itong naniningil ng isang buhay tuwing may magtatangkang dumaan doon. Kahit ang hari ng mga diyos na si Zeus ay ‘di nito pinapalampas. Everytime na uutusan ni Zeus ang mga kalapati niya na kumuha ng ambrosia, may isa sa mga ito ang namamatay kapag dumadaan sila ng Symplegades.

“Kahit ang Argo pa ang pinakamabilis na barko, hindi ito sasantuhin ng Symplegades. Ito kalapati,” Binigyan niya ng kalapati na nasa loob ng kulungan sina Jason. “Kapag malapit na kayo sa mga bato, paliparin niyo ang ibon na ito. Kapag nakadaan siya ng ligtas, isang magandang pangitain ‘yon. Gorabels na kayo. Pero kung mamatay naman ang ibon you have to go back kasi Luz Valdez na kayo.”

Kabado bente-dos sina Jason habang papalapit sila sa Symplegades

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabado bente-dos sina Jason habang papalapit sila sa Symplegades. Pinalipad na nila ang ibon at tanging ang dulo ng balahibo nito sa buntot ang naipit. Sumunod agad ang Argo at ang dulo lang rin nito ang naipit ng Symplagades. Ligtas silang nakadaan!
Simula nga noon, hindi na nag-clash pa ang Symplegades.


OK, OK! Go back to your proper places and bring out ½ crosswise. Bawal manghingi, may minus 20.

Oh, answer the following questions. 5 points each ang bawat tanong.

1. In 10 sentences, anong masasabi mo sa adventure ng mga Argonauts?

2. Kung magiging monster ka sa Greek mythology, sino ang gusto mong maging at bakit?

The 'Classical' Mythology Class (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon