Lesson 6

51 8 8
                                    

The Story of Forever

Sino bang hindi makakakilala kay Cupid? Siya ang laging bida tuwing Valentine’s Day, ang batang may mga pakpak na may bow and arrows. Sa kwento ni Apuleius, isang Roman writer, malayo si Cupid sa imaheng kilala natin.

Note: Since, Roman ang nagsulat ng kwentong itech, gagamitin natin ang Roman names ng mga gods and goddesses.

Pinakaayaw ng mga diyos ang mga aroganteng mortal na nagsasabing kapantay sila nito pagdating sa kakayahan o sa pisikal na kaanyuhan. Ito ang pagkakamali ng mga magulang ni Psyche. Sinabi nilang mas maganda ang anak kaysa sa diyosa ng kagandaha na si Venus.
Maraming namangha sa kagandahan ni Psyche at sinimulan nilang sambahin at ituring siyang diyosa. Imbyerna to the max si Venus dahil bukod sa kinukumpara sa kanya ang isang mortal, wala nang sumasamba sa kanya sa mga templo.

Pinakausapan niya ang anak na si Cupid na parusahan si Psyche. Kailangang mahulog ang loob nito sa pinakapangit na nilalang sa balat ng lupa at hind imaging masaya ang buhay may asawa niya.

Hindi naman masaya si Psyche na itinuturing siyang diyosa. Para saan pa ang ganda niya kung walang may gustong magpakasal sa kanya? Lahat ng mga kapatid niyang babae ay may kanya-kanya nang asawa samantalang siya, single forever pa rin.

Katagalan, nag-alala na ang ama ni Psyche kung bakit walang nagtatangkang manligaw sa kanya, kaya kumunsulta siya sa templo ni Apollo kung ano ang dapat gawin.
Nakakatakot ang naging sagot ng orakulo sa kanya. Ang magiging asawa raw ni Psyche ay isang mabangis na halimaw na kahit ang hari ng mga diyos na si Jupiter ay matatakot. Sinabi rin sa kanyang bihisan si Psyche ng damit pangkasal at iwan sa tuktok ng bundok.

Alam ng mga magulang ni Psyche na isang kaparusahan ito ni Venus at wala na silang ibang magawa para humingi ng tawad sa na-offend na diyosa. Hinatid nila ang anak sa bundok na puno ng kalungkutan.
Takot na hinintay ni Psyche ang asawang halimaw. Pero imbes na ito ang dumating, isang malumanay na hangin ang nagdala sa kanya sa ibaba ng bundok.

Doon niya nakita ang napakaenggrandeng palasyo na parang pag-aari ng isang diyos. Wala siyang makitang ibang tao pero may naririnig siyang mga boses at mga invisible na katulong na nagbibigay sa kanya ng pagkain. May mga nagpapatugtog rin ng mga plawta para sa kanya! Shala!

Wala namang sign na may monster in the house at natulog siyang iniisip kung sino ang kanyang loving husband. Sa kalagitnaan ng gabi, nagising siya kasi may tumabi sa kanya. Hindi ito isang halimaw pero isang tao pero hindi niya ito makita sa sobrang dilim.

Bago mag-umaga, umaalis na ang asawa niya at kapag gabing-gabi na tumatabi ito sa kanya. Na-realize niyang nai-inlove na siya sa taong hindi niya never niya pa nakikita. Opo, ganoon karupok si Psyche.
One night, binalaan siya ni Cupid na ‘wag papansinin ang mga kapatid niyang aakyat sa bundok para hanapin siya. Nagsimulang umiyak at tawagin ng mga kapatid niya si Psyche at pinakiusapan niyang ibaba ng hangin ang mga kapatid niya mula sa tuktok ng bundok.

Pagkakita ng mga kapatid niya sa palasyo at sa mga alahas na meron si Psyche, nagsimula silang maiingit. Kinabukasan, bumalik muli ang mahadera niyang mga kapatid na nagbabalak sirain ang pagsasama nilang mag-asawa.

“Ano bang hitsura niya?”

‘Yan ang tanong na hindi masagot ni Psyche at inamin niyang never niya pang nakita ang asawa.

“Isa siyang halimaw kaya wala siyang lakas ng loob na magpakita sa’yo. Ngayon, buntis ka at hinihintay lang niya na lumaki ang bata sa tiyan mo para kainin niya kayong dalawa.”
Naniwala si Psyche sa lahat ng pinagsasasabi ng mga echusera niyang kapatid. Binigyan siya nito ng lampara at kutsilyo para patayin ang asawa niya.

Tinago niya ang mga ito sa kama niya at hinintay ang asawa na makatulog. Sinindihan niya ang lampara para sa moment of truth at nakita niya ang pinakamakisig at pinakagwapong binata – si Cupid. Hindi nakapagpigil si Psyche na halikan ang asawa, kaya nasugatan siya ng isa sa mga arrow nito (hawak ni Cupid ang bow and arrow niya kapag natutulog). Ang sugat na natamo niya mula sa arrow ang magpapatunay na mamahalin niya si Cupid habambuhay.

The 'Classical' Mythology Class (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon