The Wrath of Zeus
Bukod sa ginawang kalokohan ni Prometheus sa mga Olympians, may iba pang pangyayari ang nagdulot kay Zeus para magalit ng sobra sa mga mortal. Sa Arcadia, may namumuno na ang pangalan ay Lycaon. Hindi siya naniniwala sa mga diyos at kadalasan na iniinsulto niya pa ang mga ito. To see is to believe, sabi nga at nagpasya si Zeus na personal na pumunta sa Arcadia para makita kung gaano kasama ang ugali ni Lycaon.
Nang mapunta na siya sa ninanais niyang lugar, sinabi niya sa mga mamamayan nito na siya ay isang diyos at sinimulan ng mga taong sambahin siya. Nalaman ito ni Lycaon, at sinabi niyang uto-uto ang mga tao. May naisip siyang wonderful plan para patunayang nagkakamali ang mga tao. First step ay ang patayin si Zeus habang natutulog ito.
Hindi lang ‘yon ang plano ni Lycaon, sa sobrang sama ng budhi niya kumuha siya ng bilanggo at pinatay ito tsaka personal na niluto. Cannibal lang ang peg. Sinerve niya ito kay Zeus kasama ng bagong lutong tinapay at wine.
Nalaman ito ni Zeus kaya ginamit niya ang kanyang thunderbolt para masira at masunog ang buong palasyo ni Lycaon. Nakaligtas siya at habang tumatakbo para manghingi ng tulong na-realize niya na hindi na siya isang tao kung hindi isang werewolf. Hindi siya nakaligtas sa ganti ng hari ng mga Olympians.
Dito na siya nag-decide na nararapat lang na mamatay ang buong sangkatauhan. Nag-alala naman ang ibang Olympians kasi wala nang sasamba sa kanila. Sinigurado naman ni Zeus na hahanap siya ng paraan para magkaroon ng panibagong race ng mga mortal na marunong rumespeto sa mga diyos.
Ready na siyang ibato ang kanyang thunderbolt sa isang pamilihan nang maalala niya ang propesiya na magwawakas ang mundo sa pamamagitan ng apoy. Tinawag niya ang south wind para magpaulan ng napakalakas. Hindi pa siya nakuntento, tinawag niya rin ang resbak ng kapatid niyang si Poseidon para tuluyang pabahain ang mundo. Nasira ang lahat ng templo at palasyo. Nawala na ang pananim. Karamihan sa mga mortal ay nasa mga barko pero namatay din dahil wala na silang makain.
Halos lahat ng mortal sa mundo ay patay na pwera kay Deucalion at Pyrrha. Si Deucalion ay anak ni Prometheus at si Pyrrha naman ay anak ni Epimetheus. Naisip ni Zeus na kung magkakaroon man ulit ng human race, silang dalawa ang best candidate para maging magulang ng panibagong salinlahi.
Unti-unting kumalma ang mga alon at nakita na ulit ang tuktok ng mga bundok. Ang pinakauna nilang ginawa nang tumuntong ulit sila sa lupa ay ang magpasalamat at humingi ng gabay sa mga diyos. Pinagmasdan din nila kung paano bumalik ang lahat sa dati, na parang walang nangyari.
Habang naglalakad, nakita nila ang templo ng diyosang si Themis. Binasa nila ang kanilang ulo at damit sa ilog ng Cephisus bilang paggalang sa diyosa. Nagdasal sila na tulungan sila ng diyosa na iligtas ang tuluyang pagkawala ng human race.
Hindi naman sila binigo ng diyosa. Sinabi nito sa kanila na kailangan nilang takpan ang kanilang mga ulo at luwagan ang kanilang mga damit kasabay ng pagtapon ng mga buto ng kanilang ina. Naguluhan silang dalawa at na-realize na hindi dapat i-interpret ng literal ang mga orakulo. Naisip nila na baka ang sinasabing buto ng kanilang ina ay mga bato na nasa paligid since itinuturing ng mga Griyego na si Gaia ang kanilang all mother.
Hindi man sigurado sa interpretation, ginawa pa rin nila ito. Sinimulan nilang maglakad palayo sa templo at maghagis ng mga bato. Lahat ng mga batong binabato ni Deucalion ay nagiging mga lalaki habang ang kay Pyrrha ay naging mga babae. Unti-unting lumaki ang mga bato at nagsimulang huminga. Kaya sinasabing matatag ang loob ng mga tao dahil nagmula sila sa mga bato. Dito na nagsimula ang panibagong salinlahi ng mga tao.
Nakakaloka pala magalit si Zeus! What do you think of this lesson? Vote/Comment na!
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
De TodoThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.