And Then There Was Dionysus
Nababanggit ko na sa mga naunang kwento ang pangalan ni Dionysus. Pero sino nga ba siya? At anong kwento ang meron tungkol sa kanya?
As usual, magsisimula ang kwento natin kay Zeus na naghahanap na naman ng panibagong bebe girl niya. Nahanap niya ito sa katauhan ng prinsesa ng Thebes, ang anak ni Cadmus na si Semele. Nag-disguise si Zeus bilang mortal para makapiling ang panibago niyang ka-fling.
At tulad ng alam nating lahat, hindi na naman nakatakas sa matalas na instinct ni Hera ang pambabae ni Zeus. Nagkunwari rin siyang matandang yaya ni Semele at sinabing ang jowabels niya ay tinatago lang ang tunay na katauhan.
Ginatunagn rin niya na kung totoong mahal siya ng lalaking ito, hindi dapat ito nagsisinungaling sa kanya at kailangan niyang ipakita ang tunay na katauhan nito sa kanya. Lalo pa at may anak na silang dalawa sa sinapupunan niya.
Nag gabing ‘yon, humiling si Semele ng regalo kay Zeus bilang patunay na mahal siya nito. Nangako naman si Zeus sa ilog ng Styx na ibibigay niya ang kahit na anong magustuhan ni Semele.
“Gusto kong makita ang tunay na katauhan mo,” ang sabi ni Semele.
Hindi pwedeng makita ng hamak na mortal ang totong katauhan ng mga Olympians kaya sinubukan ni Zeus na baguhin ang isip ni Semele. Pero ayaw niya talaga.Walang magawa si Zeus kung hindi gawin ang gusto niya. In an instant, naging abo si Semele. Buti na lang at naka-standby si Hermes na sinalo ang baby galing sa sinapupunan nito.
Hangga’t hindi pa kumpleto sa buwan ang anak nila ni Semele, nilagay muna ni Zeus sa binti niya ang baby nila. Makalipas ang tatlong buwan, tinulungan din siya ni Hermes na ilabas ang anak niya. Kaya kilala si Dionysus bilang twice born god. Galeng!
Oooops! Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat. Imbiyerna pa rin si Hera sa baby kaya inutusan niya ang mga Titans para kunin at patayin ito. Pinira-piraso nila ang katawan nito at pinakuluan sa malaking kawa. Napansin ito ni Rhea kaya tinipon niya ang mga natirang laman para manuhay ulit si Dionysus.
Opo, mga kaibigan, kahit na ganoon ang nangyari nabuhay pa rin si Dionysus. Amazing!
Para hindi na maulit pa ang nangyari, ginawang baby goat ni Hermes si Dionysus at pinaalagaan sa mga nimfa ng Mount Nysa. Bilang pasasalamat, ginawang bituin ni Zeus ang mga nimfa bilang ang constellation na Hyades.
Nang medyo malaki na si Dionysus, bumalik ulit siya sa dati. Pinag-eksperimentuhan niya ang mga tumutubong ubas sa Mount Nysa hanggang sa naimbento niya na ang wine.
Daig pa ni Dionysus si Dora sa paggagala. Hindi siya napipirmi sa isang lugar. Palagi niyang kasa-kasama ang mga satyr at ang bff niyang palaging lasing na si Silenus na anak ni Hermes. Siya ang pinakamatanda sa mga satyr at nangingibabaw ang hitsura niya dahil kalbo siya at may malaking tiyan.
Bukod sa mga satyr, kasama rin ni Dionysus ang mga Maenads (‘yong mga pumatay kay Orpheus). Grupo sila ng mga babae na iniwanan ang buhay nila para sumunod sa mga paglalakbay ni Dionysus.Naglakbay sila sa Egypt, Africa at Libya. Nakaabot rin sila sa India! Kahit saan sila magpunta, tinuturo ni Dionysus ang paraan ng paggawa ng wine. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, welcome sila sa bawat siyudad na pupuntahan nila.
Isa na rito ang hari ng Thrace na si Lycurgus. Pinadala niya ang hukbo niya para pigilan ang pagdating nila. Nahuli niya ang lahat maliban kay Dionysus na nakatalon agad sa dagat.
To the rescue ang lola ni Dionysus na si Rhea. Ginawa niyang baliw si Lycurgus. Sa hallucination niya, nagpuputol daw siya ng grapevine.Ang hindi niya alam, anak na pala niyang si Dryas ang pinapatay niya. Sa isip niya, pinuputol niya ang grapevine pero ang totoo, china-chop chop na niya ang anak niya.
Hindi kinaya ng mga Olympians ang nangyayari kaya sinumpa nila ang kaharian ng Thrace. Walang tutubo roong kahit na ano hangga’t hindi napaparusahan ang kriminal. Ayaw namang patayin ng mga tao si Lycurgus kaya iniwan nila ito sa bundok para patayin ng mga ligaw na kabayo.
Hindi naman naniwala ang hari ng Thebes na si Pentheus na isang diyos si Dionysus. Kahit pa sabihing pamangkin siya ng nanay nitong si Semele, hindi pa rin siya naniniwalang mayroon itong anak na diyos. Naniniwala kasi siyang nage-exist na ang mga Olympians bago pa man magkaroon ng mga tao sa mundo.
Kahit pa sinabi ni bulag na manghuhulang si Tiresias na nagsasabi ng totoo si Dionysus, para kay Pentheus impostor ito. Kahit na gumawa ng lindol si Dionysus, matibay pa rin siya at hindi naniniwala na isa nga siya sa diyos.
Desidido si Dionysus na kilalanin siya bilang diyos sa hometown ng kanyang nanay kaya inutakan niya ang hari. Sinabi niya ritong isa ngang malaking kahihiyan na sumama ang nanay niya (ni Pentheus) na si Agave at ang mga kababaihan ng Thebes sa mga Maenads.
“Kaya kung ako sa’yo, tingnan mo kung ano ang ginagawa nila sa kabundukan. Bilang hari, ayaw mo namang maging kahiya-hiya dahil sa mga ginagawa ng nasasakupan mo, ‘di ba?”
Napaniwala niya agad si Pentheus. Binihisan niya ito bilang babae dahil ayaw ng mga Maenads na may nang-iistorbo sa kanilang mga lalaki.
Kinagabihan, pumunta na agad siya sa bundok para makiusyoso kung ano ba ang mga ginagawa ng nanay niya at ng mga Maenads.
Ang hindi alam ni Pentheus, under hallucination ang mga babae na para bang nakainom na naka-shabu. Nakita ng mga ito si Pentheus na paakyat ng bundok at sa ringin nila, isa itong mountain lion.
Dahil nga nasa impluwensiya ni Dionysus, fearless silang lahat. Hinawakan nila si Pentheus at pinira-piraso ang katawan nito. Sa paningin nila, pumapatay sila ng wild animal.
Lumapit ang nanay ni Pentheus na si Agave at tinanggal ang ulo ng anak. Siya pa ang nag-lead ng martsa pabalik sa Thebes para maipakita sa mga kalalakihan na kaya rin nilang pumatay ng mabangis na hayop.
Inalis ni Dionysus ang hallucinations nila nang makatapak sila sa palasyo kaya gan’on na lang ang hiyaw ni Agave nang makitang hindi ulo ng leon ang hawak niya kung hindi ang pugot na ulo ng anak niya.
Ikaw, naniniwala ka bang isang diyos si Dionysus?
Ang lesson sa kwentong 'to? Shabu paaaa!
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
AcakThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.