Godessess' Tales
Ang Greek myths ay hindi lang umiikot sa mga gods o sa mga matatapang na heroes, may fair share rin ng kwento ang mga diyosa pati na rin ang mga strong woman dito.
Athena at si Arachne
Hate na hate ng mga Olympians ang kayabangan sa part ng mga mortal. Lalo na kung ikinukumpara nila ang sarili nila sa galing ng mga ito.Estudyante ni Athena si Arachne sa paghahabi. No’ng una, natutuwa siya sa angking galing ni Arachne pero turn off ang diyosa niyo nang marinig niyang sinabi ni Arachne na mas magaling siya kaysa kay Athena.
To confirm, nag-disguise si Athena bilang matandang babae at pumunta sa bahay ni Arachne. Pinagkwento niya ito tungkol sa paghahabi para makita kung hanggang saan ang kayabangan nito.Hindi makapaniwala si Athena nang marinig niya mismo sa bibig ni Arachne na tinuruan niya ang sarili niya sa mga tricks sa paghahabi. Mas hindi kinaya ni Athena nang sinabi rin niyang kaya niyang labanan ang diyosa sa competition ng paghahabi.
G na G na si Athena kaya ni-reveal niya na ang kanyang tunay na pagkatao. Pero attitude si Arachne girl at hindi siya humingi ng patawad kay Athena. Umupo siya at nagsimulang maghabi.
Hindi nagpatalo si Athena. Nagsimula rin niyang ihabi ang kwento ng kumpetisyon nila ni Poseidon kung sino ang magiging diyos ng isang lungsod na wala pang pangalan. Sa tela, ipinakita ni Athena ang pagtitipon-tipon ng mga tao sa gitna ng lungsod para makita kung ano ang maibibigay ng mga diyos sa kanila para malaman kung kanino boboto.
Ibinigay ni Athena ang pinakaunang olive tree habang ang ibinigay naman ni Poseidon ay isang bukal (spring). Namangha lahat ng lalaki sa ginawa ni Apollo habang ang mga babae naman ay natuwa sa ibinigay ni Athena.Sa hinabi ni Athena, mas lamang ng isa ang mga babae kaya malinaw na siya ang nanalo sa labanan. Siya ang naging patron goddess ng lungsod na pinangalanang Athens.
Mas lalong na-challenge si Arachne sa ipinakita ni Athena at hindi na-gets ang ipinararating na mensahe ng hinabi ng diyosa. Walang makakatalo sa kanya, ito ang gusto niyang iparating pero attitude talaga si Arachne. Hinabi niya ang mga kwento ng panloloko ng mga diyos sa mga mortal at lahat ng kalokohan na ginagawa ng mga ito sa mga tao.
Nang matapos ang kanilang gawa, nahirapan ang mga tao kung kanino ang pinakamaganda. Nagalit naman si Athena sa hinabi ni Arachne at sinira niya ang gawa nito. Napahiya si Arachne kaya nagtangka siyang magpakamatay.“Sige, magbigti ka kahit ilang beses mo gusto!” Galit na sigaw ni Athena. “Pero hindi ka mamamatay o kahit ang mga anak ng magiging anak mo. Magdurusa ka sa kayabangan mo!”
Hinampas niya si Arachne at unti-unting lumiit ang katawan nito. Naging walo ang paa nito at siya ang naging pinakaunang gagamba.
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
RandomThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.