You Are The Music In Me
HERMES.
Bago pa maging pangalan ito ng bag na mapapasanla ka ng kaluluwa bago makabili, siya muna ang kilalang mensahero ng mga diyos. Y’know, when they don’t know what to do, who do you wanna call? Hermes!
Katulad ng ibang anak ni Zeus, bunga rin si Hermes ng kaharutan niya. Anak siya ng nimfang si Maia. Siya ang patron ng commerce (ng nagbebenta at mamimili), ng mga magnanakaw, at mga dinadaanan ng mga manlalakbay. Parehas din sila ni Athena na kinalulugdan ang mga mortal.
At three months old, lakwatsero na talaga ‘tong si Hermes. Biruin mo, nakarating siya sa burol? Doon niya nakita ang mga baka na inaalagaan ni Apollo. Pagkakita niya sa mga ito, gusto niya itong makuha kaya nag-isip siya ng paraan para nakawin ito (siguro ito ang dahilan kaya patron din siya ng mga magna).
Napansin niya na ang mga paa ng mga baka ay nag-iiwan ng bakas kung saan sila pupunta. Gumawa siya ng sapatos ng baka na magtuturo ng maling direksyon sa kung sino man ang susunod dito.
Nag-panic si Apollo nang makitang nawawala ang mga baka niya. Kahit sumakay siya ng kanyang chariot, hindi niya makita kung saan ito nagpunta. Out of desperation, magbibigay siya ng pabuya sa kung sino man ang makahanap sa mga ito.
Na-engganyo ang mga satyr (kalahating tao at kalahating kambing) sa pabuya kaya #ChallengeAccepted sila. Nakaabot ang paghahanap nila sa Arcadia, kung saan may narinig silang kaaya-ayang tunog sa loob ng isang kweba. Ito ang unang music sa mundo.
Nakita ng mga satyr na may nakabilad na balat ng baka sa labas ng kweba. Sinabi nila ito agad kay Apollo. Galit na sumugod si Apollo para parusahan sana ang magnanakaw pero namangha siya sa naimbento ni Hermes na bagong instument. Ito ang kauna-unahang lyre na gawa sa shell ng pagong at sa laman-loob ng mga baka.
Tinugtog ito ni baby Hermes na may kantang dedicated pa sa kanyang loving brother. Natuwa si Apollo sa kauna-unahang lyre kaya ibinigay niya na ang mga baka kay Hermes.
Hindi lang si Hermes ang gifted child pagdating sa pag-iimbento ng mga musical instruments. Si Athena ang nakaimbento ng plawta pero pinagtatawanan siya ng ibang mga diyos kapag pinapatugtog niya ito. Nadi-distort ang mukha niya sa pag-ihip dito kaya itinapon niya ito.
Napulot naman ito ng satyr na nagngangalang Marsyas at nag-practice siya kung paano ito tugtugin. Naging mayabang siya sa kanyang skills at nagkaroon ng lakas ng loob na makipag-compete kay Apollo.
Aba siyempre pumayag an gating Apollo boi. Ang mga punong hurado ay ang siyam na muse. Nagsimula na silang magpaligsahan pero natalo si Marsyas. Pinarusahan siya ng kamatayan ni Apollo sa pagiging palalo niya.
---*
Music can save you. Pero sa myth na ito, literal na sinalba ng musika ang anak ni Poseidon sa nimfang Oneaia na si Arion.Bet na bet ng hari ng Corinth na si Periander ang pagtugtog ni Arion ng lyre. Sabayan pa na meron itong golden voice. One time, pumunta siya sa Sicily para sumali ng musical competition.
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
RandomThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.