The badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians.
Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Twelfth Labor
Akala ni Eurytheus magiging katapusan na ni Heracles ang panglabing-isang utos niya. Kumpiyansa siya na magaglit si Hera sa pagnanakaw nito ng gintong mansana pero hindi ito nangyari Kinakailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para mailigpit na niya si Heracles.
Suddenly, nagkaroon siya ng very bright idea. Ni-request niya kay Heracles na dalhin ang asong may tatlong ulo na si Cerberus sa Mycenae. Tuwang-tuwa si Eurytheus sa idea niya. Kung si Persephone nga pahirapan pang makapunta ulit sa mundo ng mga mortal galing sa underworld, si Heracles pa kaya?
Takot na takot ang lahat kay Heracles nang tumapak siya sa underworld. Si Charon na kilalang hindi basta-basta nagpapasakay sa bangka niya, super afraid sa lakas ng ating bida. Nang makita siya ni Cerberus, tumakbo ito kaagad sa amo nitong si Hades.
Sinundan siya ni Heracles at nakita niya si Hades at Persephone sa mga trono nito. Bilang half-sister gusto siyang tulungan ni Persephone and at the same time, mapalayas na kaagad si Heracles sa underworld.
Sinabi ni Persephone na pwede niyang dalhin si Cerberus sa Mycenae kung hindi siya gagamit ng kahit anong sandata – kamay lang. Hindi na nakapalag si Cerberus sa lakas ni Heracles.
Shokot ang lolo mong si Eurystheus nang makita si Heracles na dala-dala si Cerberus. Once acknowledged na tapos na ang 12 labors, dali-daling tumakbo na si Cerberus sa kadiliman ng underworld.
----*
Heracles may be a hero pero may pagka-bad boy siya at lapitin ng gulo. Nang pumunta siya sa underworld, akala ng lahat na patay na siya at hindi na makakabalik. Kaya si Lycus, anak ni Poseidon ay pinatay si Haring Creon at inagaw ang trono. Kinulong din niya ang step-father niyang si Amphitryon at ang asawa niyang si Megara.
Paparusahan na sana ni Lycus ang pamilya ni Heracles, but just in time bumalik na siya sa Thebes at nakita niya ang kalupitan ng bagong hari sa pamilya niya. Pinana niya ang mga die hard supporters ni Lycus at sinibat naman ang mga hindi natamaan ng pana niya.
It’s a good opportunity for Hera! Binigyan niya ng hallucination si Heracles na ang mga anak niyang nakayakap sa kanya ay anak ng kaaway kaya pinagpapatay niya ang mga ito kasama na ang asawa niyang si Megara. Then, nakatulog siya ng mahimbing.
Pagkagising niya, hindi na niya maalala ang mga pinagagagawa niya. Gano’n na lang ang palahaw niya nang maalala kung anong ginawa niya sa sarili niyang pamilya.
Dito na naligaw ng landas si Heracles. Char! Naging mas bayolente na siya at panay ang gawa ng mga kalokohan. Pumunta siya ng Oichalia para sumali sa archery competition at ang premyo ay ang mismong anak ni Haring Eurytus, si Iole. Nanalo si Heracles pero hindi binigay ng hari sa kanya ang premyo. Nagwala siya at pinatay ang dalawang anak na lalaki ng hari at pinilit ang haring ipakasal sa kanya ang anak nito.