The badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians.
Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.
Hello, mga readers! Nandito na naman ang inyong lingkod para magkwento sa inyo ng mga kakatwang myth ng mga Griyego. Handa na ba kayo?
*applause*
----*
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
King Midas and the Golden Touch
Kung matatandaan niyo, ang mga satyr ay mga nilalang na kalahating tao at kalahating kambing. Kilala sila bilang mga lasinggero at mga manyakol lalo na kapag sobra ang nainom. Tropapips sila ni Dionysus, ang diyos ng alak.
Isang araw, ang bff na satyr ni Dionysus na si Silenus ay nakainom ng marami, as usual. Nakita siya ng mga taga-Phrygia at nilagyan ng kadenang gawa sa mga bulaklak at dinala sa hari nilang si Midas.
Nakilala agad ng hari si Silenus kaya nagpa-piyesta siya. Binalik niya ulit ang lasing na lasing na satyr kay Dionysus. Bilang pabuya sa ginawa niyang kabutihan, tinanong siya nito kung ano ang gusto niya.
"Gusto kong maging ginto ang lahat ng mahahawakan ko!"
"Are you sure?" tanong ni Dionysus.
"Yes, sure na sure!"
Nang makauwi na si Midas, tinesting niya kung natupad ang hiling niya. Habang pa-stroll stroll sa garden, hinawakan niya ang isang bulaklak. Naging ginto! Gano'n din ang nangyari nang hawakan niya ang mga bato, mga puno, pati ang kanyang palasyo.
Tuwang-tuwa niyang pinagmasdan ang paligid niya. Pakiramdam niya, hari na talaga siya ngayong kaya na niyang gawing ginto ang lahat ng mahawakan niya.
Nagkaroon lang siya ng problema nang kakain na siya. Nang hawakan niya ang tinapay, naging solid gold ito. Iinom sana siya ng wine pero naging molten gold ito nang inumin niya.
#Sadlayp ang naging peg niya nang gabing iyon. Ni hindi man lang niya mahawakan ang asawa niya at mga anak. Narealize niya na hindi pala maganda ang hiniling niya.
Nagdasal siya ng taimtim kay Dionysus at buong pagpapakumbaba na sinabing nagkamali siya sa naging desisyon. Sinabihan siya nito na maligo sa ilog ng Pactolus para mawala ang kapangyarihan niya.
Nawala nga ito at simula noon, may makikita na raw mga speck ng ginto sa ilog na ito.
Akala niyo ba dito na nagtatapos ang kwento ni Midas? Noooo!
Nagkaroon ng kompetisyon si Pan at Apollo kung sino ang mas magaling na musician. Mas magaling naman talaga si Apollo, pero hindi sumang-ayon si Midas. Sinabi niyang mas maganda ang pagkakatugtog ni Pan sa kanyang mga pipes.
Nainis si Apollo boi sa desisyon ni Midas kaya pinalitan niya ng tenga ng buriko (batang kabayo) ang tenga nito. Hiyang-hiya siya kaya madalas siyang nagsusuot ng malalaking sombrero maitago lamang ang kanyang maitim na sikreto.
Isa lang ang nakakaalam ng sikreto ni Midas - ang barbero niya. Pinagbantaan niya ito para manatiling secret ang pagkakaroon niya ng kakaibang tenga.