La Vendetta
Walang nakakaalam sa totoong pangalan ng anak ni Poseidon at ni Eurynome. Kilala lang siya sa alyas na Bellerophon na ang ibig sabihin ay “Slayer of Belleros.” Sabi sa mga chika, may pinatay daw siyang lalaking taga- Corinth at naghahanap siya ng mapagtataguan. Napadpad siya sa Tiryns na pinamumunuan ni Proetus, ang kapatid ng lolo ni Perseus.
Maayos naman ang lahat sa simula, not until makita siya ng makerengkeng na asawa ni Proetus na si Stheneboia. Sinubukan nitong landiin si Bellerophon pero dinedma nito ang beauty niya. Nagalit siya kaya naisip niya na maghiganti.
Nagala-best actress siya at sinabi niya sa asawa na hinaharot siya ni Bellerophon. Pinagtanggol ni Bellerophon ang sarili pero walang naniwala sa kanya. Hanggang sa pinakulong siya ni Haring Proetus.
Ayaw ng hari na patayin si Bellerophon kaya naisip niya na magsulat sa wax tablet para sa father-in-law niyang si Jobates. Sinabi niya rito ang sinumbong ni Stheneboia at ipinadala kay Bellerophon sa siyudad ng Lycia.
Nang mabasa ni Jobates ang nasa wax tablet, nag-alinlangan din siya. Kaya naisip niya na utusan na lang si Bellerophon na patayin ang halimaw na nagngangalang Chimaera. Baka sa paraang ito, mamatay ang bisita niya.
Ang Chimaera ay isang halimaw na may ulo ng leon sa una, kambing sa gitna at serpyente sa dulo. Ang hilig talaga ng mga Greeks sa mga hybrid na mga halimaw, pansin niyo?
Sa tulong ni Athena at ng tatay niyang si Poseidon, pinayuhan nito si Bellerophon na pumunta sa fountain ng Peirene sa Corinth. Doon nakita niya si Pegasus. Hinuli niya ito sa pamamagitan ng gintong tali na bigay ni Athena. Ilang sandali lang napaamo niya na ito at ginamit para lumipad papunta sa kinaroroonan ng halimaw.
Nahirapan si Bellerophon dahil bumubuga ng apoy ang Chimaera. Sa tulong ni Pegasus, mabilis silang nakakalapit para mapana ni Bellerophon ang bawat katawan ng halimaw. For the last blow, gumamit si bellrophon ng sibat na may lead sa dulo at sinaksak sa leeg ng Chimaera. Dahil sa apoy na hininga ng halimaw natunaw ang lead at naging dahilan ito para mamatay siya sa sarili niyang hiningang apoy.
Nang mapatay ni Bellerophon ang Chimaera, naramdaman ni Jobates na tinutulungan ito ng mga diyos. Pinaimbestigahan niya ang tunay na pangyayari sa Tiryns at napag-alaman niyang inosente talaga ito. Ipinakasal niya ang isa pang anak na babae kay Bellerophon at ginawa siyang tagapagmana ng siyudad ng Lycia.
Naging maswerte si Bellerophon sa buhay kaya naging mayabang siya. Nag-ambisyon siya na makapunta ng Olympus sa tulong ni Pegasus. Nagalit ang mga diyos kaya nagpadala si Zeus ng gadfly para atakihin si Pegasus. Iniwasan ito ng kabayo hanggang sa mahulog si Bellerophon. Naging pilay siya at nabulag ang dalawa niyang mata at nabuhay siya saa ganitong kalagayan hanggang sa kamatayan.
----*
Aware ba kayo sa Orion’s belt? Kung oo, pagkwentuhan naman natin kung sino si Orion at bakit siya may belt. Charot!Isang mangangaso si Orion. Anak siya ni Poseidon at Euryale (sumi-second runner up sa kaharutan si Poseidon, daming anak). One day, bumisita siya sa isala ng Chios at nakita niya ang napakagandang si Merope, apo ni Dionysus at Ariadne.
BINABASA MO ANG
The 'Classical' Mythology Class (On-going)
De TodoThe badass adventures of demigods at ang enchanting at magulong mundo ng mga Olympians. Interested ka bang malaman ang Greek/Roman myths? Halika na at basahin ang nakakalokang kwento ng mga diyos, diyosa, pati na rin ng mga demigods.