Lesson 7

51 9 5
                                    

Femme Fatale: Ang Mga Kwentong Harot ni Aphrodite

Napaka-dramatic ng paraan ng pagsilang kay Aphrodite

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaka-dramatic ng paraan ng pagsilang kay Aphrodite. Lumabas siya sa isang kabibe at kinilala bilang diyosa ng kagandahan at sexual desire. Ito ang uri ng pag-ibig na hindi mo mapipigilan, na agagawin mo ang lahat alang-alang sa ngalan nito. Hindi mo na iisipin ang magiging bunga ng pag-ibig na ito dahil ang mahalaga, ang masunod ito.

Isa si Ares (diyos ng digmaan) sa mga least liked gods ng Olympians. Palaging mainit ang ulo niya at naniniwala siyang ang pagiging bayolente ang sagot sa lahat ng bagay. Iniiwasan siya ng mga kapwa niya diyos at diyosa dahil na rin sa pag-uugali na meron siya.
Iba si Aphrodite sa kanila. Ang hindi alam ng marami, meron silang lihim na relasyon despite the fact na may asawa na si Aphrodite - si Hephaestus. Nagkaroon sila apat na anak ni Ares: si Phobos ("fear" in Greek), Deimos ("terror"), si Eros at si Harmonia. Ang malala pa doon, pinaniwala niya si Hephaestus na anak niya ang apat. Nakakagigil 'di ba?

Isang araw, nag-overnight si Aphrodite sa palasyo ni Ares. Ang hindi nila alam, nakita sila ni Apollo na magkasama nang papasikat na ang araw. Agad na sinabi ni Apollo ang nakita kay Hephaestus.

Sino ba namang hindi magagalit kapag nalaman mong nangangaliwa ang asawa mo? Gan'on din ang naramdaman ni Hephaestus pero 'di siya gaanong nagsalita tungkol dito. Sinimulan niya lang na kumilos para ipahiya ang asawa at ang kabit nito.
Buong araw siyang gumawa ng tansong lambat na sa sobrang pino walang sinuman ang makakatakas dito. Nang bumalik si Aphrodite sa palasyo nila, nagpaalam si Hephaestus na aalis siya at pupunta ng Lemnos.

Ang hindi alam ni Aphrodite, nagtatago lang si Hephaestus sa palasyo. Masayang-masaya naman si Aphrodite at nagpadala ng mensahe kay Ares na pwede siyang pumunta sa palasyo nila at mag-loving-loving.

Dumating si Ares at nang tumabi siya sa kama ni Aphrodite, biglang nalaglag ang net na ginawa ni Hephaestus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumating si Ares at nang tumabi siya sa kama ni Aphrodite, biglang nalaglag ang net na ginawa ni Hephaestus. Kahit anong gawin nila, hindi sila makawala.

Tinawag ni Hephaestus ang lahat ng diyos at diyosa para makita nila ang kalokohang ginagawa ng dalawa. Umiwas ang mga diyosa samantalang nagtawanan ang mga diyos at sinabing napakaswerte ni Ares dahil nakakatabi niya si Aphrodite.

The 'Classical' Mythology Class (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon