Chapter 23

423 11 1
                                    

White POV,

Ng maka lapat ang paa ko sa lupa napa upo ako ng wala sa oras. Tangina! Bakit ba ako tumalon sa helicopter alam ko naman na kaya ni A ang sarili niya. Hindi ko manlang ginamit ang utak ko.



"Ang tapang mong tumalon ha." Nakangiting saad ni A at lumapit sa akin sabay hubad ng parachute ko. Tinignan ko ito ng masama dahil sa inasal niya. Tangina!


"Maka ilang beses na akung tumalon sa helicopter A, sadyang natakot ako kanina sa sitwasyon ko. Gago ka naman eh." Mura ko sa kanya, kaagad itong napangiwi at inakbayan ako. Akmang tatanggalin ko ang kamay niya pero mas humigpit pa ang akbay nito.




"Sorry about the other day, hindi ko lubos maisip na kaya kang barilin ni L5, and I'm just following orders." Napaisip ako sa sinabi niya, he's right tumatanggap lang kami ng utos mula sa kanila.




"No, it's okay. Kung ako iyon hindi niya naman ako babarilin, nasalo ko lang ang bala na para kay Flame." Sagot ko at ngumiti para ipahatid sa kanya na okay lang talaga.



Ngumiti ito sa akin at ginulo ang buhok ko. Napatingin kami sa taas ng sunod-sunod na lumapag ang tatlo nauna si Flame kasunod si B at C.

Kaagad na hinubad ni Flame ang parachute nito at lumapit sa akin. Kasunod ang dalawa.


"Ano buhay kapa?" Naningkit ang mata ko sa pambungad sa akin ni Flame, tanginang lalaki to!



"Gago! Anong akala mo sa akin patay." Supalpal ko sa kanya, napatawa naman ang tatlo sa inasal ko.





"Habulin ba naman si A sa baba." Natatawang saad ni B, kita mo na kanina halos patayin niya ako sa pambabara at masakit na tingin niya tapos ngayon pangiti-ngiti na sa akin. May salpak ata sa utak.


"Gayahin nga natin siya. Si A, kahit ilaglag mo yan habang lumilipad ang helicopter mabubuhay yan, may pagka tutubi kasi." Natatawang saad ni C kaya lahat kami napabaling sa kanya. Pinigilan ko ang ngiting kanina ko pa pinipigilan dahil sa sinabi nito kay A.



"Gago! Tigilan niyo ako! Ikaw B lagot ka sa akin." With that nauna ng lumakad si A, nakasunod kami sa kanya habang pigil ang tawa.

Pero talaga namang magaling si A, nagawa niyang makarating dito sa baba na walang parachute, kagaya ng ginawa nina Callous at Paige kasama si Ice para iligtas si Velvet, tinalon nila ang malawak na kagubatan sakay ng helicopter.


I underestimate them, ang kaya ko palang gawin ay kaya rin nilang gawin. Sobra pa nga siguro ang magagawa nila kaysa sa akin. Kailan pa kaya ito matatapos?


Sumunod ako sa kanila habang naglalakad, kinasa ko ang barel ko habang iniisip ang pwedeng mangyari mamaya. Hindi ko alam pero binabalot ng kaba ang puso ko.



"Malapit na tayo. Be alert." Mahinang saad ni Flame at tinignan ako, nahatala niya siguro na may kakaiba sa akin. "Are you okay?" Mapait akung ngumiti at tumango sa kanya. Kaya napalingon sa akin ang tatlong alphabet.


"I'm sorry, kakaiba lang talaga ang pakiramdam ko." Saad ko, nagkatinginan sila at tumingin ulit sa akin.



"We can do it." Tanging sabi lang ni C at ngumiti sa akin. Nauna itong lumabas sa mga halaman at tumakbo papunta sa gilid na semento.


Wala na akung nagawa kundi ang sumunod da kanila. Tumango si A at sunod-sunod kaming tumakbo papunta sa pwesto ni C.


Bakit walang bantay dito, wala manlang nakapansin sa amin, dapat maraming bantay dito. Talagang iba ang pakiramdam ko dito.


The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon