Chapter 43

236 8 0
                                    


Sky's POV,

Napadaing ako sa sakit ng masagi ng kamay ko ang sugat sa paa. Namamaga na ito at kapag tatagal pa ito sigurado na ma infection na ito.




"Fuck!" Malakas kung mura ng mas lalong humapdi pa ito. Halos tatlong buwan na ako dito at sa loob ng tatlong buwan palagi akung pinahihirapan ni Ayesha kapag hindi ako pumayag sa gusto niyang kasal.


"Magpakasal ka nalang sa kanya Sky, hindi kana ililigtas ng nga kaibigan mo. Tatlong buwan na ang nagdaan, pero hito ka parin at hinihintay sila." Tinignan ko si Steve na ngayon ay may sugat na ito sa ulo.




"Hindi ako papayag, iisang babae lang ang pakakasalan ko." Sagot ko sa kanya at nilagyan ng tali ang sugat ko na sinaksak ni Ayesha kahapon.




"Walang magagawa ang pagmamahal mo dito Sky, papatayin ka nila." Sagot naman ni Stanley sa akin.


"Mas maganda kung ganon." Malamig kung sagot bago tinignan ang sarili ko sa salamin. Marami ng sugat ang mukha ko at maraming tuyong dugo sa katawan ko. Mamamatay at maraming sugat ang buong katawan ko. Halos araw-araw linalatigo nila ako pero patuloy akung lumalaban para kay White. Ngayon sigurado ako na magaling na si White. Sana maayos na ang kalagayan niya.





Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Ayesha na naka puting damit at may hawak na bulaklak hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Sa paraan ng kanyang pagngisi ay alam ko na ang binabalak nito. Napakuyom ako ng aking kamao, kapag nagkita kami ni Blue sisiguraduhin ko na makakatikim siya sa akin ng suntok dahil sa tagal nilang dumating. Talagang hinayaan ako ng mga gago!



"It's our wedding day Sky! Magbihis ka at magpapakasal na tayo!" Malakas nitong sigaw, pakiramdam ko tinatawag na ako ng kamatayan ko dahil sa sinabi niya. Mas mabuti pa na kamatayan ang tumawag sa akin kaysa sa walang kwentang babaeng ito! Malaki na ang salpak sa utak nito!








"Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi ako magpapakasal sa katulad mo na may sira sa ulo! Nakikita mo ba ang sarili mo Ayesha your a fuckin psycho!" Malakas kung sigaw sa kanya kaya kaagad nitong nabitiwan ang hawak nitong bouquet. "Sino ang hangal na lalaki ang magpapakasal sa katulad mo na baliw!" Dumagungdong ang malakas kung boses sa buong silid, napakagat labi si Ayesha habang napakuyom ito. "Patayin mo nalang ako Ayesha dahil hinding-hindi ko magpapakasal sayo!" Isang mahabang katahimikan ang namuo sa aming lahat na nandito sa silid kulungan.






"Kunin niyo si Sky." May diing saad nito at doon pumasok ang ibang alagad niya. Kaagad nilang binuksan ang selda ko at walang alinlangan na hinila ako palabas. Dalawang tao ang humahawak sa kada kamay ko kaya hindi ako makagalaw. Hindi ko naman sila masipa dahil sa sugat ko sa aking paa.





"Damn you Ayesha! Damn you! Let me go!" Malakas kung sigaw pero nginisihan lang ako ni Ayesha. Naiinis na ako sa lintik na babaeng ito!




"Sa ayaw at gusto mo Sky magpapakasal sa akin!" Akmang hahabutin ko ito ng iniwasan nito ang kamay ko. Hila-hila ako ng mga alagad niya palabas sa kulungan at  dinala ako sa likod ng mansion.





"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko ngunit bigla nila akung tinapon sa red carpet kung saan may pare sa unahan nito habang tinututukan ng baril. Nilingon ko si Ayesha na nakangisi habang nakatingin sa akin.





"Lumakad kana Sky kung ayaw mo na sumabog ang bawat na nandito. Kasama sila." At doon tinuro niya ang mga kasama ko sa kulungan na ngayon ay nakaluhod at may mga baril na nakatutok sa kanila.




"Hayop ka Ayesha! Huwag mo silang idamay sa kasakiman mo!" Pero wala lang sa kanya ang sinabi ko. Mas lalo pa itong napapangisi habang nakatingin sa akin.




The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon