SPECIAL CHAPTER

631 12 1
                                    


White POV,

Nakahawak ako sa pitong buwan kung tiyan habang papasok ako sa TDR kasama si Sky. Lalaki ang anak namin ni Sky, at medyo nahihirapan na nga ako sa pagdadala.



May kailangan kasi kami ni Sky sa TDR kaya kami pumunta dito. Kagaya ng sinabi ko noon dito kami tumira sa Pilipinas bumibisita lang ako sa Thailand para kamustahin ang Crainos.


Nakasalubong ko ang ibang agents habang papasok kami sa TDR kaagad naman silang napangiti sa akin kaya kinindatan ko nalang sila. Hawak-hawak ni Sky ang kamay ko habang papasok kami, takot lang nito na madapa ako.



"Kamusta ang kompanya ko Babe?" Tanong ko sa kanya at tinignan ito. Wala paring nagbabago sa amin ni Sky, kahit pa na mag-away kami minsan isa sa amin ang gumagawa ng paraan para magkabati kami.


"Maganda ang takbo ng kompanya mo White, kaya mag-iingat ka nalang. Ako na ang bahala sa gastuhin natin, kayang-y kitang buhayin White." Napatawa ako sa sinabi niya, alam ko naman na kaya Niya akung buhayin. Pero mahal ko naman ang kompanya ko, dugo at pawis ko ang naging puhunan ko sa kompanya ko. Ako mismo ang nagpatayo nito.



"Alam ko Sky." Sagot ko sa kanya at dumiretso kami sa Slyde's para kumain. May sasabihin kasi ako kay Kuya kaya kami pumunta dito. Papasok palang kami sa Slyde's ng nagkakagulo na dito. Nagkatinginan kami ni Sky, kaagad ako nitong inalalayan.




"Where the hell is Kate!" Malakas na sigaw ni Kuya Slyde kaya kaagad akung napaigtad. Nandito naman pala si Kuya hindi ko na kailangang pumunta sa office nito. Pero bakit niya hinahanap si Kate.


Kasi noong nakaraang buwan umalis na ng TDR si Kate ng malaman namin na may sakit ito sa mata. Unti-unting nabubulag si Pink at wala kaming kaalam-alam sa nararamdaman niya. Ng mag-away sila ni Kuya Slyde kaagad itong nagpasa ng resignation letter na kaagad namang pinirmahan ni Kuya dahil sa galit.


Nitong nakaraang araw lang namin nalaman ang tungkol sa sakit nito. At hanggang ngayon wala kaming alam kung nasaan na si Kate, wala kaming trace sa kanya. Kaya ito siguro ang winawala ni Kuya.





"Wala kaming trace sa kanya." Isang sunod-sunod na pagbasag ng mga baso at gamit dito sa Slyde's ang narinig namin ng banggitin ni Fire ang mga katagang iyon. Maski ako nalungkot din, kaya pala kakaiba ang sinabi ni Kate sa akin sa araw ng kasal ko, kung ganon matagal na niyang alam ang maramdaman niya at wala manlang itong sinabi sa amin. Kung sana sinabi niya ito nahanapan siya sana ng lunas.





"Damn it! Kate!" Malakas na sigaw ni Kuya at napahilamos sa mukha nito. Napaupo ito sa semento habang dumudugo ang kanyang mga kamay.





"He's a mess right now White." Napatingin ako kay Flower na nasa tabi ko na. "Simula ng mawala si Kate naging kalbaryo na si Kuya Slyde. Mabuti nga nandito si Saya para ayusin muna ang TDR. Marami na ang naghahanap kay Kate pero walang nakaalam kung nasaan ito. Talagang planado na ni Kate ang pag-alis niya, wala kaming kaalam-alam sa karamdaman niya." Hinawakan ko si Flower sa kamay ng mahigpit.


Nilingon ko si Sky na nakatingin din kay Kuya Slyde. Hinawakan ko ang kamay ni Sky kaya kaagad itong napatingin sa akin.


"Ipagpaliban muna natin ang kailangan natin sa kanya. For now, utusan mo ang Crainos na tumulong sa paghahanap kay Kate." Kaagad na tumango si Sky sa sinabi ko. Napatingin ako kay Kuya ngayon ay sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha, pakiramdam ko nasasaktan din ako para sa kanya. Kahit na hindi sabihin ni Kuya Slyde ramdam namin na mahal nito si Kate pero hindi niya lang ito sinasabi upang mailayo sa gulo si Kate. Naiintindihan ko si Kuya Slyde, pero kung kaya niya namang protektahan si Kate bakit pa niya ito tinutulak palayo.

Ngayon na lumayo na si Kate ano na ngayon ang gagawin ni Kuya Slyde? Ito siguro ang pagsubok sa pagmamahalan nilang dalawa. Kung sakaling mawala ang paningin ni Kate alam ko na lubos na masasaktan si Kuya Slyde, halata sa mga mara nito ang kanyang pagmamahal kay Kate.



"Bakit ba nawawala ang paningin ni Kate?" Saad ko nilingon si Flower sa tabi ko.




"Wala kaming alam, basta nalang itong umalis sa TDR. Hindi pa sana namin malalaman kung hindi nito naiwan ang resulta ng test niya. At ng kinausap ni Kuya Slyde ang Doctor na iyon sinabi nito ang kalagayan ni Kate. Malala na ito at paminsan-minsan nawawala na ang kanyang paningin. Mas mabuti pa sana kung kagaya ito ng kay Saya pero hindi, mas malala ang kay Kate. Sinisira nito ang lahat ng parte ng mata mo, at sabi ng doctor wala daw balak na ipagamot ito ni Kate. Kung sana nalaman namin ito kaagad nagawan sana ng paraan pero tinago ng mabuti ni Kate." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.


Bakit mo ba ito ginawa Kate? Sana malaki ang rason mo para gawin ito. At sana nasa maayos ka lang, bumalik kana sana ng TDR marami ang tutulong sayo dito. Bumalik kana.

The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon