Chapter 44

260 8 0
                                    


Sky's POV,


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa bagong White na nasa harapan ko. Mas maganda pa ito sa dating White na nakilala ko. Kakaibang babae na ang kaharap ko ngayon.




"Kamusta Ayesha? Kilala mo ba ako?" Saad nito habang pinaiikot ang baril sa kanyang kamay. "Inaagaw mo ang magiging groom ko." May diing saad nito sa huling salita na kanyang binigkas.




"Hayop ka White! Hindi ka mamatay-matay na hayop ka!" Malakas na sigaw ni Ayesha kay White na ngayon ay nakangisi na sa kanya.




"Ikaw nga matagal mamatay ako pa kaya? By the way, nagdala ako ng kasama." Dahil sa sinabi ni White may mga yateng paparating sa isla kasama ng ibang helicopter. Ang ibang nakasakay dito ay nagsitalon. Nagsisulputan ang ibang agents at guardians sa likuran ni White.


Kaagad silang napatingin sa akin at matamis na ngumiti.



"Tapusin na natin to Ayesha." May diing saad ni White habang nakatingin sa akin. "Bumaba kana Sky, hindi ako makakapayag na magpapakasal ka sa katulad niya!" Malakas nitong sigaw at tinutukan ng baril si Ayesha.





"Akin na si Sky! Sa akin lang siya White! Ako na ang mahal niya! Siya ang ipapalit ko kay Ian na pinatay mo na hayop ka!" Kaagad ako nitong hinila at tinutukan ng baril sa ulo kasama ang alagad niya. "Pero mas mabuti nalang na mamatay siya para tayong dalawa ang mawawalan diba? Isusunod ko ang hayop mo na kasama! Sana namatay ka nalang o di kaya nanahimik kana sa buhay mo! Masaya na kami dito ni Sky  kaya umalis kana dito! Sinisira mo ang kasal ko na hayop ka!" Hindi ako makagalaw habang hawak-hawak ako ng alagad niya at nakatutok sa akin ang kanyang baril na isang maling galaw lang ay sasabog ito sa ulo ko.







"Baliw ka Ayesha! Hindi siya si Ian! Akin si Sky akin! Sa simula't sapol akin na siya kaya bitiwan mo siya kung ayaw mo na ipapalapa ko sa leon ang bungo mo na hayop ka! Sinisigurado ko sayo na hindi ko patatahimikin ang buhay mo! Bitiwan mo si Sky!" Akmang lalapit si White ng mas lalong linapit ni Ayesha ang baril sa ulo ko.




"Oo, hindi siya ni Ian pero siya ang papalit kay Ian! Matagal ng sira ang buhay ko White at ikaw ang dahilan ng lahat ng iyon! You fuckin copied my face! Simula't sapol ikaw ang naunang ng agaw White! Ikaw! Pinatay ng hayop mo na pamilya ang lolo ko! Sinira mo ang buhay ko! Ikaw ba ang Princess ng Crainos! Wala akung pakialam White kung sino kaman ikaw parin ang babaeng kilala ko ng mang-aagaw ng mukha at buhay! Ano ang ipinagmamalaki mo ngayon ang bagong mukha na meron ka! Baka naman nang-agaw kana naman ng mukha ng iba, kasi diyan ka naman magaling White ang mang-agaw!" Malakas itong tumawa at dinuro si White gamit ang baril niya. "Pareho lang kayo ng fiance ni L1! Mga malandi at mang-aagaw! Kaya nababagay na magkasama na kayo sa hukay!" Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni White dahil sa sinabi ni Ayesha.





"Tama ako diba? Ano White sumagot ka! Ilabas mo ang tapang mo! Dahil sa susunod hindi lang pagkasunog ang ipaparanas ko sayo! Ililibing kita ng buhay White!" Isang malakas na halakhak ang namuo sa amin, tanging malakas na tawa ni Ayesha ang namamayani sa bawat paligid.





"Sabihin mo na lahat Ayesha, dahil ito na ang huling araw mo dito sa mundo. Ako mismo ang babawi sa buhay na meron ka." Malamig na saad ni White at sa isang iglap sunod-sunod na pagsabog sa loob ng mansion ang nagaganap. Nanlaki ang mata ni Ayesha habang nakatingin sa loob ng mansion nito na umuusok.







"Hayop ka White! Patayin sila!" Malakas na sigaw nito at kaagad na napalibutan ng mga alagad niya sina White. Nagkatinginan kami ni White at isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin bago ako malakas na hinila ng mga alagad ni Ayesha.

The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon