Chapter 49

422 6 0
                                    


White POV,

Nakatunganga ako habang nakatingin sa mga agent na nag-aayos ng kanilang mga baril at sniper sa loob ng mansion ko. Ikakasal na ako sa susunod na linggo at hanggang ngayon hindi pa bumabalik si Sky, sabi niya sa akin marami pa itong tatapusin sa kompanya. Dalawang buwan na ang nagdaan at ikakasal na kami.



Parang hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako sa lalaking mahal ko pero wala naman siya dito, marami itong ginagawa sa Pilipinas. Nauna pa dito ang mga agents at ibang Mafia's sa kanya. Pinipigilan ko lang na magalit sa kanya dahil alam ko ang trabaho niya.





"Anong nangyari sayo?" Kaagad akung napatingin kay Red ng umupo ito sa tabi ko habang nakangiti. Kagaya ni Red at ang ibang DG magkakaroon na ako ng pamilya.



"I miss Sky." Pagsasabi ko sa kanya ng totoo, kaagad itong tumawa at tinapik ako sa balikat.






"Hindi ka tatakbuhan ni Sky, sadyang marami lang ang ginagawa ni White." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Red, tama naman siya. Maraming ginagawa si Sky.





"Hindi kita iiwan White." Kaagad na kumabog ng malakas ang puso ko ng marinig ang mga boses na iyon, pakiramdam ko nilipad ako sa kalangitan dahil sa saya. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akung tumingin kay Red na ngayon ay nakangiti sa akin.





"Your Prince is here young lady." Kaagad na saad nito, walang akung alinlangan bumalikwas at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sky. Wala na ang mga pasa at sugat nito sa mukha, bumalik na sa dati ang mukha nito. Binalot ng saya ang puso ko habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha.



Hindi ako makapaniwala na mamahalin ako ng lalaking mahal ko, akala ko tuluyan ng nasira ang buhay ko pero ito pala ang naghihintay sa akin. Kung kinakailangan na maranasan ko ulit ang mga pasakit na naranasan ko para makasama ulit si Sky buong puso kung tatanggapin.


Si Sky ang lalaking minahal ko na higit pa sa buhay ko, kahit buhay ko handa kung ialay para sa kanya. God knows how much I love him. I love everything about him.




Ma swerte na ako dahil minahal niya ako, nasuklian ang pagmamahal ko sa kanya. Akala ko wala ng magmamahal sa akin, sa isang katulad ko na mamamatay tao. Marami akung buhay na kinuha at pinatay pero hindi ko alam ang ginawa ko para ibigay sa akin si Sky. Sapat na sa akin si Sky, sapat na siya sa buhay ko.





Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko habang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa saya. Mahal na mahal ko ang lalaking ito, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin. Ikamatayw ko kapag nawala siya sa akin, ngayon pa na minahal na niya ako masisiraan ako ng bait kapag nawala pa siya sa akin.






Mas lalo akung napaluha ng itinaas nito ang kanyang kamay para salubungin ako ng yakap, nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. Isabay pa ang napaka gwapong mukha nito at ang kanyang maamong mukha.






"I miss you babe." Nakangiting saad nito at siya na mismo ang lumapit sa akin at mahigpit akung niyakap. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang yakap-yakap niya ako, amoy na amoy ko ang pabango nito na nanunuot sa ilong ko. "Nandito na ako mahal ko." Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko habang nakayakap sa kanya.





"Bakit ang tagal mo." Saad ko ngunit isang munting tawa lang ang narinig ko mula sa kanya, gumanti ako ng yakap sa kanya at binaon ang mukha ko sa kanyang dibdib.





"I love you nalang White." Sagot nito, mahigpit akung napahawak sa coat nito habang nilalasap ang tamis ng mga salita niya. Kahit ilang beses ko ng narinig ang katagang ito sa kanya mapa tawag man hindi ako nagsasawa.





"I love you too Sky." Mahinang bulong ko sa kanya at mas lalo itong niyakap. Wala akung pakialam kung marami ang nakatingin sa amin. Ang mahalaga sa akin ay si Sky, si Sky na mahal na mahal ko.






"Nilalanggam ako tangina!" Narinig ko ang tawag ni Sky kaya nilingon ko ang sumigaw na iyon. Bumungad sa akin ang nakangising Bench at Luther. Magkaakbay pa talaga silang dalawa. Bakit nandito na si Luther, sigurado ako na si Pink ang habol nito. Kakaiba ito makatingin kay Pink.





"Yow Sky!" Bumitaw nalang ako kay Sky dahil marami na ang sumusira sa moment naming dalawa. Hindi naman ako madamot kay Sky, basta akin lang ito. Kaagad na lumapit si Sky kay Chain na ngayon ay kasama si Grey at Knight.




Tinignan ko lang sila habang binabati si Sky. Ngayon hindi ko na masosolo ang mahal ko, marami na akung kaagaw.




"Oh ipagdadamot mo na si Sky?" Masakit na tinignan ko si Saya habang papalapit ito. "Hindi parin ako nasasanay sa bagong mukha mo White, your beautiful." Pero tinaasan ko lang ito ng kilay. "Tigilan mo ako." With that nginitian ko ito, mahirap pa naman magtampo si Saya.





"Sa kanila muna si Sky ngayon, kukunin ko siya mamatay." Kaagad na malakas na napatawa si Saya at Velvet sa sinabi ko. Kaagad namang lumapit si Rain at Red sa amin.






"Ngayon lahat na tayo ikinasal na, paano na ang DG." Saad ni Rain at umakbay kay Saya. Tama siya, may mga pamilya na kami. Pero hindi naman ibig-sabihin na may pamilya na kami wala na ang DG.




"Walang magbabago, wala lang tayong mission pero solid parin ang DG. Nakalimutan niyo ata na we are the face of TDR." Sabay-sabay kaming napangiti sa sinabi ni Saya. Kahit ano pa ang mangyayari, mananatiling DG kami. Kami parin ang sikat na disaster girls.






"At ikaw ang nahuling member na ikakasal White." Kaagad akung napasimangot sa sinabi ni Red, alam ko na ang balak nila. Mukhang butas na naman ang credit card ko nito.






"Dapat may discount ako." Saad ko pero sabay-sabay silang umiling sa akin, napakamot ako sa ulo ko. Sabi ko nga.





"Pagkatapos ng kasal ko nalang niyo ako singilin." Saad ko at matamis na ngumiti sa kanila. Will, dahil ako ang huling member na magkakpamilya kailangan na ilibre ko sila ng mga gusto nila. At sigurado ako na mabubutas ang credit card ko sa kanila. Kilala ko na sila, talagang uubusin nila ang laman ng credit card ko. Makaligtas sana sa ambush ang pera ko.




"Kumain muna tayo!" Kaagad kaming napalingon kay Helix ng sumigaw ito. Nagkatinginan kaming lima at sabay-sabay na ngumiti. Sunod-sunod kaming pumunta sa labas ng mansion upang doon kumain.



Dito gaganapin ang reception ng kasal ko, kaya medyo busy kami sa pag-aayos. Lalo't magiging live sa Thailand ang kasal namin ni Sky, para naring welcome party sa pagbabalik ko dito.





"Hindi makakapunta ngayon sina L4 at L5 kasama ang kanilang mga guardians sabi sa akin ni Knight kanina mukhang may aayusin pa ang dalawang iyon." Kaagad akung napatingin kay Helix ng mag salita ito. So wala ang tatlong alphabet dito, bigla ako nalungkot dahil simula ng gumising ako iniiwasan ako ng tatlong alphabet.  Hindi na nila ako pinapansin, kung wala akung itatanong sa kanila hindi nila ako pinapansin.





"How about sina A at B? Hindi ba sila pupunta." Tanong ko sa kanya napalingon sa akin si Grey at kaagad akung nilapitan at tinapik sa balikat.




"Ganyan ang mga guardians White, kapag tapos na ang iniutos sa kanila wala na itong pakialam sayo kahit na naging malapit pa sila sayo kailangan ka nilang kalimutan. May mga utos sa kanila ang kanilang mga amo, at wala ka ng magagawa doon. Hindi ka naman kakalimutan nina A, sadyang ganon lang talaga sila." Tinapik ulit ako sa balikat ni Grey bago ako iniwas. Ramdam ko na may humawak sa kamay ko ng lingunin ko ito si Sky ito.




"Ganon din ang ginawa nina A kay Flame. Mabuti nalang naiintindihan ito nina Flame, the friendship between you and the alphabet will stay forever. Malay mo darating ang panahon na pansinin ka nila ulit." Tumango ako sa sinabi ni Sky, naiintindihan ko naman sila. Ang buhay nila ay napupuno ng utos, hindi sila gagalaw kapag walang utos sa kanila. Iyon ang buhay na kinalakihan nila.



Dahan-dahan akung hinila ni Sky upang kumain na. Kaagad naman akung sumunod sa kanya, ibang buhay naman ang mayroon sina A. Sumusunod sila sa utos ni L4 kaya wala akung magagawa kahit pa na naging malapit ako sa kanila.



Masaya na akung nakilala ko sa kanila at sa tulong na binigay nila sa akin. Hindi nila ako iniwan hanggang sa huli.

The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon