Chapter 46

273 11 0
                                    

Sky's POV,

Napangiwi ako ng dahan-dahan na ginagamot ni White ang sugat ko sa paa. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nito. At hindi ko mapigilang mapangiti habang malakas na tumitibok ang puso ko.


"Alam mo Sky, dapat pinatay na kita sa kagaguhan mo. Nasaan ang utak mo para sumugod doon kay Ayesha? At talagang magpapakasal ka sa kanya ano?" Biglang kumunot ang kilay ko sa sinabi niya at mas lalong kumunot ito ng tinignan niya ako sa mga mata. "Ayaw mo ba sa totoong mukha ko? This time ito na ang totoong ako Sky." Dahan-dahan akung napangiti sa sinabi niya.



"Kahit ano pa ang mukha mo White mamahalin kita. Kilalang-kilala ka ng puso ko White." Saad ko at hinawakan ang pisngi nito.




"Ganon? Pero noon para akung aso habol ng habol sayo pero ngayon ito ka sinasabing mahal mo ako. Maniniwala ba ako Sky?" Doon na ako napasimangot, talagang hindi nakakalimot ang karma. Panahon ko na para ako naman ang humabol sa kanya.




"I'm sorry kung nasaktan kita White, I won't deny it. Ang maipapangako ko lang sayo ay ang totoong pagmamahal ko sayo ngayon. Handa akung maghirap para sayo, masuklian lang ang pagmamahal mo sa akin noon na sinayang ko." Mahinang saad ko habang hawak-hawak ang kanyang pisngi.



"Hindi ka makata Sky kay tigilan mo ako. Tumayo kana diyan at ngayon nila kailangan na e freeze ang katawan ni Ayesha. Namatay na ito kahapon, maraming drugs ang nilagay nila sa katawan ni Ayesha upang hindi ito umagnas bago ilibing sa yelo. Pag-aralan ng Eins Department ang katawan niya habang naka yelo." Kaagad itong tumayo ng matapos nitong gamutin ang sugat ko.



"Dadalhin siya pabalik sa Pilipinas?" Kaagad na tumango si White sa sinabi ko.



"TDR na ang bahala sa katawan niya. Naka ilang sampal ako sa TDR dahil sa ginawa ko noon remember?" Kaagad kung naalala ang ginawa nga niya noon. Umalis siya sa TDR na pakana ni L1, dahil pala ito sa pagiging princess niya.






"Babalik kapa sa TDR?" Kaagad kung tanong sa kanya, tinignan ako nito sa mga mata at hinawakan ako sa kamay.



"I'm so sorry Sky, pero hindi na ako magiging agent ng TDR. Kailangan ako ng Crainos, bibisita ako sa TDR." Hindi na ako nagulat sa sinabi nito. May bagong buhay na si White at mas kailangan siya ng kanyang organization.



"I understand White, kahit ano pa ang gusto mo susuportahan kita." Saad ko, napabuntong hininga ito at niyakap ako.



"I'm so sorry Sky, sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa pag-iwan at pagtaboy ko sayo humihingi ako ng tawad. Kung sana naayos ko ng mas maagad ang buhay ko hindi sana humantong sa ganito. Sana mapatawad mo ako." Gumanti ako ng yakap sa kanya, ayos na sa akin ang makitang ligtas ito.



"Tatanggapin ko ang sorry mo kapag sinabi mo na mahal mo din ako." Bigla itong napabitaw sa pagkakayakap ko at tinignan ako ng masama pero kitang-kita ko sa mukha niya ang saya at gulat.




"Manahimik ka! May kasalanan kapa sa akin Sky! Hindi mo alam ang dinanas ko gumaling lang agad at maligtas ka! Halos araw-araw akung hindi makatulog ng maayos dahil iniisip ko ng kalagayan mo! Tapos ganyan ka lang! Ilang taon akung namamalimos ng pagmamahal mo Sky, at alam ko na alam mo iyan! Kaya sana naman sa susunod huwag mo na itong gawin. Alahanin mo naman ang taong maiiwan mo Sky, hindi lang ako pati narin ang kambal mo."  Napatahimik ako sa sinabi ni White.



"Simula ng mawala ka Sky, walang katahimikan dito sa mansion ni L1. Halos araw-araw palaging may nag-aaway dahil aalis sila para iligtas ka nangunguna doon ang kambal mo. Mabuti nalang mapipigilan ito ni Red, kasama ang ibang Mafia's na nagwawala para mailigtas ka. Huwag mo na itong uulitin Sky, ikaw ang pinaka gagong tao na nakilala ko Sky. Pasalamat ka hindi ka pinatay ni Ayesha, pero magpapakasal ka lang sa kanya." Doon na umasim ang pagmumukha ni White ng banggitin niya ang kasal, pero deep inside ang saya ng puso ko.

The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon