Chapter 29

1K 28 13
                                    

White POV,

Habang nakatingin ako sa malawak na bahay at napapaligiran ng mga armadong lalaki. Ito ang bahay ni Ayesha. Sobrang laki.

"The plan is the same. Kill Ayesha and Ian then get the antidote." Napatango ako sa sinabi ni A, that's the plan. Tinignan ko sila habang nakatingin sa akin.

"I am thankful na nakilala ko kayo." Nakangiting saad ko, nanlaki ang mata nila habang nakatingin sa akin. Hindi siguro nila akalain na sasabihin ko iyon. "I'm sorry nadamay kayo sa problema ko." With that nilapitan ko sila at niyakap. Natulos pa sila sa kanilang kinatatayuan.

Napalingon ako kay Flame na nakatingin lang sa amin, hindi nagtagal kaagad itong lumapit at niyakap din kami. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at ngumiti.

"Namamaalam ka?" Napatawa ako sa sinabi ni B.

"Hindi." Supalpal ko sa kanya at kinurot sa kamay si Flame sabay hugot ng dalawang barel ko. "Kakaiba talaga ang pakiramdam ko ngayon." Saad ko habang nakatanaw sa bahay ni Ayesha.

"Na ano? Binarel mo si Paige kahapon?" Tinignan ko ng masama si A umiwas naman ng tingin si C sa akin.

"Tigilan mo ako." Supalpal ko sa kanila at nauna ng lumakad. Nandito kami sa mataas na burol kung saan tanaw na tanaw ang bahay ni Ayesha sa gitna ng kagubatan.

Habang pababa ako ng burol, rinig na rinig ko naman ang murahan ng apat. Para akung may mga kasamang bata.

Ng makaapak ako sa semento at tanaw na tanaw na ako ng bantay niya kaagad na tinutok sa akin ang barel nila. Habang ang mga kasama ko nagsitago sa puno.

Walang awa na pinasabog ko ang kanilang mga bungo habang patuloy lang ako sa paglalakad papasok sa gate niya.

Sa bawat taong makikita ko, kaagad na pinapatay ko at tinitira sa ulo. Hindi manlang sila nakatama sa akin. Poor Ayesha hindi sinanay ang tao niya na humawak ng barel.

Mabilis akung kumuha ng bala sa tagiliran ko habang papalapit ako sa isang malaking lalaki na natayo sa gate at nasa likod ang kamay. Dalawang malakas na putok ang huling lumabas sa barel ko at natumba ang natitirang mga lalaki. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng apat, habang papalapit ako sa nakatayong lalaki binalik ko ang barel ko sa beywang ko.

Ng marating ko ang gate kaagad na tinignan ko ang lalaki na sobrang laki at nasa likod lang ang kamay.


"Where is your fucking boss?" Malamig na saad ko ngunit kaagad nitong binaba ang kamay niya at bumungad sa akin ang dalawang katana na hawak nito.

"Dadaan ka muna sa akin bago ka makalapit sa kanya." Sagot niya sa aki at umurong sabay posisyon. Tinignan ko ang apat na huwag makialam sa akin.

Ng humarap ako sa kanya kaagad niya akung sinugod ng atake, mabilis itong gumagalaw habang winawasiwas ang katana nito, panay naman ako iwas sa mga atake niya.


Napatigil ako ng matamaan niya ang pisngi ko. Kaagad na napahawak ako sa pisngi ko ng tumulo ang dugo dito at matinding hapdi ang naramdaman ko.

Mapait akung napangiti sa ginawa niya. Pinahid ko ang dugong tumulo sa pisngi ko at mabilis na inatake siya. Mabilis kung iniiwasan ang mga kanyang tira, wala akung panahon sa kanya. Si Ayesha ang pakay ko dito, dahil marami ng tao ang namamatay dahil sa drugs niya.


Ng makakita ako ng tyempo kaagad kung sinipa ang kamay nito at sinuntok ko ang kabilang kamay nito, naagaw ko ang katana nito. Mabilis ko siyang sinipa sa mukha kaya napaurong ito. Tumayo ako ng tuwid at nginisihan siya.


The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon