Chapter 27

537 16 10
                                    

White POV,

Napakagat labi ako habang nakaharap sa laptop ko. Ilang laptop naba ang natapon ko dahil hindi ko ma trace si Ayesha? Pang lima nato eh.

Bogssshhh!

Their, pang lima na yon. Tinignan ko ang wasak-wasak na laptop ko sa semento. Tangina! Marami ang naka inom ng drugs sa mga tao, ito halos ang balita sa buong mundo ang lintik na drugs ni Ayesha.

At ang agent sa TDR marami ang nakainom ng medicine na may drugs, halos magwala ang ibang agents dahil sa nalaman nila. Maraming agents ang infected sa drugs including, Fire, Nix, Rade, Calcium, Nickel, Pink, Saki and Flower.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nababaliw na si Wind sa kakagawa ng antidote nandoon na si Bench at ang ibang kaibigan ni Grey para tumulong. Marami ang nabiktima ni Ayesha, sana lang makagawa sila ng antidote dahil wala akung makita na paraan para mahanap si Ayesha, all we need to do it to make the antidote.

Ilang araw na akung walang tulog dahil sa paghahanap sa kanya, lahos na hack ko na ang lahat ng pwedeng paraan para mahanap siya pero wala parin. Maski Dragon League wala silang mahanap, nababaliw na ako sa pagaalala sa kaibigan ko sa TDR. Ngayon naka freeze ang katawan nila para humina ang pag-agnas ng katawan nila. Maraming agents ang nabiktima mga trainee pa ang iba.

Pinatulog sila at tinurukan ng vaccine na pang magbibigay lakas sa kanila at sinilid sa crystal at Pina freeze ang katawan. Wala na silang choice and before they do that, alam ng mga nabiktima ang ginawa sa kanila.

Nanginginig sa galit ang kamay ko habang iniisip sina Rade na naka freeze ang katawan. Kaagad na pumatak ang luha ko, it's been three days ng tuluyan ko ng tinapos ang pagiging agent ko sa TDR at hanggang ngayon umiiyak parin ako.

Hindi ko lubos maiisip na mangyayari ito sa akin. Hindi ko akalain na aalis ako sa TDR. I can't fucking believe it. Darating pala ang araw na lilisanin ko ang TDR. Tumayo ako at hinubad ang shirt ko, ngayon naka sando lang ako at short na maong.  Kinuha ko ang barel ko at kinasa ito.

Tinutok ko ito sa isang baso na nakalagay sa isang mesa sa tabi ng hagdan, kinalabit ko ang gatilyo isang malakas na putok ng barel ang umalingaw-ngaw sa loob ng bahay ko at wasak-wasak na tumalsik ang baso sa paligid. Oh my bad.

Binaba ko ang barel ko at naupo ulit sa sofa. Saan ba kita mahahanap Ayesha. Magpakita kana sa akin, magtutuos pa tayo. Kumakati na ang kamay ko na patayin ka.


Sumandal ako sa sofa at bumalik sa alaala ko ang pagkasunog ko. Nasunog ako, sigurdo na ako doon. Nasunog ako, but who the hell save me. Kung nasunog ako bakit maayos ang balat at mukha ko. Nakita ko ang ibang test at results ng hospital ni Ayesha pati blood type niya hindi kami magkatulad. Kaya sigurado ako na mukha lang ang nagaya ko sa kanya, and who change my face. Sino ang tumulong sa akin. That's the question mark in my mind. Bakit niya ako sinagip at itong mukha ang pinalit sa akin.


Dapat na magpasalamat ako sa kanya sa pagsagip sa akin. Dahil sa kanya nabuhay ako, hindi naman si Kuya Slyde ang tumulong sa akin sana sinabi niya kapag siya. Pero hindi, ang huling naalala ko lang wala na ang pamilya ko. Tanging si Keizer nalang.


My parents burn me, at nakaligtas ako together with my brother, pero sino ang lumigtas sa amin. I don't know. My mother just watching me while I'am burning. The fuck! I fucking need answers!



Kaagad akung napatayo ng may kumatok sa pinto. Napabuntong hininga ako at lumapit sa pinto kaagad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang mukha ni Sky. The hell. Ano ang ginagawa niya dito, he's a mess.



"What are you doing here?" Kaagad na saad ko, naka tuxedo pa ito at malalim Ang ibabang bahagi ng mata niya.


"White, let's talk. Please let's talk." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ano pa ba ang kailangan niya, tapos na ang sa amin. Tanggap ko na wala na kami.


The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon